2

2663 Words
I stretched my hand upward while closing my eyes when my professor went out of our classroom. Tapos na ang klase ko ngayong araw. Ngunit hindi pa sa bahay ang derecho ko. Daddy texted me earlier to visit one of our malls and check on something. Ever since Niel and I were junior high school student during our school breaks together with Monique, nag tratrabaho kami sa isang mall malapit sa bahay na pag mamay ari nila daddy para magkaroon ng pera. Hindi naman mahirap ang trabaho, tumutulong kami sa inventory ng supplies sa likod o kaya naman nag aabang sa mga customers para iwanan pansamantala ang kanilang mga kagamitan sa baggage counter. Niel even experience to become a bagger, kaso hindi naman nag tagal dahil kapag may nakakikita siyang maganda mula sa mga customers hanggang sa mga cashiers namin ay hindi niya 'yon pinalalagpas. Hindi na maayos ayos ang pagtratrabaho niya dahil kung anu ano ang inaatupag. Ngayon na malapit na ako grumaduate, unti unti na akong ineexpose ni daddy kung paano maayos patakbuhin ang negosyo namin. Kaya naman araw araw iba iba ang ipinapapagawa sa'kin. pagkatapos ng trabaho ko mamaya, sa condo ako pupunta bago umuwi ng bahay. I don't have any school works to do as of the moment, kaya naman naisipan kong dalawin ang unit ko. I just really hoped that I won't stuck in a traffic jam later so that I have a plenty of time in staying at my condo unit before going home. Pagkatapos kong ipasok ang lahat ng gamit ko sa loob nang aking bag ay lumabas na ako ng classroom. Ngunit nung palabas pa lang ako ay isang nakakairitang boses na kaagad ang narinig ko. "Nikka! Wait!" kahit anong ingay ng mga estudyante dito ay mas malakas pa'rin ang boses niya. Atsaka naagaw ne'to ang atensyon ng ibang estudyante kaya naman may iilan na napapatigil sa kanilang usapan, para tingnan kung anong meron Hindi ko siya pinansin. Mas binilisan ko pa lalo ang pag lalakad ko patungo sa locker room, para iwanan ang iilang gamit. "Nikka" he said while panting. I kept myself busy, even without looking at him I can see his shadow through my locker. "Nikka kausapin mo naman ako oh.. I'm sorry, lasing ako nung mga panahong 'yon. Hindi ko alam kung kailan at saan nila nakuha ang litratong 'yon." he desperately explain. Hindi ko mapigilan ang pag ikot ng mata ko sa sinabi niya. Hanggang kailan ba to titigil ang lalaking ito? Malakas kong sinara ang locker ko bago ko siya hinarap. Mataman ko siyang tiningnan, napaatras siya. "I already told you Jack, wala akong pakealam kung makipaglandian ka sa ibang babae." Jack is one of my crazy admirer here in the campus. I don't really intend on talking to him at the first place. Ngunit kaibigan siya ni Niel, at etong kapatid ko inereto pa niya ako sa kanya. Dahil sa kakulitan at para manahimik na ang kakambal ko napilitan akong sumama sa kanya sa isang friendly lunch date 'raw. But I never imagined that Jack will be so possesive to me after that lunch. He became so delusional, he thought that I also liked him. Everytime I saw him talking with the other girls inside the campus, akala niya nag seselos ako. Eh wala nga akong pakealam sa kanya, mabuti sana kung gwapo pero hindi naman. "No you're just jealous Nikka,.. Aminin mo!" Laglag ang panga ko "Ako?" hindi makapaniwalang saad sabay turo sa sarili "Kailan? Saan banda? Eh hindi nga kita gusto Jack. Alam mo! Itigil na na'tin tong delusyon mo na may gusto ako sa'yo.. I accepted your invitation last time because Niel ask me to do so, not because I wanted to.. kaya kung pupuwede, wag mo na sanang ipilit ang sarili mo sa'kin dahil wala kang mapapala." Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa nung umalis na ako sa harapan niya. I don't want to waste more of my time on him. Or even wasting my time on other guys because at the end of the day alam ko kung saan ang bagsak ko. "What?!" Pa hysterical na tanong ni Niel. Bahagya pa siyang napatayo sa kanyang upuan nung narinig niya ang inanusyo nila daddy at mommy sa amin. Niel went home for tonight to have dinner with us, dahil may importanteng sasabihin daw ang mga magulang namin ngayon. "Mom are you crazy?! Anong taon na ngayon at naniniwala pa'rin kayo sa ganyang set up?" Niel My mom chuckled "Well! At the end of the day, ang desisyon niyo naman ang masusunod anak. Whether you'll agree on that wedding or not. And perhaps it's just a friendly date at first. You know, getting to know each other phase." "I don't like the idea mom." tahimik akong napatingin sa kapatid ko. Why is it that he's acting this way? Shouldn't he be the one who's excited about the news that we got? "And besides dad? Hahayaan niyong ikasal sa isang hindi kakilalang lalaki si Nikka?" Niel "Nikka, say something! You're also not in favor marrying someone that you don't even love right?" I didn't answer him immediately. Well, of course not. Sino ba ang matutuwa na itatali ka sa taong hindi mo naman mahal o kakilala. But on the other hand, napasip ako na hindi naman masama ang ideya ng mga magulang ko para sa'min. I'm single after all, tsaka tatlong dates lang naman ang kailangan kong gawin bago ko sabihin ang kung ano man ang desisyon ko tungkol sa arrange marriage na 'to. As I looked at my parents, I realize that this kind of set up is really not a bad thing after all. Both of my parents were also arranged by our lola and lolo's to strengthen their companies. It started as an agreement, but look at them now. Happily married for years. "I don't mind. Like mom said it's just a friendly date. Wag kang OA, hindi ba't sanay ka makipag friendly date sa kung sino dahil katulad nang sinabi mo friendly ka?" "Noon 'yon. Iba na ngayon." I saw his eyes flickered when someone passed behind my back. "Loyal na ako ngayon." he said without looking at me, dahil nasa babaeng nasa likod ko siya nakatingin. I smirked. "Mom dad.. wag niyo na akong isali diyan. I'm not up for this..." "Kahit na papayagan ka ni daddy na bumili ng kung ano.. hindi ka pa'rin makikipag date?" biro ko Kita ko kung pano natigilan si Niel sa sinabi ko. I know his weakness. He got our mom's bad habit, ang mag sunog ng pera sa walang ka kwenta kwentang bagay. Ngunit laglag ang panga ko nung mariin na umiling si Niel. "Still no!" He firmly said while he shooked his head "Si Nikka na lang.. Tutal single naman yan.. Tatanda 'yan ng hindi pa nakakaboyfriend." "Nakalimutan mo atang may hawak ako Niel." I warned him as I raised the knife that I was holding. "As if makakasugat 'yan ng tao no." pabarang na sagot ni Niel na naging dahilan kung bakit uminit lalo ang ulo ko sa lalaking 'to. "Wanna bet? I'll—-" "Enough both of you!" suway ni dad. Pareho kaming natahimik ni Niel "As your mom have said, it's just a friendly date. But if your not okay with it then it's fine.. You are not force to do so." kalmadong saad ni dad. Tiningnan niya si Niel bago ako. "Nikka are you okay with this?" My parents gave their full attention to me. "I'm fine with it dad." "Alright.. I'll talk to the Montenegros to set up a dinner date for you and with their first son." tumango ako tsaka pinatuloy ang naudlot kong pagkain. After that conversation, hindi na ulit namin 'yon napag usapan. Ni hindi ko nga 'rin alam ang pangalan nung Montenegro na 'yon. Basta't ang alam ko lang ay nasa ibang bansa pa siya ngayon, may tinatapos na trabaho kaya hindi pa matuloy tuloy ang pinaplano nilang friendly dinner. Habang nag lalakad ako papalapit sa kung saan ko sinabihan ang driver ko na mag hintay ay may nakikita na akong kumpulan ng mga babaeng estudyante. Takang taka ako nung nakita ko ang iilan na nakangiti, parang kinikiliti. Eh ang init kaya, nasa labas silang lahat wala man lang payong. Paano sila nakatawa sa ganitong sitwasyon? Atsaka, sino ba ang tinatanaw nilang lahat? Mabuti na lang at kaparehong daan ang lalakadin ko kung saan ang usapan namin nung driver ko sila nag kakagulo. Hindi nila mahahalata na nakikichismis ako sa kanila. I looked unbothered outside but I was really dying to know who is the person that they are looking at. "Gwaapo!" I heard a student said "Oo nga! Sa anong deparment kaya siya?" "Tanungin mo kaya? Mukhang may inaantay oh!" "Narinig kong tinanong na siya kanina. Ang sabi hindi daw siya nag aaral dito." "Ay sayang naman!" "Baka naman ang girlfriend niya ang nag aaral dito." Hindi ko maiwasan na marinig ang usapan nila nung napadaan ako malapit sa kinatatayuan nila. "Wait lang! Ipapahiram ko sa kanya tong payong ko, kapalit ng pangalan niya."humagikhik ang isang babae bago tuluyang tumakbo palapit sa lalaking tinutukoy ne'to. Kita ko naman ang pag cheer ng kaniyang mga kaibigan sa kanya. Na para bang sasali ang babae sa isang seryosong patimpalak. Laglag ang panga ko sabay kusot ng makailang beses ang mata para kumpirmahin ang nakakikita nung sinundan ko nang tingin kung saan patungo ang babaeng estudyante. It was a man wearing a black basic tee. Leaning his back on my car while his hand are hidden inside his pockets. He was also wearing a black wayfarer protecting his eyes from the sunlight. The girl shyly offers her umbrella to him. My driver says something that led the student laugh and hit his arms a bit. Namilog ang mata ko at laglag ang panga ko sa nakikita. She's flirting to him in a broad light and my great driver flirts back during his working hour. How wonderful for him to do this on his first day working for me. Kumukulo ang dugo ko at kasing init nang sinag ng araw ang ulo ko ngayon. I should set him my rules that he needs to follow. At ayaw ko ang nakikita kong ginagawa niya sa kapwa estudyante ko dito sa EHU. Wala akong mukha na maihaharap sa lahat ng tao dito kapag nalaman kong may nililigawan tong driver ko na to sa isa sa mga estudyanteng nag aaral dito. I can't deny the fact that he is a head turner. Idagdag mo pa na kapag nag tanggal siya ng suot niya wayfarers. Gwapo, matangkad, matipuno, mestizo. He has this aura that can make you fall inlove with him. That's why as a good employer, I should refrain him from talking to other students here while waiting for me to come. "Kuya!" I shouted in order for me to get his attention. But because we are at an open and crowded place it is impossible for him to hear my voice. Nag martsa ako lalo palapit sa kotse "KUYA!!" I raised the books that I was holding when I successfully got their attention. "Can you hold my books for me?" I mockingly said to him. Hindi ko kita ang reaksyon ng mga mata niya dahil sa suot niyang glasses. Ngunit kitang kita ko ang pag kunot ng kanyang noo. "Do you know her?" hindi ko mapigilan ang pag taas ng isang kilay ko sa babae. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, we were wearing the same university uniform but with the different id lanyards. It has interior design department written on her lanyard. The dream course that I wanted to pursue, but I choses a marketing course because that was the path that my parents wanted me to take. My parents wanted Niel to take over dad's position after we graduated while I'll follow my mom's foot steps, which is related to arts. But everything changes when we entered senior high school. Since Niel was an athlete ever since when we were young. After a game during his last year in his junior high, a sports physical therapist who was helping them caught his eye that made him wanted to change his dream career in a snap. Helping the professional players during their injuries and lowest times. Kahit wala silang may nabanggit sa'min alam ko at nararamdaman ang disappointment nila sa'min lalong lalo na kay Niel. Dahil ni isa samin walang may gustong magpatuloy sa kumpanyang matagal na nilang inaalagaan. For how many years, it was clear that I wanted to pursue a career that is related to arts. But the disappointed faces of my parents taunted me every night before I sleep. In the end, I caught myself applying in a business management course during my enrolment. No one's told me to do so, but my mind tells me to. Naisip ko kasi na kung hindi ako? Sino pa ba ang gagawa? I couldn't let my brother choose something that he doesn't want. Naisip ko kasi na hangga't may freetime ako kayang kaya kong gumawa ng panibagong art piece. Hindi katulad sa gustong trabaho ni Niel na kinakailangan ng ilang taon sa pag aaral. "Do you know her?" muling tanong nung babae sa driver kong nakatayo na ng sobrang tuwid sa harapan ko. "Do we know you?" her eyes flickered "If not, can you step aside? You're blocking my way..." I looked at my driver once again who is now looking at me darkly. Ang sama makatingin sa'kin pero kanina panay naman ang ngiti. Inirapan ko siya, does he have a problem? If yes, wala akong pakealam. I was about to pass through them when I heard my driver's voice. "Give me your books." sa mababang tono Tila natigil ang buong paligid ko nung lumapit siya sa'kin para kunin ang hawak kong mga libro. Ang pabango niya ay dumaloy sa aking ilong. Hindi na ulit siya nag salita, pero laking gulat ko na lang nung pinag buksan niya ako ng pinto. Tiningnan ko siya, wala pa'ring sinasabi. "Mainit, pumasok ka na." he huskily said then gave me a sign to enter my car. Bahagyang namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Is he worried that I might get sunburn here? Dapat lang! Ansakit pa naman 'non. Nanatili akong tahimik ngunit bago ako tuluyang pumasok tiningnan ko muna ang babae mula ulo hanggang paa bago huminto sa harapan ng driver ko. "Kung gusto mong makipaglandian sa iba. Make sure that you do it after your shift at hindi sa loob nang campus na 'to. Hindi magandang tingnan." Hindi ko na hinintay ang sagot niya bago umupo sa loob ng kotse. He made sure that I was sitting comfortable inside when he close the door. Tiningnan ko sila, highly tinted ang bintana ng sasakyan kaya hindi nila malalaman na sa kanila ako nakatingin. Kita ko kung paano nag iba ang mukha nung babae, hindi ako sigurado pero mukhang may sinabi ang driver ko sa kanya na hindi niya nagustuhan. Parang mangiyak ngiyak pa ang babae nung tuluyan nang umalis ang driver ko sa harapan niya. Mabilis siyang nilapitan ng kaniyang mga kaibigan, hinaplos ang likod na parang bata na binully ng iba. Nanatili akong nakitingin sa babae hanggang sa makarinig ako nag pag bukas ng pinto. He silently wears his seatbelt and fixed the aircon. Tinanggal ang suot niyang wayfarer atsaka nilagay sa shotgun seat. I was looking at him while he was busy preparing hiself to drive. His amber brown eyes is busy checking everything. But when our eyes met through the rear view mirror, I got panicked Kaya naman agad kong iniwasan 'yon tsaka minabuti na lang na tumingin sa labas, bago pa niya mapansin na pinagmamasdan ko ang ginagawa niya. "Where do you want do go?" he said slowly pulling out my car. "D'Malls" maikling sagot ko nang hindi binabalik ang tingin ko sa kanya. "Alright." he huskily said ______ Comment.Vote.BeAFan.Share Belle?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD