MARKUS'S POV NAPATANAW ako sa baba mula sa ika-fifth floor ng veranda ng hotel kung nasaan ako. Mula sa baba ay nakita ko ang naglalakad na si Twigs. May pagmamadali sa paghakbang nito at 'di kaginsa-ginsa ay biglang lumingon at nag-angat ng tingin at agad tinumbok ang kinaroroonan ko. Nanlilisik ang kaniyang mga matang nakapangko sa akin. Kulang na lang ay literal na magliyab ang mga iyon. Tumigil pa siya sa paglalakad at hinarap ako. Ginamit niya ang hintuturo at hinlalato para ituro sa kaniyang mga mata sabay turo rin niyon sa akin. I had two meanings in mind sa senyas na ibinigay niya : either mata sa mata o I'll be watching you. But what ever, wala akong paki. Basta ako ay ngiting tagumpay nang mga oras na 'yon. Yes! Hiwalay na nga sila. At nakompirma ko iyon sa mga linyahan nilang

