JEAN'S POV "NAIIRITA AKO," inis na sabi ni Markus. Bigla akong napababa ng tingin. "Stop staring at me. Nasisira ang araw ko." Hindi na lang ako kumibo. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at binuksan iyon. Wala kasi akong magawa. Nandito kami sa garden, nagbabasa siya habang nagmemeryenda. Sinulyapan ko lang naman siya. Tumagal lang ng mga limang segundo iyon pero nahuli niya ako. Ang talim agad ng tingin. Arte, grabe. Hindi ako makabuwelo. Gusto ko 'yong dating ako, 'yong lumalaban sa kaniya. Kaya lang, parang nag-iba na siya. Mukhang mahahampas na niya ako ng saklay niya kapag ginawa ko 'yon. At... I don't know. Everything just seemed different. "Sorry," huling reaksyon ko sa sinabi niya. Pero labas talaga 'yon sa ilong ko. Gusto ko lang basagin ang katahimikan. "Stop using your

