bc

Falling for You (Pretty Girls Series 1)

book_age12+
45
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
independent
confident
drama
sweet
female lead
campus
city
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Gilliana Marie Delos Reyes is taking BS Psychology. Normal lang ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan. Hindi sila ganoon kayaman at hindi rin ganoon kahirap.

Until one day, Gilliana met Cal Denzey, the CEO of the Denzey Resort & Casino.

Nung araw na yon ay hindi mawala sa isipan ni Gilliana si Cal kaya gumawa siya ng paraan para mapansin nito. Nung tuluyan na siyang napansin ng binata at nagkakamabutihan na sila tsaka naman may magbabalik.

chap-preview
Free preview
Simula
Nandito ako ngayon sa library ng university, nagbabasa ng libro tungkol sa psychology. Habang taimtim akong nagbabasa rito ay may umupo sa tabi ko. "Hey bes, let's go home na." bulong sakin ni Tracy, ang bestfriend ko. Isa siyang Archi student and we're both 3rd year college. Magkasama kami sa iisang condo unit. "Okay, just a minute." tugon ko sa kanya and tumayo na at binalik na sa bookshelf ang libro at inayos ko na ang gamit ko. "Tara na." sambit ko at lumabas na ng library. Pagkarating namin sa condo ay dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis na. Pagkalabas ko ay nasa kusina na si Tracy. Maaga pa ngayon, 4:50 pm pa lang and usually ay mga 5:30 na ako umuuwi napaaga lang ngayon kasi May meeting ang mga prof. Pag gantong oras ang uwian ni Tracy kaya mas nauuna siya kaysa sakin. "Ubos na ang stocks natin dito, kailangan na nating mag grocery." sabi niya sakin habang nagtitingin siya don sa mga shelf. "Tara,ngayon na tayo mag grocery maaga pa naman." yaya ko sa kanya at bumalik na ako sa kwarto at nagbihis na,ganon rin siya. Pumunta kami sa malapit lang na grocery store at naghanap na ng stocks ng aabot ng isang buwan. "Ay Gilliana nabibwisit ako ngayon grabe oo." sabi sakin ni Tracy. "Oh bakit naman?"tanong ko sa kanya. "Nakakairita kasi yung lalaking yon eh." tugon niya sakin. "Sino?" tanong ko ulit. "Sino pa bang pwedeng manggulo sa payapa kong araw ha?" balik niyang tanong sakin. "Ah si Thrie." sabi ko habang tumitingin ng mga delata. Ano kayang masarap? Sardinas, corned beef, or century? Ah ok lahat na lang. Kumuha ako ng tig-tatlo at nilagay sa cart namin. "Nako oo, bwisit talaga siya. He's so yabang akala mo kung sinong gwapo." sabi niya "Bakit gwapo naman siya ah." sabi ko rin at tumingin sa kanya. Siya naman ay parang nandidiring tumingin sakin. "Seriously?! You find him handsome?!" pasigaw niyang tanong sakin kaya medyo napatingin samin yung ibang namimili rin. "Lower your voice. And yup I find him handsome. Sadyang bulag ka lang talaga kaya hindi mo siya nakikitang gwapo or..." pambibitin ko sa kanya "Or?" "Or...you're just jealous." prangka kong sagot at siya naman ay nanlaki ang mata. "Ano?! Ako?! Jealous?! Why would I?!" tanong niya sakin "Kasi nga pogi siya at maraming nagkakagusto sa kanya kaya ganern." at naglakad naman kami sa meat section at namili doon ng meat, siyempre. At sumunod din siya sakin. "Napapakinggan mo ba ang sarili mo ha? Ako magkakagusto don sa babaerong yon? Excuse me, hindi noh over my dead gorgeous body." pangdedepensa niya sa sarili niya. "Oo na, oo na. Oh ilan nitong meat? Dalawa o tatlo?" tanong ko sa kanya "Dalawa na lang." sabi niya at pumunta naman kami sa snacks area. Basta kumuha na lang kami don at pumila na sa may counter. "Bes, nga pala bukas uuwi ako samin tutal it's Saturday naman tomorrow eh." paalam niya sakin. "Ok, pakibati na lang ako kayna Auntie ha? And pag-uwi mo ehem— pasalubong." bilin ko sa kanya at natawa naman siya. "Hahahaha oo na." sabi niya at kami na ang magbabayad ngayon. "3,573.25 pesos po ma'am." sabi ng cashier na kulang na lang eh wig ng isang clown dahil sa sobrang kapal ng make-up. Pagkabayad namin eh nilakad na lang namin ni Tracy papuntang condo kasi magkatapatan lang naman ang grocery store at yung building. "Yung mukha ni ateng cashier parang colorbook. Ang kulay hahahahah." sabi niya sakin ng tumatawa pa,kakalabas lang namin ng elavator and napansin naming may bagong lipat sa tapat ng aming unit. "Mukhang may bago tayong neighbor ah." bulong sakin ni Tracy. "Oo nga eh,sino kaya?" bulong ko rin sa kanya. Nung nasa tapat na kami ng unit namin ay kinuha na ni Tracy ang susi at siya na ang magbubukas at ako naman ay sumisilip sa tapat ng aming unit dahil gusto kong makita kung sino yung bagong lipat. Nung pagkabukas ng pinto ng unit namin ay saktong may lumabas na lalaki sa tapat ng unit namin. Siya ata ang bagong lipat dito. Infairness gwapo siya,matangkad pa. "Hi. I'm Gilliana." pagpapakilala ko sa kanya. Tiningnan niya ako at tumango siya sakin. "So I guess, ikaw yung bago naming neighbor." sabi ko pa sa kanya at tumango lang siya sakin. Okay masungit ang isang toh. "Sige pasok na ako,bye. See you when I see you." paalam ko sa kanya at pumasok na ng tuluyan sa unit namin. "Ikaw ha! Oh ano ang pangalan non?" tanong niya sakin. "Don't know. Hindi naman siya nagsalita at puro tango lang ang sagot sakin." nilagay ko na yung isang meat sa ref para bukas at yung isa naman ay lulutuin namin dahil 5:15 na. Ang tagal rin naming mag grocery eh. "Ay sungit ang peg ni kuya hahahahah." natawa na lang din ako sa sinabi niya. Nandito na ako ngayon sa kwarto at nagbabasa na. 7:45 pm na ngayon at kakatapos ko lang maligo. Habang nagbabasa ako ay nag-crave ako sa ice cream kaya lumabas ako ng kwarto at bibili ako ng ice cream. "Hey,I'm just gonna buy ice cream. You want?" tanong ko kay Tracy. Gumagawa siya ng plates niya para siguro pag uwi niya sa kanila bukas ay wala na siyang alalahanin pa. "Nope. Thanks." sambit niya habang nagpapatuloy sa pag drodrawing. "Okay." at lumabas na ng unit namin at sumakay na ng elavator. Pagkababa ko ay pumunta lang ako sa isang store dito lang din sa loob ng building. "Ate isa nga pong Ube Quezo Pastillas." at abot sa kanya ng bayad. Nung pagkabigay niya sakin ng ice cream ay umupo muna ako ron sa table sa tabi ng dingding. Habang kumakain ako ng ice cream ay nakita ko si Kuyang Tango. Yung kaninang kausap ko na puro tango lang ang sagot. Bumibili din ng ice cream,vanilla flavor. Naghanap rin siya upuan kaya kumaway ako sa kanya. "Here." I said Umupo naman siya sa katapat na upuan ko. "Good evening kuya. Mukhang nag crave karin sa ice cream ah." pagkakausap ko sa kanya and tumango lang ulit siya sakin. "Kuya nga pala, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya and he look at me. "Cal." yun lang ang sabi niya. "Cal?" paninigurado ko. Tumango naman siya. "Ang ikli naman ng name mo. Wala kang second name?" tanong ko ulit. "I have one." his voice is so deep and manly. Manginginig ang tuhod mo pag napakinggan mo siya kung pano magsalita. "Oohh okay." yun na lang ang sabi ko at hindi na nagsalita. Pagkatapos niya kumain ay umalis na rin siya at ako ay nakaupo parin dito at naiisip siya. Grabe ang gwapo niya tapos kahit nakatalikod ang gwapo parin, ang umbok pa ng pwetan. Ilang taon na kaya si yun? Oh well bakit ko ba iniisip yun? Tsk makabalik na nga lang. Pagkabalik ko sa unit ay dumiretso na lang din ako sa kwarto pagkatapos kong uminom ng water. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin yung Cal na yun. Ahhhh it's already 11:17 pm at hindi parin ako makatulog. Well magbibilang na lang ako ng sheep pero naka isang daang sheep na ang nabibilang ko hindi pa rin ako dalawin ng antok dahil naiisip ko parin si Cal. Hindi ko alam na yung lalaking yon na napakagwapo,seryoso at manly na manly ang dating ay kumain ng ice cream. How cute. Haysss kabwisit. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog pero kinabukasan pag gising ko ay wala na si Tracy. Nag iwan lang siya ng note sa ref Hey Lia, Hindi na ako nakapagpaalam dahil tulog na tulog ka kanina and I don't want to wake u up. Babalik rin ako sa Lunes ng madaling araw I guess. Take care okay? Bye, love you. Muah -Tracy Aww my bestfriend loves me so much. Ako naman ay hindi muna uuwi at alam na naman yun nila mama. Siguro next week na lang. I did my breakfast and spend my whole day reading books, watching Netflix, eating and sleeping.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook