JEAN'S POV "DAY off na 'ko." Nagawa ko pang magpaalam kay Markus kinabukasan bago ako umalis. Kahit kung tutuusin, alam kong expected na niya iyon. Pinasok ko pa siya sa kuwarto niya para makapagpaalam. Katatapos lang naming mag-breakfast, sinamahan ko siya. "Pasalubong," seryoso at walang kasigla-sigla niyang sabi sa akin habang matamang pinasadahan ng tingin ang ayos ko. As usual get up. Naka-skinny jeans, t--shirt, sneakers at cute sized bag na de-sukbit ako. At bagong ligo siyempre, medyo basa pa ang buhok. "S-sure," alanganin kong sagot. "Ano ba'ng gusto mo?" "Kahit ano." Iyon lang at tumalikod na siya. "Okay." Napabuntong-hininga pa ako bago tuluyang lumabas ng pinto. He's acting quite weird. Kahapon nang manggaling kami sa simbahan, parang doon nagsimula. Medyo natahimik

