I was about to open my unit's door when I looked at Ford, who's standing at my back. Tahimik na pinagmamasdan ang paligid.
Katulad ko, basang basa 'rin ang damit niya tsaka buhok. That's why I invited him to come with me. Para kahit papaano ay makapagpalit siya nang kanyang damit.
Sana nga lang magkasya ang mga oversized shirt na meron ako sa closet.
"Ford" hinintay ko munang mag tama ang tingin namin "Wag na wag mong sasabihin sa iba ang makikita mo sa loob ng unit ko. The moment I heard that you spread a news about this i'll immediately fire you." banta ko.
His lips twisted, bago siya tumango.
Maliban sa ayaw kong malaman ng pamilya ko ang ginagawa ko, sobrang confidential 'rin kasi ng nilalaman ng unit ko. All of my upcoming pieces are inside. Wala pa kahit sino ang nakakita ng mga gawa ko.
But I trusted his words kaya unti unti ko nang binuksan ang pinto. And besides, Ford can really keep a promise. Napatunayan niya na ito nung una akong nag pahatid sa kanya dito sa building Hindi niya sinabi kila daddy ang tungkol dito.
"You can leave your shoes here." sabi ko sabay bukas nang shoe cabinet malapit sa main door.
Kinuha ko ang spare indoor shoes na mayroon ako tsaka ipinakita sa kanya.
"Do you want to use this?"
Lumukot ang mukha niya tsaka hindi makapaniwalang inoffer ko talaga sa kanya ang indoor shoes na 'to.
Color white and has a bunny shape ear ang design nung spare indoor shoes ko. Katulad na lang sa sinusuot ko ngayon kaso nga lang pink ang sa akin.
But he has no choice? Aarte pa ba siya eh 'yon lang ang available.
Si Niel nga tuwang tuwa sa tuwing sinusuot niya 'to.
Umiling siya "I'm fine without it."
"Ang arte!" bulong ko sa sarili bago tumalikod at para ibalik ang indoor shoes sa loob nang cabinet.
Ngunit bago ko pa nagawa 'yon ay may isang mainit na kamay ang pumigil sa'kin.
Nung nilingon ko siya ay namilog ang aking mga mata, at tila nakalimutan ko na kung paano huminga ng maayos dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
Even though he was damp from the rain, I could still smell his familiar and manly scent.
Tila sa tuwing maamoy ko ang pabangong ito siya at siya lang ang maalala ko.
His thick brow, thin lips, perfect jaw lines and his deep unique amber eyes was so close to me. Isang maling galaw ko ay paniguradong didikit ang labi ko sa pisngi niya.
"I'll use it." he said huskily, sabay kuha ng hawak kong indoor slippers bago tumuwid ng tayo.
Hindi ako agad makapag salita. Sinundan ng tingin ang ginawa.
Ngumuso ako para pigilan na sumilay ang ngiti. Maliit ang indoor slippers lagpas kasi ang paa niya dito. Atsaka pakiramdam ko, masisira ito kapag araw araw 'to gagamitin ni Ford.
I cleared my throat and look away nung nahuli niya akong nakangiting nakatingin sa mga paa niya.
Nag lakad na ako patungo sa living room. All of my paintings were revealed the moment I turn on the lights.
Kita sa mukha niya ang pagkagulat. He was quiet but his eyes were busy scanning my unit.
"Uhh.. You can put my bag here." pagsira ko sa namumuong katahimikan.
Agad niyang sinunod ang gusto ko, ngunit mabilis niyang binalik ang atensyon sa mga paintings.
Kumalabog ang puso ko nung napansin kong tumagal ang pagtitig niya sa painting na nasa gitna, sa likod ne'to ay makikita ang mataas na buildings sa labas.
It was my last piece. The piece that I got his eyes as my reference.
What will I do if he'll notice the resemblance? Should I tell him the truth or just lie about it? Tutal kulay lang naman ng mata niya ang kinuha ko, tsaka hindi lang naman siya ang nag iisang tao na may ganung kulay.
I change the size of that piece by the way. I brought a bigger canvas board for it. Naisip ko kasi na hindi kakasya sa 4x4 board ang gusto kong iguhit kaya habang hindi ko pa natatapos ay pinalitan ko na kaagad. To a bigger size.
It was an eye of a person, but when you look at it carefully, you will notice the ocean mirroring the color of the sunset. It was an odd colored sunset. An amber colored sky.
Unique and a breathtaking view.
"I'll check if I have a shirt that you can use here." palusot ko bago mabilis na lumakad papunta sa kwarto ko.
Escaping that scene.
My hands were shaking nung nag hahanap ako ng damit na pwede kong ipahiram kay Ford.
Kahit na nasa kabilang unit si Niel, hindi ko pa'rin siya pwedeng tawagan o hingan ng tulong dahil paniguradong mabubunyag ang sikretong matagal ko nang tinatago.
Ang daldal pa naman ng lalaking 'yon.
Atsaka baka kung ano pa ang sasabihin niya kapag malaman niyang nag papasok ako dito ng lalaki, maliban sa kanya.
Luckily I have a black and white stripes oversized shirt. Which I think perfectly fits him.
Lumabas ako na nakapagbihis na ng panibagong damit at dala dala ang shirt na ipapahiram kay sa kanya.
I saw him still standing infront of my last piece. Ang pinagkaiba lang ngayon ay mas malapit siya sa paintings ko.
Hindi niya narinig o napansin ang presensya ko kahit na tuluyan na akong nakalapit sa kanya.
He was looking at it intently, as if he was trying to guess what emotions or message that I wanted to convey through this piece.
"Uhh Ford." pagkuha ko ng atensyon niya, lumingon siya kaya inangat ko ang hawak kong shirt. "Magpalit ka muna."
"Thanks.. Can I ask you something?" sabi niya sabay kuha ng shirt sa kamay ko.
"Hmm?"
May kutob na ako kung tungkol saan ang itatanong niya sa'kin.
"Did you paint all of these?"
My face heated when our gaze met. Napalunok ako sa sarili kong laway nang wala sa oras.
"Uhh yeah."
"Are you donating or selling this?"
"Both.."
kumunot noo siya
"After selling it, I donat all the proceeds that I got."
He pursed his lips. Matagal bago siya nakapagsalita ulit.
"How much is it?"
How much is it? Bakit bibili ba siya? At anong gagawin niya sa artwork ko? Isusumbong niya ako sa parents ko? Aba! Hindi ako papayag.
"I let my manager handle all my exhibits." Iniwasan ko ang mga titig niya nung napansin ko kung gaano siya kaseryoso. Tila masusunog ako sa titig biya "But usually my manager will sell it through auctions..."
Mas lalo akong lumapit sakanya. Hinarap ang huling piece na gawa.
"How much was the highest bid for your artwork?"
"Hmmm... I sold a 24x36 piece for fifty thousand." Ramdam ko ang agarang pag lingon niya sa'kin. I smirked. "I didn't gave that price. They were the one who gave that... And besides, marami akong natulungan na orphanage dahil sa perang nakuha ko mula sa last exhibit."
Ngumuso siya tsaka tumango.
"Right"
A small smile crept before he raise the shirt that was given to him.
Tumango ako sabay atras para bigyan siya ng espasyo na makadaan, tsaka tinuro ang powder room.
Nung tuluyan na siyang nakapasok sa powder room ay ibinalik ko ang tingin sa painting.
Nanliit ang mata dahil may nakita akong mali sa artwork.
I immediately pull out a paintbrush and a palette. I mix some paints, until I got the consistency and the color that I want to achieve.
Pagkatapos 'non ay umupo na'ko sa stool para ayusin ang naunang ginawa.
Actually maliit lang ang inaayos ko, parang isang daplis nga eh. But I want this exhibit to be perfect. Gusto ko worth it ang pera nilang pambili sa artwork ko.
My hands were fast, from my palette to the canvas.
After that, kumuha ulit ako ng panibagong paintbrush para mag mix ng isa pang kulay.
"You should add a little bit here..." nahinto ako sa ginagawa nung biglang sumulpot si Ford sa tabi ko. "I don't intend to ruin your artwork but it will look more realistic if you add some white here." ulit pa ne'to.
Nung nilingon ko, unti unti niya akong nginitian.
Nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Susundin ko ba siya o hindi.
Binalik ko ang tingin sa painting. I just wanted to fix it but when I heard his opinion, bakit may parte sa utak ko na sundin ang gusto niyang mangyari?
Knowing that Ford has a talent in art.
"Do you think so?" I curiously asked as I glance at him once again.
Umayos siya ng tayo, pinagkrus ang dalawang braso habang seryosong nakatitig sa painting.
Tumango siya, his lips twisted.
Tumayo na ako para kumuha nang kulay puting arcylic, at kaunting nilgyan sa palette.
Pagkatapos ay muling umupo tsaka sinimulan ang pag aayos ng piece.
"Ito ang ginagawa mo sa tuwing dumadalaw ka dito? Painting?" rinig kong tanong niya.
Hindi ko siya nilingon dahil abala pa ako. Umupo ako ng tuwid sa ganon ay makikita ko kung anong parte pa ang kinakailangang ayusin.
"Yeah." I crouch as the tip of my paintbrush landed to the canvas board.
"Preparing your next exhibit. Pero minsan mo lang kung dalawin etong unit mo.. Paano mo nagawa ang lahat ng 'to?"
"Hindi ko naman kasi priority ang magkaroon ng exhibit... I only paint when I have a time to waste.." ipinatong ko ang hawak kong palette at paintbrush sa side table.
Finally!! Natapos na 'rin.
I shifted from my seat to face him.
"Napupuno ang unit ko dahil sa mga ginawa, that's why I found a way to dispose it by doing an exhibit or an auction event." habol ko.
Mamaya sasabihin ko sa manager ko na tapos na ako at handa na sa nalalapit na exhibit.
"But you're not getting any cent from your exhibit nor auction."
I smiled "Mas kailangan ng mga bata sa loob ng orphanage ang pera kesa sa'kin. And I have my parents if I really needed some funds, habang sila wala."
May sasabihin pa sana siya ngunit pansin ko ang pagpigil niya sa kanyang sarili.
Ngumuso ako.
"Ikaw? Marunong ka bang mag paint?"
Oo, nakita ko na siya noon gumuhit. At hindi ko maitatanggi na magaling nga siya. Subalit, iba kasi kapag painting na ang pinag uusapan.
The level of difficulty when using paints are way different from using only pastels, or colors.
"Hindi nga lang ako magaling katulad mo." he shrugged.
"When it comes to art everything is beautiful. It depends on that person whether he or she likes your piece or not..."
"Well you're right..." a small smile crept across his face. "Pero hindi papasa ang skills ko to hold an exhibit on my own."
"Subukan mo... Who knows baka 'yon ang ikakasaya mo." Pilit akong ngumiti pagkatapos.
After that conversation, I made sure that my paints were far from my paintings, Takot na baka aksidentang madaplisan ito, before we went home.
It is sunny saturday morning now. At mamayang gabi sasamahan ko si daddy na pumunta sa fashion event ni mommy. She will showcase her latest collection.
Nahinto ako sa paglalakad nung nakita ko si Monique. I raise my hand, waiting for her to looked at me. Ngunit nabitin 'yon sa ere nung nilagpasan niya ako nang hindi pinapansin.
"Que?"
Kita ko ang pag tigil niya bago siya lumingon. "Oh Nikka ikaw pala!" her smile seems normal but I can feel something is off about her.
Kumunot ang noo ko.
"May pupuntahan ka ba mamaya? May show si mommy.. Samahan mo ako.."
"Hmmm" she trailed off "Sorry Niks may pupuntahan kasi ako mamaya."
"Saan? Saturday naman ngayon."
Kadalasan, sa tuwing may show si mommy, sinasama ko talaga si Monique para manuod. We enjoyed watching it together. Kaya nag tataka ako kung bakit siya tumanggi ngayon, knowing that our exams ended last week.
"Wait! Are you okay?" nag aalalang tanong ko. She looks pale. Idagdag mo pa ang pag lagpas niya sa'kin kanina "May problema ka ba?"
Her eyes flickered.
"Ah wala! Okay lang ako Niks... Pagod lang 'to."
"Are you sure?"
She smiled without showing her teeth and nodded.
"Oo naman!! Oh siya, alis na ako ha? Tutulong pa ako kay lola." paalam pa ne'to
Nanatili akong nakatingin kay Monique hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paninging.
Kinabit balikat ko na lang ang nakita kong lungkot at pagod sa mga mata ni Que. Siguro, na malikmalata lang ako kanina.
I am wearing a pink sports b*a and tight leggings. Dumerecho na ako sa indoor gym namin dito sa bahay para mag yoga at magpapawis kahit papaano. Mamayang tanghalian pa kasi ang usapan namin ng manager ko.
We will be having zoom meeting, finalizing the venue for my upcoming exhibit.
Sinablay ko ang dala kong face towel sa hand bar nang treadmill,bago tumungo sa yoga mat. I turn on the television first before I prepare myself
I stand up properly and raise both of my hand upward. I stretch it as much as I could. Then, slowly I raise my left leg, leaving my right leg carry all my weights.
After an hour of doing some yoga poses, I was already sweating like bullets. Kapansin pansin ang paninigas ng katawan ko, dahil matagal tagal na'rin nung huli akong nakapag yoga.
"Ate have you seen Ford?" tanong ko sa isang kasambahay namin nung nakabalik na ako sa living room.
Our indoor gym has a huge one-way glass wall, kitang kita ang mga taong dumadaan. Ngunit sa isang oras kong pag yoyoga, ni isang beses hindi ko nakita si Ford na dumaan. Matatanaw pa naman mula sa gym ang garagge namin kaya impossibleng hindi ko siya mapapansin kapag dadaan siya.
"Ah ma'am, naka leave ho ngayong araw si Ford. May importanteng inasikaso."
Kunot noo kong tiningnan ang kasambahay namin. Ford is not around? He didn't told me about his leave.
"Saan daw pumunta?"
Namilog ang mata niya. Pansin ang pagkataranta sa harap ko.
"Hindi ko po alam.."
Kaya pala ko siya nakita dito sa bahay.
He's really not around! Bakit hindi ko alam ang tungkol dito? Hindi ba dapat mag paalam muna siya sa'kin bago umabsent? He's working for me and yet I didn't know this!!
Paano na ako mamaya? Sino mag dridrive sa'kin papunta sa venue nung show ni mommy?
Napapikit ako ng mariin tsaka tumingala. Taking a deep breath, trying to calm down my nerves.
Calm down Nikk. Ford has his right to take his leaves.
Arghh!! Pero ang nakakainis eh bakit hindi siya nag paalam sa'kin? Ano? Gusto niya na bang kay daddy na lang mag trabaho? Aba! Edi 'don na siya! Hindi ko naman 'yon ikapapahamak.
At baka payagan na ako nila mommy mag drive kapag nangyari 'yon.!