JEAN'S POV MAYroong higanteng disco ball sa ceiling sa gitnang bahagi ng music room. Itinuro sa akin ni Markus kung nasaan ang switch niyon at sa isang iglap ay nagkaroon ng iba't ibang kulay sa buong paligid. Lumapit naman ako pagkuwan sa tabi ng pinto at pinatay ang main switch. He asked me if I wanted it on or off, and I said off. May nakita kaming mattress sa isang gilid at iyon ang inilatag namin sa sahig. Nag-uumapaw sa magkahalong kaba at excitement ang dibdib, ay binagtas ko sa medyo kadiliman ang puwesto kung saan naghihintay sa akin si Markus. Nakikita ko siyang nakahiga na roon at nag-aabang sa akin. Nang makasampa ako sa mattress ay parang may anong puwersa ang humila sa akin upang agad na ring mahiga roon sa tabi niya. "Jean..." And the moment he whispered may name ay pum

