JEAN'S POV "P-PASENSYA ka na talaga, Ma'am San ---" "Letse! Tigilan mo ako!" putol niya sa ssabihin ko. Mahigpit ang kapit niya sa kamay ko, hinihila niya talaga ako pasunod sa kaniya. Ang balak ko lang san ay sabihin sa kanyang baka hindi ko siya mapaunlakan. Baka kasi maghintay siya sa akin at umasa, pero mukhang wala na akong kawala nito. "Ano ba kasing binabalak mong gawin at kailan kasama pa ako? Mapapagalitan na naman ako ni Sir France niyan sa pinaggagawa mo!" Parang ang gusto ko lang kasi ay humilata na lang buong magdamag. Ang daming inutos sa akin ni Markus buong araw. Hinila ako ni Sandy hanggang sa makababa kami ng hagdan. "Hindi ako puwedeng magpuyat dahil maaga pa ang gising ko bukas," muli ay sabi ko sa kaniya. Tumalim ang tingin niya sa akin. "Hinintay pa namana

