Chapter 1
THE PERFAKE ROMANCE
(FayeyokoAU)
Faye Malisorn as Fate Madison
Yoko Apasra as Ayko Akiyama
CHAPTER 1 - Only Fools Rush In
AYKO
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na 'kong humugot ng malalim na buntong hininga. Paano ba naman kasi?
Sinong nasa matinong pag-iisip ang magyayabang na mapera at may pambili ka ng isusuot na dress sa buwisit na reunion na 'yon?
Edi problemadong malala ako ngayon. Saan ako hahanap ng pera? Saan ako hahanap ng eleganteng dress?
Wala. Drawing lang 'yan. Okay na, natatanggap ko na hampaslupa ako e, kaso nang dumating ang isang taong hindi ko ineexpect na makikita ko e biglang sumulpot na parang kabute.
At mas malaking problema pa ang dala niya.
Itago na lang natin siya sa pangalang Fate Madison. Si Fate na biglang lumitaw out of nowhere and then pew pew pew!
Nagkaroon pa ako ng utang na loob sa kanya dahil sa pagligtas niya sa akin sa kumunoy ng panliliit at kahihiyan.
"Eat up," aniya at itinulak ang platong may masarap na dessert. "Ngayon lang ulit tayo nagkita, you should at least be kind to me."
"Kind to you?" asik ko, pinanlilisikan ko na rin siya. "Lahat ng bait ko, nasaid na. Ubos na ubos na."
"Then take a bite," ininguso niya 'yung cinnamon rolls sa platito ko. "You need to calm down."
Sinunod ko siya. Edi kumain. Siguro kailangan ko ngayon ng matamis para hindi ako laging nagagalit.
Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang nakalahati ko 'yung cinnamon rolls.
"About what happened earlier," panimula niya.
Napatingin ako kay Fate. She really do have that aura, that vibe, that something I can't even explain.. kapag nagsasalita siya, she's making you feel like you have to listen to her.
That domineering energy she have.
"What about it?" maingat kong tanong. I know something is up, hindi ko lang mapinpoint kung ano.
"I have a proposal to you," sumandal siya ng maayos sa kinauupuan niya, she crossed her arms and she looked at me straight to my eyes. "It might sound crazy but I think.."
Napalunok ako ng invisible na laway sa lalamunan ko.
"Ano ba 'yun?" kumuwit ulit ako ng hiwa sa cinnamon rolls.
"You're the perfect candidate for my charade."
"Eh hindi ba nilait lait mo 'ko nung freshman years ko noon sa St. Claire University?" naningkit na 'yung mga mata ko sa kan'ya. "Paanong magiging perfect? Kasi walang akong pera? Hindi pa umuusad ang career ko? Struggling pa rin ako? Ano?"
Halos sumabog na lahat 'yung gusto kong sabihin kanina nung nagkita kami by coincidence ng mga batchmates ko kanina.
Nakatitig lang sa akin si Fate na para bang hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ko.
"I did that?" halos pabulong niyang tanong. "I mean, sinabi ko.. nilait kita?"
And she sounded unsure. Siguro talagang notorious din sila ng group niya noong college kami, particularly siya. Si Fate Madison.
She was ruthless, hostile and in anyway she is annoying pero napakaraming tao ang gusto siya. Maybe because she's popular at sobrang yaman. Ubod nang yaman.
"I don't know, kalimutan mo na lang," dismissive kong sagot. Ayoko na rin humaba. Tama na 'yung nakasalubong ko sina Trisha, Fallen at Riri. "Thank you dito sa food."
My embarrassed self can take it. Wag na sanang mamikon 'tong si Fate.
Lumambot bigla 'yung expression ni Fate like something already stirred up from her mind. Siya naman 'yung humugot ng malalim na hininga.
"Pupunta ka ba sa reunion?" bigla niyang tanong.
"Bakit pa? Eh diba nasalo mo na 'ko kanina?" balik tanong ko. "Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay kung bakit nasabi mong busy ako sa paggawa ng mga content mo para sa vlogs mo. Una sa lahat, hindi mo ako researcher, hindi mo ko empleyado at hindi rin tayo magkasama sa trabaho." Huminga pa ako ng malalim. "Struggling ako sa buhay at inaamin ko 'yon pero hindi ako sinungaling."
Nasa gitna ako ng embarrassing moment ng buhay ko nang makasalubong ko sina Trisha at Fallen. Mga batchmates ko na super elite. Alam ko naman na hobby nilang mang inis in their own special way at target na nila ako kahit dati pa. Malas lang talaga ngayon kung kailan natapos na 'yung contract ko sa isang publishing company kaya naabutan nila akong nag momonologue sa isang sulok.
"I didn't intend to make you feel that way, Ayko," seryosong sabi ni Fate. "Ayoko lang na pinagkakaisahan ka pa rin nila after all these years."
"Nangyari na," sabi ko na lang. "Hayaan mo na lang, hindi naman na siguro magku-krus ang mga landas namin. Hindi rin naman ako pupunta sa reunion na 'yon. Niyabangan ko lang sila."
Natahimik si Fate, tinitigan niya ako.
"Ano ba 'yon?"
Hindi ko masabi na medyo naiilang ako kapag nakatingin siya sa akin. As if something happens in my system.
"I think we could have a lot in common and some sort of fun. Would you like to see where things go?" in her deep, low and resonant voice.. like sending shivers to my soul. "Ayko."
Natulala ako sa kan'ya. "Huh?"
---
Follow me for the next part :)