Nakahiga ako ngayon dito sa loob ng kwarto ko. Biyernes na ngayon, wala kaming pasok ngayon. Salamat naman. Tumingin naman ako sa alarm clock ko na nasa side table, alas sais pa lamang. Alam na ni Denzey na wala akong pasok ngayon kahit sila Tracy. By the way, si Tracy may pasok. Wuhoo, buti nga sa kanya. Habang nakatulala ako sa kisame ay naalala ko ang mga araw na pumupunta ako sa unit ni Denzey. Diba may aso siya? Nasan na kaya yun? Hindi ko na kasi yun nakita eh. Well maitanong ko na nga lang sa kanya mamaya. Nitong mga nakaraang araw ay maayos naman ang relasyon namin ni Denzey, at ngayon ko nalaman na may pagkaseloso pala siya. Wanna know why? One time, kasabay ko si Eathan non umuwi dito sa unit. Hinatid niya ako kasi nung nakaraang miyerkules at gabi na non that time. Alas sa

