"Ate!"
Papalabas na kami ni Ford sa local restaurant nung may narinig ako na pag tawag sa bandang harapan.
When I looked at it, nakita ko si Dianne nakangiting kumakaway sa'kin.
Dahan dahan ko naman siyang nginitian, lumakad siya papunta sa'kin.
Dianne is the daughter of tito Dwight and tita Coleen, kaibigan din nila daddy tsaka mommy.
Dianne got this almond eyes, high nose and thin lips. Got the height and a slender body that any models would die to have.
Kaya maraming agency mula sa fashion industry ang gustong kunin siya bilang isang modelo nung nakita nila si Dianne kasama si Enzo sa isang collection ni mommy few years ago.
I have this feeling that Dianne's name might blow the fashion industry kung pipiliin niyang maging isang modelo balang araw. Given that her dad owns a promising agency and her mom as a well-known photographer.
"Dianne! Kamusta ka na? Sila tito at tita?" sabi ko nung tuluyan na siyang nakalapit sa'kin
"Maganda pa'rin." She then flipped her hair kaya natawa ako. "Well my parents are okay ate. Have you seen Enzo?"
Umiling ako. "Bakit may usapan ba kayo?"
Nilabas niya ang kanyang cellphone nanliliit ang mga mata nung tiningnan niya ito.
"I told him to meet me here.. aishh!"
Kung hindi ko lang kakilala si Dianne, paniguradong matatakot ako sa kanya. She got the intimidating aura on her that she got from her mom. Aakalain mong may kasalanan ka sa kanya, at galit siya sa'yo.
I even heard a rumour that some students are really afraid of her. Si Enzo at kami lang ata nila Niel at Monique ang nakakausap niya sa campus na hindi takot sa kanya.
"Hello Enzo, asan ka? Kanina pa ako nandito.. What? Nakalimutan mo? Aissh! Nakakainis ka naman eh.. Ewan ko sa'yo!"
Nung binaba niya ang tawag ay agad niyang ginulo ang kanyang buhok dahil siguro sa sobrang inis.
"Asan daw si Enzo?" I curiously ask
"Library" walang gana niyang sagot.
Hindi ko mapigilan na hindi matawa sa mukha ni Dianne. Parang sasabog na kasi siya dahil sa galit. Panigurado susuyuin na naman 'to ni Enzo mamaya.
Her eyes became calm when she saw me looking at her smiling.
"I'm sorry ate but I need to go." Paalam niya
"Sure. Bye Dianne. Wag mong masyadong awayin si Enzo ha?" biro ko
"Hay nako ate! Enzo is good at memorizing everything but when it comes to me, parati niyang kinakalimutan!" She rolled her eyes, kaya muli na naman akong natawa.
She waved her hands once again to bid her goodbye before totally leaving.
Hinintay ko muna siyang tuluyang makalayo sa kinatatayuan ko bago lumakad muli.
Habang wala pang announcement, plano kong mag ikot ikot muna dito sa malapit. Para sa oras na makapag decide na si ma'am Sandoval tungkol sa lecture niya ay mabilis lang akong makabalik ng campus.
Tahimik na nakasunod si Ford sa aking tabi. Mabuti na lang at maraming puno sa paligid, sa tulong ne'to hindi gaanong mahirap na mag lakad lakad kahit na 2:00pm na.
"Can I ask you something?" I said. Breaking the awkwardness that is building up between us.
Huminto ako para hintayin siya. Bahagya niya akong nilingon nung nasa gilid ko na siya. Napatingala pa nga ako dahil sa tangkad niya.
I noticed that his eyes became lighter, when it's day time.
"Paano ka napunta sa ganitong trabaho? Who recommended you?"
His eyes flinched with my sudden question. Wala akong masamang balak o pagalitan siya. I am just really curious kung paano siya napunta sa ganitong trabaho.
At tutal, alam ko na kahit anong gawin ko wala nang may makakapag bago pa ng desisyon ni daddy tungkol sa pagkakaroon ko ng driver.
Napag isipisipan ko na, hindi naman masama kung pag bigyan ng pagkakataon si Ford na ipakita sa'kin na magaling talaga siya sa kanyang trabaho.
I'll give him the chance. Two months..
"My cousin." he said huskily and hid his hand inside his pockets. "He saw an ad from a security agency."
Ngumuso ako sabay tango tsaka sinimulan ulit ang pag lalakad, ganun din siya.
"Kung ganun, dapat security or bodyguard ang trabaho mo. Not a driver."
Inayos ko ang strap ng bag bago ko siya ulit nilingon.
His eyes narrowed looking at something. Sinundan ko 'yon ng tingin at nakitang nasa strap ng bag ko siya nakatingin.
Napahawak ako sa strap ng wala sa oras. Ba't niya naman tititigan? Don't tell me may mali na naman?
I close my eyes and took a deep breath. You're here to know your driver Nikka. Bawal kang magalit.
"I was told that my first priority here was to make sure that you're safe. Being your driver was just an additional." aniya "Let me carry your bag." sabi pa niya na ikinagulat ko.
Hindi niya na hinintay pa ang isasagot ko nung tinanggal niya sa balikat ko ang strap ng bag, para siya na mismo ang mag dala ne'to.
"You've been carrying this, all by yourself?"
Tumaas ang kanyang boses na ikinataka ko. But I can't get mad dahil mas lumamang ang pag aalala sa kanyang boses, ganun din ang makikita mo sa kanyang mga mata.
Hindi ako kaagad makasagot dahil inaalala kung ano ba ang laman ng bag ko.
Well, iilang notebooks, pencil case at sketchpads lang naman ang laman 'non. Siguro hindi ko na namalayan ang bigat dahil nga araw araw ko 'yon dinadala. It was my normal stuff for school.
"Yeah" I said
"Anong laman? Do you carry a rock with you? Ang bigat"
Huminto ako sa pag lakakad at matalim na tiningnan si Ford.
"I bring a lot of notes and sketchpads Ford. I'm a student." lumapit ako para bawiin ang bag ko
"Hmm student." tumango tango pa ang loko.
"Ako na nga!" inis kong sabi ngunit mabilis siyang nakaiwas
"I'll carry this." he said. I saw him pursed his lips after. "Can I ask you something?"
Inayos niya ang pagkakasablay ng bag ko sa balikat niya.
"What is it?"
"You're a business ad student right?" he curiously ask while looking at straight to my eyes.
"Uh-huh"
"Ba't parating kang may dalang sketchpad? I even saw your sketch on a tissue earlier."
Hindi ako kaagad makasagot, bumilis ang t***k ng aking puso. Kinabahan na baka mahuli niya ako sa ginagawa at isumbong sa pamilya ko.
I pursed my lips as I think for a good excuse.
"School works?" Muling sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
School works? Tama! School works!
I smiled "Yeah, school works... Tara pasok tayo 'don." sabay turo sa isang café
Nung nilagpasan ko siya para tumakas, napapikit ako ng mariin. Gusto ko pa sana iuntog ang ulo ko.
That was so close!
How can I be so reckless? It was my habit to sketch everytime I see a piece of paper.
Hindi ko aaklain na mapapansin ni Ford kanina ang ginawa ko, eh ang liit kaya nung tissue paper.
I should be careful next time.
My head was pre occupied by the thought that I was close of being caught, hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala si Ford.
I was about to open the café's door when my vision was blocked by the huge frame of Ford. His manly scent perfume pass through my senses naturally because of the distance that we have.
Napatingala ako sa kanya nung pinagbuksan niya ako ng glass door. He tilted his head, giving me a sign to enter the café.
Kahit na litong lito ako sa ginawa niya ay pumasok na lang ako.
Narinig kong tumunog muli ang wind chimes nung tuluyan ng nakapasok si Ford.
Ba't bigla atang gumaling sa trabaho si Ford. I didn't even ask him to do it but he did.
Well, baka ngayon talaga ang first day niya sa trabaho. Kaya marami siyang mali kahapon.
Kumabit balikat ako tsaka nauna ng lumakad papunta sa cashier para umorder ng drinks. Sumunod naman si Ford, nakatayo at tahimik na pumipili sa menu.
"Anong gusto mo? I'll pay it for you."
Wala sa plano akong napatingin sa kanya. Tila nagustuhan ang narinig. He was still looking at the menu.
Ngayon ko lang napag alaman na sobrang tangos pala ng ilong niya, atsaka ang pilik mata niya ay sobrang haba, hindi na kinakailangan ng eyelash extension katulad na lang kay Monique.
"Coffee latté?" sabi pa ne'to sabay lingon sa'kin.
Hindi ko siya sinagot, sa halip kinuha ko ang wallet sa loob ng bag.
Syempre kahit na gustong gusto ko ng libre, nakakahiya pa'rin na si Ford ang mag babayad. He's working under me at alam ko hindi gaano malaki ang daily rate niya sa pag tratrabaho. Tapos mag papalibre pa ako sa kanya?
Nakakahiya!
But if he insist na ilibre ako,well sino ba naman ako para tanggihan ito.
"Huh. Is this enough?" I curiously said while I pull out a five hundred bill. "Order ka na'rin ng sayo."
Actually, gusto ko sanang bawiin ang pera dahil napaisip ako na napapadami na ang gastos ko this week. I plan to find a cheaper café. I already exceeded my budget this week, from my painting materials to my food, at next week ko pa ulit makukuha ang allowance ko.
Kaso sa kabilang banda, we also need this. Ford and I should talk. Para na'rin maging maayos ang samahan namin sa susunod na mga araw.
His eyes darken when he looked at the bill that I was holding. He looks like he was offended or something.
"I don't let the lady pay the bill."
My brow furrowed.
"I'm not just a lady here Ford. I am your boss, kaya ako ang mag babayad. And besides, were not on a date. Ipunin mo na lang ang pera mo at gamitin sa date niyo ng girlfriend mo"
Giit ko sabay abot ng pera sa kanya. Agad niya namang tinaas ang kamay tsaka umiling. I even saw him smirked.
"Even if your my boss it doesn't mean that I can't pay the bill." aniya "Coffee latté?" ulit pa ne'to.
Wala na akong nagawa kung hindi ang mapakagat labi na lang tsaka tinago muli ang pera sa loob ng wallet ko. Pansin ko ang pasimpleng pag ngiti niya nung nakita niya ako.
"Can I also have a carrot cake?" sabay turo nung nakadisplay na cake sa kanya, na agad niya naman sinundan ng tingin.
"You can have it." Sa mababang tono "Go find us a chair, ako na bahala dito."
Kaya naman, iniwan ko na siya 'don sa counter para humanap ng magandang pwesto dito sa café.
Medjo may kalayuan ito sa campus kaya wala masyadong estudyante ang pumupunta dito.
Umupo ako sa isang vacant table sa tabi ng wide glass, kung saan makikita ang lahat ng mga tao na dumadaan.
While waiting for Ford, I got distracted by the sound of the wind chimes everytime the glass door opens.
I was amazed on how it flawlessly moves.
I put my elbow on top of the round table as I interwined my hand. Hindi nag tagal, ipinatong ko na'rin ang baba ko dito habang nakatingin sa labas.
Napaayos na lang ng upo nung naramdaman ko ang prisesnya ni Ford.
"Thank you." Nakangiting sabi ko nung nilagay niya na ang kape tsaka cake sa harapan ko.
Pagkatapos niya ilapag ang lahat ng inorder niya ay ipinatong niya muna sa kabilang table ang black round tray bago umupo sa harapan ko.
He then put my bag on a vacant chair, agad ko namang kinuha 'yon at hinanap ang pencil case para kumuha ng isang lapis.
"You'll draw?" he said while I was busy finding a good pencil. Kumuha na'rin ako ng eraser tsaka sketchpad.
"Oo." Maikling sagot ko sabay tingin sa kanya.
Busy ang kanyang mga mata kakatitig sa ginagawa kong pag hahanda. Nung papabukas na ako ng sketchpad ay agad niyang nilayo ang coffee latté, kaya ulit akong napatingin sa kanya.
"Baka mabasa." he huskily said.
"Thank you." I smiled.
When I got my things in place, I tie my hair up before I really started sketching.
Wala dapat akong planong gumuhit ngayon, but given the ambiance of the café, magaganahan ka talagang gumuhit.
"So are you in relationship right now?" I ask sabay saglit na tumingin sa kanya. Pansin kong nag labas din pala siya ng ballpen at nag scribble sa resibo nung pagkain namin.
Natawa ako, siguro nabobore siya kakatitig sa ginagawa ko.
Pumunit ako ng isang blank piece sa aking sketchpad at isang mechanical pencil bago ibinigay sa kanya.
Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ko, ngunit kalaunan inayos niya na'rin ang papel sa harapan niya. He put the mechanical pencil in between his index and middle fingers.
Nilarolaro pa niya ang pencil
Kaliwete pala si Ford.
Sobrang na aamaze ako sa tuwing nakakakita ako ng kaliwete. And I can't deny the fact that all of the left handed people that I know are good using their hands. Whether in arts or sports.
"Are we having a little competition here?"
Natawa ako nung nakita ko ang kalagayan namin ni Ford. Both of us with a piece of paper while holding a pencil.
Mula sa malayo, aakalain mong sobrang importante nga ng ginagawa namin dito. Ni hindi nga maayos mapansin ang pagkain na inorder.
"Wanna bet?" biro ko.
Hindi sa pag mamayabang, but when it comes to arts masasabi kong lamang ang kakayanan ko sa mga ordinaryong tao.
I just suggested it just for fun. Tutal gumuguhit na'rin lang naman kami dito.
"Paano kung mananalo ako?" he sounded like he was interested.
"I'll give you a chance to have a day off, hindi ko sasabihin kila dad."
He downwardly smiled and raise his brow.
"Paano naman kung ikaw ang mananalo?"
Hindi ako kaagad makasagot, nag iisip kung ano ba ang gusto ko bilang pabuya.
"You'll look for a museum or festival na malapit lang dito."
Humilig siya sa kanyang upuan, ipinatong ang kanyang siko sa arm support nung upuan niya.
He pursed his lips, magkasalubong ang kilay. Tila sobrang lalim nang iniisip.
"Okay! Deal." sagot niya na ikinatuwa ko.
Nilabas ko ang cellphone tsaka pumunta sa timer
"We'll draw for about thirty minutes. We won't be having a theme here, you're free to choose. After that, we'll both decide who wins." Umayos siya ng upo tsaka tumango. "Okay timer starts now."
Nag simula na kaming gumuhit, walang kibuan. I plan to draw the wind chimes, with a glass door and some plants on the side.
My eyes and hands were busy for about thirty minutes, ni hindi ko na nga na silip ang ginawa ni Ford. Basta't ang alam ko lang ay mas nauna siyang natapos sa pag skesketch kesa sa'kin.
Preskong nakaupo at painom inom na lang siya ng kape.
"Are you done?" sabi ko sabay tingin sa piece of paper niya na agad niya namang tinakpan gamit ang buong braso niya na parang bata.
Natawa siya nung nahuli niya akong nakatingin sa kanya. I shake my head and erase the unnecessary line that I made on my artwork.
"On a count of three, you'll give me your artwork and i'll give you my artwork." hinintay kong tumango muna siya bago ko sinimulan ang pag bibilang "1...2..3."
Taas noo kong ibinigay sa kanya ang gawa ko, habang siya he just slid the paper on my side.
My eyes widen and jaw dropped when I saw his artwork. Kinuha ko 'yon at inilapit sa mukha para makumpirma kung tama ba ang nakikita ko.
"Did you just make me your muse in your artwork?" Hindi makapaniwala kong saad.
It was literally me!
Nakayuko ako may hawak na lapis abala sa pag guguhit. Kuhang kuha niya ang mukha ko, pati ang takas kong buhok ay ginuhit pa niya.
It looks so realistic to me. From my expression to my uniform that I am wearing. Akong ako talaga!
Paano niya nagawa 'to? Ang galing niya! Knowing that he only did this for thirty minutes. Paano pa kung may sapat na oras siya para dito?
Binitawan ko ang drawing niya tsaka palakpak.
"Okay I admit I loss this round." sabi ko sabay tingin sa kanya. "You have the talent in art pala?"
"Not really" aniya "You also have a nice artwork here." sabay pakita sa'kin nung ginawa ko.
Agad naman akong umiling.
"Mas maganda ang ginawa mo. Akin na 'to ha?" sabi ko sabay ipit nung sketch niya sa sketchpad ko.
"No no" pag pigil niya sana ngunit huli na siya dahil mabilis kong tinago ang ginawa niya. "I'll make you a better one." pahabol pa ne'to.
Ngumiti ako "Sure, i'll see if you were just lucky today."
He scoffed while looking at me and shrugged.
"Anyway, since I loss the bet. You can choose a date that you want. Just tell me."
Hindi siya kaagad nakasagot sa'kin. Tahimik siyang uminom ng kape bago inangat sa'kin ang tingin.
"I'd like to change the bet that we agreed earlier."
Kumunot noo ako. "What is it?"
"I'll take the day off, but I wanted to go somewhere with you."
"Huh?" takang taka kong sabi tsaka mariin ko siya tiningnan.
"If you'll allow me, I want to go on an art musuem with you." he huskily said without tearing off his gazes on me. "Let's watch an art exhibition Nikka."
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pero nung sinabi ni Ford sa'kin 'yon ay tila naging madilim ang buong paligid at siya na lang ang natitirang nakikita ko.
I can't even hear the surroundings, my heart that is harshly pounding inside my chest was the only thing that I can hear as of the moment.
My face heated when I realize something.
Is he asking me on a date?