MARKUS'S POV PAGBUKAS ko ng pinto ng silid ay saktong nabungaran ko si France na humahangos. Panay mura niya at walang suot na damit pang-itaas. "Hoy," tawag ko sa atensyon niya. Natigilan siya at nakakunot ang noong napatingin sa akin. Lumabas ako ng silid ko. Walang saklay, nakakatindig na nang maayos. Naglakad ng ilang hakbang. "Anong amoy 'yan? Ambaho mo." Amoy alak. Amoy suka siya. Ngunit hindi naalis ang tingin niya sa akin. "Son of a b***h, nakakalakad ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya. Nagkibit-balikat ako. "Oo, kita mo naman, 'di ba?" "Kailan pa?" "Basta." Pero ang totoo'y nito-nito lang din. Ilang araw pa lang. Minsan nang sinubukan kong maglakad nang mag-isa ay doon nagsimula. Ngunit pinili kong hindi sabihin, lalo na kay Jean. "Puntahan mo nga si Jean sa bab

