JEAN'S POV "I will be the one to choose the song for you," sabi pa ni Markus habang pareho kaming nakaharap sa malaking screen. Nakabukas iyon at nasa Ytube app. Naka-on ang mikropono na ibinigay niya sa akin. Para naman akong tanga na nakatanghod lang sa mga mangyayari. "K-Kakanta ako? S-Sa harap mo?" utal-utal pang tanong ko. "Oo, since hindi mo sinunod ang sinabi ko sa note na isuot mo 'yong nighties, ito na lang ang ipagagawa ko sa 'yo. Huwag mong sabihing pati rito magdadahilan ka pa. Wala kang choice, kakanta ko o magse-s*x tayo rito. Unless gusto mong gawin natin ang huling sinabi ko, sige akina 'yang mic na 'yan." Wala na akong masabi. 'Napakaganda' ng choices niya. Sobra. Ang galing. Ano'ng klaseng utak mayroon ang lalaking ito? Ganito rin kaya siya sa ex niya? SEX... Malaman

