"Ford where are you?"
"Ba't hindi ko alam na hindi ka pala papasok ngayong araw? Did I allow you?"
"Ford!"
"You didn't even bother to tell me kung saan ka pumunta? Are you really my driver?"
I gritted my teeth as I read all the messages that I sent to him earlier.
At ang mabuting driver ko, kahit isang reply sa'kin ay hindi niya magawa.
Talagang inuubos niya ang pasensya ko. Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sa galit.
"Sweetie are you okay?" bahagya pa akong siniko ni dad para makuha niya ang atensyon ko.
The fashion show is now starting, but I can't watch it properly because I am bothered with Ford.
Baliw na ata ang tingin sa'kin ni daddy ngayon, tumatawa na mag isa.
Mula kanina hanggang ngayon na madilim na ang kalangitan sa labas ay walang reply pa'rin akong natatanggap mula kay Ford.
I fakely smiled at my dad "Yes dad." sagot ko kahit na ang totoo ay gusto ko nang itapon ang cellphone ko sa labas. Walang kwenta phone.
"And now, you have the guts to ignore me? Huh Ford?"
Sobrang nanggigil na talaga ako sa lalaking ito.
Humanda siya! Wag na wag talaga siyang mag papakita sa'kin dahil susuntukin ko talaga ang lalaking 'yon.
"Anong oras na? Ba't kahit isang reply man lang sa'kin hindi mo magawa?"
"Are you on a date?"
Naniningkit ang mga mata ko habang sinend ko ang message na 'yon sa kanya.
He's on a date!!!
That's the only reason kung bakit hindi siya nag paalam sa'kin at hindi niya ako kayang replyan. Dahil... Dahil ayaw niyang maistorbo ko sila!!
Argghh!!
"May girlfriend ka na siguro."
"No! May girlfriend ka na.. kaya ka nasa date ngayon."
"Anong pangalan nang girlfriend mo?"
"Is she pretty?"
"Sexy?"
"How old is she?"
Patagal ng patagal at pahaba ng pahaba ang messages ko sa kanya ay wala pa'rin akong natatanggap.
So he'll act this way whenever he's out?
Walang pansinan?
Nanginginig sa pag mamadali ang kamay para buksan ang cellphone nung umilaw ito. Hudyat na may natanggap na mensahe.
From Ford
What are you talking about?
I scoff and rolled my eyes.
Finally! After how many hours!
To Ford
You're on a date. Sinong kasama mo?
From Ford
I don't know what you're saying.
I was about to type my reply when my dad tap my shoulder.
"Anak nandiyan na ang mommy mo." aniya sabay tayo para lapitan si mommy.
I felt my phone vibrated once more. Ngunit hindi ko 'yon agad matingnan kung kanino galing ang message dahil pansin ko ang pagsulyap ni dad sa cellphone ko.
He must notice that I didn't watch the show properly because I was busy looking at my phone.
"Congratulations miss Nikki on your new collection." rinig kong bati nang isa kay mommy.
May hawak si mommy na isang boquet at pinalilibutan siya ng mga socialites.
Nakangiting nag pasalamat naman si mommy. Ngunit mas lalong lumapad ang ngiti nung nahuli niya kami ni daddy na papalapit sa kanya.
My dad went straight to my mom and gave her a kiss on her cheeks.
"Good evening Sky." an old man said.
Tumayo ng tuwid si daddy tsaka nilahad ang kanyang kamay sa lalaking bumati sa kanya. Habang ako naman ay mas lalong lumapit kay mommy para halikan ang kanyang pisngi.
"Congrats mommy." Nakangiting pag bati ko.
"Thank you anak" aniya "Did you enjoy the show?"
"Yes of course mommy" I lied, ni isang model ay wala akong nakita dahil buong show akong nakayuko, nakatutok sa phone.
"Nikka" I heard my dad's voice "i'd like you to meet Kael Guevarra." pakilala ni dad.
It was a guy in a sleek black suit standing besides an old man who greeted my father a while ago.
"The son of Alfonso Guevarra, one of our business partner." sinulyapan ko si daddy bago hinarap muli ang lalaking nag ngangalang Kael.
I smiled at him without showing my teeth.
"Nice to meet you, i'm Nikka." pakilala ko sabay lahad ng aking kamay sa harapan niya
Saglit na tiningnan niya muna ang kamay ko bago niya 'yon tinanggap.
"Kael" he said in a manly voice. He gripped my hand for a second before letting it go.
Muli akong nagpakilala sa lalaking katabi niya.
"I heard a lot about you miss Nikka."
"I hope you only heard good things about me sir Guevarra." biro ko.
The old man chuckled.
"Of course miss Nikka. Rinig ko kung gaano ka kagaling mag manage ng negosyo niyo."
"I'm the one who train her." pag mamayabang ni daddy na ikinatuwa naming lahat na nakarinig dito.
"Well, I guess our next generations are secured then?" aniya sabay ngiti na may ibang kahulugan "Nikka I hope you and my grandson can work someday."
I heard my mom chuckled. Alam ko na hindi trabaho ang gusto niyang iparating sa'kin. It's different.
At hindi alam ng karamihan ang kasunduan na meron ang pamilya namin sa mga Montenegro kaya siguro ganito niya na lang kung ireto sa'kin ang apo niya.
Muli kong tiningnan si Kael, aside from us who seems to enjoy the conversation. Kael was just standing besides his lolo, seryoso na nakatingin sa'min.
Compare to Eli who is bubbly and outgoing. Kael seems to look more mature, serious and firm.
Hindi ko alam kung bakit pero may nararamdaman akong familiarity sa kanya. I don't know, maybe because I saw an aura on him na kaparehas sa'kin.
Can't mingle easily with a stranger.
We both don't have a choice but to stand besides our family greeting their business partners. Helping us to expand our connections that might help us when the time comes.
Bahagya akong nagulat nung nahuli ako ni Kael na nakatingin sa kanya.
Imbes na iwasan 'yon at mas maging awkward ay nginitian ko na lang siya.
But my jaw just dropped when he ignore me.
Ni isang ngiti hindi niya 'yon sinuklian. Ibinalik niya sa mga nakatatanda ang buong atensyon at tahimik na nakikinig.
Acting as if our gazes didn't met at all.
He doesn't bother to open up a topic. Nag sasalita lang sa tuwing tinatanong siya ni daddy tungkol sa negosyo.
Well, napag alaman ko na pagkatapos niyang grumaduate ng college ay siya na mismo ang nag hahandle ng buong negosyo nila. Which is steel and glass manufacturing. Their company is the largest glass manufacturer in the country. Halos lahat ng construction firms ay sa kanila kumukuha ng supplies.
"Dad labas muna ako." pabulong na paalam ko kay daddy bago tahimik na umalis sa lugar na 'yon.
My phone kept ringing for a minute now. Unknown number, hindi ko masagot dahil nasa gitna ako ng usapan.
Nung nakalabas na sa venue at nakahanap nang tahimik na lugar ay 'don ko lang sinagot ang tawag.
"Hello."
"Nikka." I heard a familiar voice.
Kunot noo kong nilayo sa taenga ang phone para makita kung tama ba ang hinala ko. Ngunit hindi nakaregister ang number niya sa contacts ko.
"May I know who's calling?" I just wanted to make sure.
If this is a prank call, i'll immediately block his phone number.
"This is Ford.. are you still at the venue?"
Taas ang isang kilay. "Ba't ka napatawag? Kaninong number 'to? Sa girlfriend mo?" mataray kong tanong.
"What are you talking about Nikka?" hindi makapaniwalang tanong "I don't have a girlfriend."
My blood is slowly boiling once again when I confirm who's calling. Akala ko nakalimutan ko na ang galit ko kanina. Akala ko lang pala!!!
I smirk "Hindi girlfriend? Ano lang? Hook up? One day date?"
"Stop thinking weird stuff Nikka. I'm not dating anyone here."
"You can't even reply to my messages Ford!Anong iisipin kong rason maliban sa date kung bakit ganon? Na busy ka dahil may inaasikaso na trabaho? Eh nag leave ka nga sa trabaho mo hindi ba?"
I stated as I was stating a mere fact. Na ganun talaga ang ginawa niya! Na nakipag date talaga siya.
He sighed "I'm doing some important things here kaya hindi ako agad makapag reply sa'yo. But the moment I already have the time to reply, ikaw naman 'tong hindi nakakareply sa'kin."
I was too stunned to talk. He's waiting for my reply?
I shake my head, bago pa may pumasok na kung ano sa aking isipan.
Ano naman ngayon kung nag hintay siya? Eh ako nga buong araw niya ako pinaghintay ng message niya.
"I'll fetch you after the event." rinig kong sabi niya sa matagal kong pananahimik.
"Ayoko! Sasama ako kila daddy pauwi."
I didn't bring my car, sumama ako kay daddy papuntang venue kanina dahil sayang ang gas kapag nag dala pa ako ng isa pang sasakyan.
"Papunta na ako ngayon sa bahay niyo para kunin ang sasakyan mo... I'll fetch you."
"At sinong nag sabi sa'yo na kunin mo ang kotse ko? Gumawa ka na naman ng desisyon na hindi ko alam Ford!" hindi ko mapigilan ang pag taas ng boses ko.
Napahawak ako sa aking sentido.
"At hindi pa kami uuwi, we'll be having a dinner with the Guevarras after this."
"Guevarra?"
"Yeah. Kaya ipagpatuloy mo na yang pag dedate mo.."
"I'm not on a date Nikka." He cut me off.
"Whatever!" I rolled my eyes, sabay end ng tawag .
Ayaw pa aminin. Pshh!
"f**k!" kamuntikan na akong atakehin sa puso nung pag harap ko sa kabilang parte ay isang lalaki, madilim ang tingin sa'kin, mukhang naiinip ang bumungad sa'kin.
Pumikit ako ng mariin sabay hawak sa aking puso. Niraramdam ang pag bilis ng pag t***k ne'to, dahil sa gulat na natamo.
When I slowly opened my eyes, I saw his gaze were still dark.
Anong problema ng lalaking 'to?
"Nasa labas sila, they're waiting." he boredly said at hindi niya inabala ang sarili na pakinggan ang sasabihin ko nung tuluyan niya akong tinalikuran. Nakatago pa ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang slacks.
Wow ha! Tingnan mo 'to napaka gentleman naman. Sadyang iniiwan ang babae mag isa. Kita niya naman kung gaano kataas ang heels na suot ko ngayon.
Hindi niya na kailangan pang ipakita sa'kin na napilitan lang siyang sunduin ako dito!
Sayang lang, akala ko pa naman magiging mag kaibigan kami pagkatapos ne'to. Akala lang pala.
Tssk!
Padabog akong nakabuntot sa kanya hanggang sa makarating na nga kami sa parking lot ng venue.
His grandfather was smiling when he saw us nearing them.
"Let's go?" anyaya naman ni dad.
Ako ang naunang pumasok sa kotse nila dad. Wala si kuya Martin kaya si dad mismo ang umupo sa driver's seat habang si mommy naman sa shotgun seat.
I let myself sit comfortably alone at the passenger seat. Kinuha ang phone at ilang messages kaagad ang nakita ko mula kay Ford.
This was probably the messages that he sent to me while I was busy socializing.
Let me clear this up Nikka. I'm not on a date.
I'm in an important meeting.
Hindi ko na sinabi dahil akala ko half day lang ako mawawala.
I didn't expect this meeting to be long.
Are you still there?
Are you mad?
Hey..
"Sweetie are you listening?"
"Hmm?" sagot ko nang hindi tinatanggal ang mga mata sa screen.
"Our daughter is not with us right now hon." I heard my dad chuckled. Inangat ko ang aking tingin sa harapan, nilingon naman ako ni mommy. "She's been busy texting someone."
Mula sa seryosong mukha ay unti unting sumilay ang nakakalokong ngiti ni mommy.
Umiling ako "That's not what you think mom." pag depensa ko.
"Is this the Montenegro guy?" tila hindi niya narinig ang sinabi ko kanina. Tinukso pa niya ako.
Muli akong umiling.
"Then who? Another admirer?"
"No mom." I trailed off.
Sasabihin ko ba na si Ford ang katext ko? I don't see any problem with that. Ang kaso nga lang, baka kung ano ang isipin nila kay Ford at ipatanggal sa trabaho. Kaya wag na lang!
May idadagdag pa sana siya ngunit nabitin ito sa ere nung muli akong nag salita.
"It's about our final defense mom. Kasamahan ko ang kinakausap ko sa phone." I lied and wave my phone at her.
Syempre mabilis ko lang 'yon ginawa dahil kita ko kung paano pasimpleng sumunod ang mata niya dito.
Tinago ang phone sa loob ng clutch bag at hindi na ulit kinuha takot na baka kulitin ako ulit ni mommy. Hanggang sa makarating na kami sa isang exclusive restaurant.
Dumerecho kami sa private room, intended for their VIPs.
Umupo ako katabi ni mommy, habang ang dalawang Guevarra naman ay nasa kabilang side. The younger Guevarra was sitting infront of me.
Inirapan ko siya nung mag tama ang tingin namin.
"Hija may boyfriend ka na ba?" tanong ni mr Guevarra sa'kin sa gitna ng aming pagkain.
Naudlot ang pag hihiwa ko ng steak para matingnan ko siya.
"No sir..."
"A wonderful lady like your daughter shouldn't settle less Sky. You should let her meet guys in your society." payo pa niya kay dad na ikinataka ko.
I know how this world works but I didn't imagine how dirty it is. And how they can easily degrade someone just to pull themselves up.
Napatingin ako kila mommy at daddy, tiningnan kung ano ang magiging reaksyon nila.
Ayaw kong isipin na katulad ng iba. Ganon din ang mga magulang ko. Na kaya nila kaming ipatali sa isang pamilya na sa tingin nila ay makakatulong samin para patibayin ang kumpanya.
"My daughter is too young for that mr Guevarra." mommy "Acutally, Sky and I urge her to meet and date a lot of guys. Para naman sa oras na gusto niya nang mag settle eh marami siyang options na pag pipilian.... Too bad my daughter is not fond of it... Naubos ata ng kakambal niya ang kakulitan when it comes to love.." my mom then giggled while my dad cleared her throat.
Ramdam ko ang pag init ng mukha abot hanggang leeg.
I don't really understand my mom. Ba't niya pa ba sinabi ang tungkol 'don? She sounds like she was proud of her past.
Being a playgirl since senior highschool. Same goes to my dad. Kaya todo sila kung makangiti kay Niel sa tuwing kinukuwentuhan sila tungkol sa bagong nabingwit niyang babae sa school.
Gossh!!
Muli akong napailing at minabuting wag na lang sumapaw sa kwentuhan ng mga nakatatanda. Baka kasi mas lalong hahaba pa ang usapan nila tungkol sa'kin.
The guy who is sitting infront of me did the same. Iniirapan ko nga lang siya sa tuwing nag tatama ang tingin namin sa isa't isa.
"It was my pleasure to meet you mr Guevarra." Nakangiting sabi ko sabay lahad ng kamay sa harapan niya.
He let out a bark of laughter.
"It was my pleasure miss Nikka. I hope that this wouldn't be our last dinner, lalong lalo na ninyo ng apo ko." pasimpleng siniko niya ang kanyang apo.
Nung mag tama ang tingin namin ay pilit ko siyang nginitian.
"Sure why not..." sabi ko na lang sabay lahad 'rin nang kamay ko sa harapan ni Kael.
Tinanggap niya 'yon, babawiin ko na dapat ang kamay ko ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pag kakahawak niya dito.
Pinadilatan ko siya ng mata, he cockingly smile never letting go of my hand.
I gritted my teeth, at pasimpleng kinurot ang kamay ne'to.
Agad niyang binitawan ang kamay ko. Napaimpit sa sakit ng pagkakurot ko sa kanya. 'Yan kasi! Ayaw pang bitawan ang kamay ko.
Ngayon! Siya naman ang nakatingin sa'kin ng masama. Sa sobrang sama ay parang pinapantay niya na ako.
Inirapan ko siya, walang takot na nararamdaman para sa kanya.
Naunang nag lakad ang mga magulang ko tsaka ang lolo niya kaya hindi nila nakita ang ginawa ko sa kanya.
"You didn't even bother to say sorry huh?"
Taas ang isang kilay ko siyang nilingon, patuloy pa'rin sa paglalakad palabas sa restaurant.
"You deserve it." mataray kong sagot.
"wala akong may naalalang ginawa sa'yo para ma deserve ko ang pagkakurot mo sa'kin."
Bigla akong napatigil para harapin siya ng maayos. Nakatingalang nakatingin sa kanya habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa magkabilang bewang.
"You annoy me so much. Kahit makipag plastikan man lang sa'kin hindi mo magawa! Is that how you work with your other business partners?"
"That's who I am miss, you can't push me to do something that i'm not fond of. I'd rather show my true identity rather than faking it. Atleast, alam ko kung sino sino ang mapagkatitiwalaan ko."
"Then sorry to disappoint you but that mindset of yours is not acceptable in our world. No one is true here, everyone is faking everything just to get what they want." I smirked, hinakbang ang maliit na distansya namin. Gamit ang index finger I traced his suit hanggang sa umabot ito sa kanyang puso. "Don't try to be so full of yourself Kael, wala ka pang nararating pero kung umasta ka kala mo kung sino. Remember, it was still your lolo's fruit of labor that you have on your plate right now. Wala ka pang may naaambag. Let me give you a piece of advice.. Never reveal who you are, wear a mask, protect yourself. Dahil lahat ng mga makakasalamuha mo ay may suot na maskara. Even your lolo wears one"
I smirked and tap his chest bago ko siya tinalikuran.