JEAN'S POV "JEAN!" MULA sa ginagawa ko ay napaangat ako ng tingin. Agad kong itinago ang mga papeles na nasa ibabaw ng kama ko. Inaayos ko na rin sa pagkakasalansan ang mga damit ko sa malaking maleta dahil wala akong iiwanang miski ano rito sa Pilipinas. Pagkuwa'y mabilis akong nagtungo sa pinto at binuksan ito. "B-Bakit?" Napalunok pa nang bumungad ang kay aga-aga'y nakasimangot na mukha ni Markus. "Anong oras na? Hindi ka pa rin lumalabas ng kuwarto mo!" bulyaw niya. Napasinghap ako. "B-Bakit? M-May ipag-uutos ka ba?" tarantang tanong ko. I just cried last night sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ako agad nakatulog dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Kung puwede lang na pabilisin ko ang araw para magkatapusan na at makaalis na ako ay ginawa ko na sana. Hindi ko alam kung ano ang

