JEAN'S POV I SET the alarm. Ayokong makaligta para sa oras na itinakda ni Markus. Ngunit hindi eksaktong alas-dose ng hatinggabi ko inilagay ang alarm. Nagpalugit ako ng bente minutos para sa pag-aayos ko ng sarili. Bandang alas-otso ng gabi nang mag-dinner kami at pagkatapos niyon ay umakyat na kami sa kuwarto. He told me to nap more para mamaya ay hindi ako aantukin. Ako na iniisip na may espesyal na mangyayari mamaya ay kanina pa hindi mapakali at pabiling-biling sa higaan. He kissed me again. And I loved that kiss, I missed that so much from him. At hindi ko itinago iyon because I answered his kiss so torridly sweet. Kung pwede lang na hilahin ko na ang oras para mag-alas dose na. No, kung bakit kasi kailangan pa naming maghintay ng hanggang alas-dose, kung puwede namang ngayon na. P

