Lunch time na at pumunta na akong cafeteria. Pagkadating ko doon nakita ko na silang lima kaya pumila na muna ako para makabili ng pagkain ko.
Naupo lang ako sa tabi ni Tracy at nakipagkwentuhan.
"Grabe yung tawa ko talaga nung time na yung bola tumama sa mukha ni Thrie. HAHAHAHA." tawa ng tawa si Ice habang kinukwento yun kaya kahit kami rin ay natatawa.
"Aray ko naman." mas lalo kaming natawa ng batukan siya ni Thrie. Ayan kasi, manglaglag pa.
Pinagpatuloy lang namin ang pagkain namin at nagkwentuhan rin kami.
Matapos naming mag-lunch naiwan ulit si Belle at Ice dahil may vacant time pa sila at nauna na kaming apat. Habang naglalakad kami ay nagpaalam na si Eathan at Thrie dahil dun pa sila dadaan sa kabilang hallway kaya tumango nalang kaming dalawa ni Tracy.
"Tracy." tawag ko sa kanya at napatingin naman siya sakin at napansing napakalaki ng ngiti ko.
Tumaas naman yung kilay niya.
"Kasi kaninang umaga, doon ako kumain kay Cal. Tapos isinabay niya ako sa sasakyan beh. Grabe, napakabango ng sasakyan niya, jusko." pangiti-ngiti pa ako at siya naman ay parang uod na sinabuyan ng asin dahil napakaliit niya.
"Ayyyyy grabe, umaarangkada ka na ah. Support kita dyan, tulungan pa kita hahhahaha." kumindat pa siya sakin at natawa naman ako sa kanya.
Napailing iling naman ako at nagpaalam na pupunta na sa room. Tumango naman siya at kumaliwa na samantalang ako ay dumiretso na.
Pagkarating ko sa room ay doon lang ako sa likuran naupo at dahil wala pa naman yung Prof. namin ay nagcellphone na lang muna ako.
From Belle
Bwisit itong lalaking ito Lia, wala ng ginawa kundi mag-ingay nakakarindi na. Sumasakit na tenga ko.
Natawa naman ako sa text nitong babaeng ito. Parang si Thrie at Tracy rin ito. Laging nag-aaway itong Belle at Ice na ito.
To Belle
Mag-earphone ka na lang or di kaya lagyan mo ng tape yung bunganga niya HAHAHA...
Tinago ko na yung cellphone ko dahil saktong pagkasend ko ay pumasok si Prof. Dimaranan, nilagay lang niya yung mga gamit doon at nagsimula nang magturo samin.
Habang nagdidiscuss si prof ay nag-vibrate yung cellphone ko at nakitang may reply si Belle.
From Belle
Nakakabwisit talaga, ang ingay ingay...
Napatawa naman ako pero napatigil din baka kasi marinig ako. Hindi na muna ako nagreply sa kanya at baka mahuli ako ng prof namin.
Ng matapos ay pumunta muna akong library dahil may 1 hour pa bago ang susunod kong klase at pagkatapos nun ay uuwi na ako.
Naupo lang ako sa pinakadulo at nagbasa-basa ng libro tungkol sa Psychology.
Habang nagbabasa ako ay nag-vibrate ulit yung phone ko at pagkatingin ko ay nagtext naman si Tracy.
From Tracy-nger
Oii beh, maaga kami pinauwi ngayon. Pati aalis ako ha? Pupuntahan ko lang insan kong si Mac.
Napatango naman ako sa text niya na parang nakikita niya ako.
To Tracy-nger
Geh, ingat ka. Pati Martes pa lang ngayon, bibisitahin mo na si Mac?
Tanong ko sa kanya. Kasi tuwing Biyernes or Sabado siya bumibisita kay Mac o di kaya ay si Mac ang bumibisita dito samin. Nagvibrate naman phone ko kaya tinignan ko ulit at si Tracy yun.
From Tracy-nger
Nasasakanya pala kasi yung allowance ko ngayong isang buong buwan tapos hindi man lang binibigay sakin, napaka. Kung hindi pa sinabi ni mama hindi ko pa malalaman, tapos sabi naman ni Mac magastos daw ako kaya siya maghahawak at bibigyan na lang daw niya ako. Grabe.
Natawa ako dahil minsan lang naman gumastos si Tracy, si Mac talaga yung magastos kasi maarte yun sa katawan. Mas madami pa nga yung kaekekan sa katawan kesa samin ni Tracy.
To Tracy-nger
Baka siya yung magastos hahaha. Ipambibili niya lang yun ng kung ano anong mga gamit sa katawan. Oh siya ingat ka ha? Ano oras ka ba makakauwi?
Pagkasend ko ay nagbasa ulit ako ng libro.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nag reply na ulit siya.
From Tracy-nger
Mga alas syete or alas otso ako makakauwi. Dito na ako kakain sa condo niya. Geh na, I love you.
Nang mabasa ko yun ay nagtype na ako ng irereply sa kanya kaso nung ilalagay ko na yung iloveyou sa dulo ay naalala ko na naman si Cal. Sabi ko sa kanya kasi hindi na ako mag-iloveyou eh. Well paalam na lang muna ako.
Binuksan ko yung Twittering ko at hinanap siya sa messages ko. 3:16 pa lang naman, baka kumakain or nagpapababa ng kinain yun.
To:CDM
@DenzeyM
Hey, tanong ko lang. Pwede ba akong mag-iloveyou kay Tracy?
3:17 pm ✓
Natawa naman ako kasi naaalala ko yung mukha niyang nakabusangot nun. Paniguradong ang irereply nito sakin bakit pa ako nagtatanong sa kanya.
Nung nagvibrate phone ko ay tama nga yung hinala ko.
From:CDM
@DenzeyM
Why are you asking me?
3:18 pm ✓
Sinasabi ko na nga ba eh. Paniguradong nakakunot noo nito ni Cal, pero alam ko naman na kahit nakakunot noo niya ay gwapo pa rin siya.
To:CDM
@DenzeyM
Kasi baka mamaya magselos ka kapag nakita mo na mag-iloveyou ako kay Tracy eh hahaha
3:20 pm✓
At paniguradong sasabihan ako nito ng assuming.
From:CDM
@DenzeyM
You're just assuming things Lia. And I'm busy.
3:23 pm ✓
Sabi sa inyo eh, assuming na naman ako. Well totoo naman, kaya ang patutunguhan nitong pagiging assuming ko ay pagiging heartbroken.
To:CDM
@DenzeyM
Busy ka pala, edi dapat hindi ka na nagreply. Nako jusko napaghahalataan ka Cal. Okay lang yan gusto naman kita eh, wag ka ng mahiya babe HAHAHA
3:25 pm ✓
Natatawa naman ako sa pinagrereply ko sa kanya. Habang hinihintay kong magreply siya ay tinext ko na si Tracy na mag-ingat at hindi na ako naglagay ng iloveyou sa dulo.
Habang nagbabasa ako ay nagreply si Tracy at nagtatanong kung bakit walang iloveyou sa huli dahil lagi naman daw akong naglalagay nang ganoon.
Sabi ko nakalimutan ko lang. Ayaw kong sabihin ng dahil kay Cal dahil paniguradong aasarin ako niyan.
Lumipas na ang isang oras at papunta na ako sa susunod kong klase ng hindi pa rin nagrereply si Cal.
May point naman ako eh, kung busy siya hindi siya magrereply pero nagreply siya. Nako Cal,oo nga naman, wag nang mahiya gusto naman kita.
Natatawa ako sa mga naiisip ko kaya pinilig ko ang ulo ko at nagdiretso na sa room.
Nang matapos na ang klase ko ay pumunta muna ulit akong library dahil may assignment kami. Manghihiram lang ako ng libro.
Nang makahiram na ako ay umalis na ako ng library at naglakad na palabas ng university. 5:30 pm pa lamang kaya panigurado na wala pa si Tracy doon sa condo unit namin.
Nang nasa elavator na ako ng building ng condo at papasara na ito ay may pumigil dito ng isang matandang lalaki. Hindi naman sobrang tanda, mga tantya ko ay mga nasa 45 or 46.
Parehas ko rin na floor ang pupuntahan. Naka-formal attire siya na parang businessman minus na yung attache case, dahil wala naman siya dalang ganoon.
Nang nasarado na ang elavator ay napakatahimik, napapasulyap sulyap naman ako sa kanya. Parang pamilyar siya sakin kaso hindi ko pa naman siya nakikita kung saan. Nakaka-intimidate din siya kaya hula ko ay businessman nga siya. Kaso anong ginagawa naman nito dito?
Napansin naman niya na napapasulyap sulyap ako sa kanya kaya napaayos ako ng tayo at tumingin-tingin sa kung saan. Sa buhok ko, sa taas, sa kamay ko, at sa sapatos ko na parang yun na ang pinakainteresante na bagay dito sa loob.
Natawa naman siya sa ginawa ko kaya napatingin ako sa kanya at napahinga ng maluwag dahil akala ko naman ay napakasungit niya. Napangiti na lang din ako sa kanya.
"Good afternoon hija, napapansin kong kanina ka pa patingin-tingin sakin. May dumi ba ang mukha ko?" tanong naman niya sakin ng may ngiti sa mukha.
"Ahm wala naman po. Familiar lang po talaga yung mukha niyo sakin. Hindi ko lang po alam kung kailan o saan ko po nakita." medyo nahihiya kong sabi dahil nga napansin niya na pasulyap sulyap ako sa kanya.
Napatango tango naman siya sakin at naglahad ng kamay.
"I'm Anthony, hija." napatingin naman ako sa kamay niya pati narin sa kamay ko. Pinunasan ko muna yung kamay ko dahil nga mukhang mayaman ito, bago ko inabot yung kamay niya.
"Gilliana ho." at binitawan na niya yung kamay ko at ako naman ay nilagay ko sa likod yung kamay ko.
Natahimik na ulit kami at ng bumukas na ang pintuan ay nauna na ako sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya bago pumasok sa loob ng unit ko.
Hindi ko na nakita kung saan ba siya pupunta dahil pumasok na agad ako rito sa loob.
Nagbihis lang ako at nagluto ng makakain ko dahil si Tracy naman ay doon na yun kay Mac kakain.
Ng matapos na akong magluto ay sa sala na lang ako kumain habang nanonood. Alas syete na at wala pa si Tracy pero sabi naman niya ay mga seven or eight siya uuwi.
Pork steak ang niluto ko at naalala ko si Cal. Tinapos ko kaagad yung pagkain ko at naglagay ako ng ulam dun sa isang pinggan at ibibigay ko kay Cal.
Nang nasa pintuan na ako at bubuksan ko ito ay napatigil ako dahil nakita ko na kausap ni Cal n si Mr. Anthony, yung nakausap ko sa elavator. Niliitan ko lang yung awang ng pintuan at pinanood silang dalawa.
Habang pinapanood ko sila ay napapakinggan ko rin pinag-uusapan nila. At doon ako may na-realize, magkamukha silang dalawa. Jusko wag mong sabihin na tatay niya ito. Kaya pala familiar siya sakin.
"Yes, maayos naman yung hotel. No need to worry." Cal said while looking to Mr. Anthony.
Tumango naman siya at tinapik sa balikat si Cal.
"Eh ikaw ba anak, maayos ka ba?" at doon ko nakumpirma na tama yung hinala ko. Tatay niya nga ito. Jusko nakakahiya naman.
"Yes dad." napapikit ako dahil sa sinabi ni Cal.
Dad, dad daw. Grabe, yung nakasama ko pala sa elavator ay tatay pala nitong si Cal, tapos ganoon pa yung pinaggagagawa ko roon sa loob.
Pati ano yung sabi ng tatay niya, kung maayos siya? Bakit ano bang nangyare? Bakit hindi siya magiging maayos?
Pagmulat ko ng mata ay nagtama ang paningin namin ni Cal kaya nanlaki ang mata ko at biglang naisarado ang pintuan dahil doon. Jusko aatakihin ako sa puso ng dahil sayo Cal.
Muntikan ko na ring malaglag yung pinggan na may pork steak, yung ibibigay ko sana kay Cal.
Hindi ko na ata ito mabibigay kay Cal, nakita na niya akong nag eavesdrop sa conversation nila ng tatay niya. Pero ang napakinggan ko lang naman yung part na tinanong siya nung tatay niya kung okay ba yung hotel. Tapos yung sunod na doon.
Jusko po.
Yung ulam na sana ibibigay ko kay Cal ay binalik ko na lang ulit doon sa pinagkuhanan ko at dumiretso na sa kwarto at nagtaklubong doon ng kumot.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil doon.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Four thirty pa lang kaya nagbabad na lang muna ako sa CR.
Hindi ko alam kung anong oras na ba nakauwi si Tracy dahil nakatulog na ako. Ng matapos akong maligo ay nagbihis lang ako ng ripped jeans, tshirt, sneakers. Five thirty na ng lumabas ako ng kwarto.
Pagkapunta kong kusina ay nagluto lang ako ng bacon, hotdog at kanin. Hindi ko na muna pupuntahan o sasamahan kumain si Cal ngayon dahil sigurado naman akong naaalala niya pa yung kagabi na pakikinig ko sa usapan ng tatay niya.
Nung natapos akong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at tumingin sa orasan at nakitang six twenty am pa lamang. May two hours pa para pumasok. Aish bakit kasi ang aga kong nagising.
Nanood na lang muna ako sa tv at doon pinokus ang atensyon ko.
Nang mag commercial ay napatingin ako sa orasan at nakitang seven thirty na. Nawili ako kakanood kaya tumayo na ako at inayos ang damit ko. Tinignan ko muna yung kwarto ni Tracy at nakitang nandoon siya at tulog pa rin.
Nag-iwan lang ako ng note sa kanya at lumabas na ng unit. Ng nakapasok na ako ng elavator ay may pumigil doon at natigilan ako nang makitang si Cal ito.
Nung pumasok siya sa loob ay napaisod ako doon sa sulok ng elavator. Diretso lang ang tingin ko sa harapan. Napatingin naman siya sakin at ramdam ko yon.
"Nung Lunes at kahapon sumabay ka saking mag-breakfast, bakit hindi ka sumabay ngayon?" saad niya na may mapaglarong tono.
Napatingin naman ako sa kanya dahil doon. Nagtama yung mata naming dalawa at hindi ko kinayanan kung paano siya tumingin sakin, kaya umiwas na lang ulit ako ng tingin.
"K-kasi a-ano eh ka-g-gising g-gising ko l-lang." nauutal kong pagkakasabi sa kanya. Natawa naman siya ng mahina dahil doon.
"Is it because of what happened last night? When you eavesdrop my conversation with my father?" diretso niyang tanong sakin.
Napanguso naman ako sa kanya at napatango na lang din. Nahuli na niya ako, ano pa bang magagawa ko?
"Nahihiya kasi ako eh." sabi ko sa kanya habang ang tingin ay nasa unahan parin.
"Why?" saad niya
"Baka kasi sabihin mo saking tsismosa ako at baka galit ka." doon siya natawa ng tuluyan. Mas lalo akong napanguso dahil doon.
"Hindi ako galit pero baka nga sabihan kitang tsismosa." tatango tango pa siya kaya napatingin ako sa kanya ng matalim.
Natawa ulit siya dahil doon. Ang bully pala ng isang ito jusko. Inirapan ko na lang siya at tumingin na lang sa unahan.
"Magkamukha kayo ng dad mo noh." sabi ko sa kanya at tumango naman siya sakin. Salita ako ng salita dito at siya naman ay tahimik lang na nakikinig.
"Ang daldal mo." sabi niya kaya napanguso ako at tumahimik dahil doon, natawa siya at napailing iling. Kung dati tango siya ng tango, ngayon naman iling naman ng iling.
At nung bumukas na yung elavator ay aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Sabay ka na ulit sakin." hawak niya yung braso ko at hinila pabalik dito sa loob. Pinindot niya yung button para masara yung elavator at nagtungo kami sa basement.
Pinipigilan ko namang ngumiti dahil isasabay na naman niya ako.
Nang nasa basement na kami ay pumunta na kami sa kotse niya at sumakay. Sa passenger seat ulit ako umupo at hindi naman siya umangal.
Ang bango ng loob ng sasakyan niya. Kasing bango niya jusko, hahanap hanapin ko ang amoy na ito.
"Cal, ano pala ng perfume mo?" tanong ko sa kanya at siya naman ay diretso lang ang tingin sa kalsada.
"Hindi ako nagpeperfume." nagulat naman ako doon sa sinabi niya.
"Hindi nga? Ang bango bango mo kaya tapos hindi ka nag peperfume? Nako kung ganon, magpapawis ka dali at kukunin ko lahat at ilalagay ko sa bote para maibenta at may kita naman ako." natawa naman siya sa sinabi ko kahit ako rin.
Nang nasa university na kami ay lumayo na ako ng sasakyan niya at tumingin sa kanya at nagpasalamat tsaka sinarado ang pintuan.
Nang naglalakad na ako papasok sa university ay sumigaw si Cal kaya napatingin ako sa kanya.
"Lia, madaldal ka ngang talaga." at tinaas na niya yung salamin at pinatakbo na ang sasakyan niya.
Nahiya naman ako dahil may ibang tao pa rito kaya tumakbo na ako papasok sa loob ng university.
Jusko Cal, bwisit ka.