JEAN'S POV "MAG-RESIGN ka na sa trabaho mo ngayon din! Iwan mo na ang lalaking 'yan!" paasik na wika ni Kuya Liam. Narito na kami ngayon sa isang cottage at masinsinang nag-uusap. Iniwan muna namin kay Mang Toti si Markus. "K-Kuya, h-hindi naman totoo ang mga sinabi ng lalaking iyon." Kung nakailang beses na akong sabi niyon sa kaniya ay hindi ko na alam. Ngunit consistent pa rin talaga siya sa pagpapaalis sa akin sa trabaho ko. "Hindi totoo? Miski na. Ayoko sa lalaking 'yon. Bastos 'yon. Kahit hindi totoo ang mga sinabi niyon, nakakabastos pa rin. How dare he na ipangalandakan na nag---" Yamot siyang napasipa sa buhangin. Kahit hindi niya ituloy ay alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. "Look.. I'm a man, Jean. Hindi sa ipinapares ko ang sarili ko sa lalaking iyon. But isn't it awkwar

