JEAN'S POV "UMINOM ka muna ng tubig," sabi ko sabay abot sa kaniya ng isang baso ng tubig. Tahimik naman iyong inubos ni Markus. Nahimasmasan din siya. Narito na kami ngayon sa kuwarto niya, naliguan at nabihisan ko na siya. Basang-basa siya sa alak kanina. Kaming dalawa. Kinuha ko ang mga braso niya at sinipat iyon hanggang sa palad niya. "Andami mong sugat," sabi ko pa. Binuksan ko ang first-aid kit na dala ni Manang Citas kanina. Naglagay agad ako ng betadine sa bulak at sinimulang dampian ang mga sugat niya. "What about you?" tila wala pa rin sa sariling tanong niya. Umiling ako. "Don't mind --" "Bullshit!" Salubong ang mga kilay na tumingin siya sa akin. "Moron ka talaga. Bakit sinalo mo 'yong bubog?" "Ah, huwag masyado madiin," daing ko nang hawakan niya ang kamay kong binalu

