"Good morning apo." rinig kong bati ni lola Celia sa'kin nung natanaw niya akong pababa sa staircase.
Sabado ngayon, kahit maaga pa ay abala na siya sa gawaing bahay. Not literally na si lola ang nag lilinis ng buong bahay namin, she is more on giving tasks to the younger ones here.
Simula kasi nung nag karoon ng mild stroke si lola Celia nung junior highschool palang kami, napag kasunduan ng mga magulang ko na wag na ulit pagtrabahuin si lola Celia sa bahay, her health was our first priority that time 'til now. But they are still welcome to stay here in our house, kahit na tuluyan na nga siya mag retiro.
But when she knew about our plan for her, she immediately declined it. Lalong lalo na't nung nalaman niya na ipagpatuloy parin nila dad ang pagsuporta nila sa pag aaral ni Monique hanggang sa makapag tapos ito.
Hindi naman 'yon big deal sa'min dahil malaki ang tulong ni lola sa pamilya namin. From her loyalty and service to our family for the past years.
Hindi daw siya papayag na kunin ang pera ng mga magulang ko nang hindi niya 'yon pinaghirapan. Even Monique suggested to work instead of her, para pumayag lang siya na wag nang mag trabaho at mag pahinga na lang. Ngunit hindi pa'rin siya pumayag. She wanted her grand daughter to focus on her studies instead.
Kaya ang ending, napagkasunduan nang dalawang side na mag trabaho si lola Celia once her health is stable. But my parents gave her a lighter work compare before. Siya na ngayon ang nag uutos sa mga baguhang empleyado namin dito sa loob ng bahay.
She makes sure that everything is neat and clean.
"Good morning lola." lumapit ako sa kanya atsaka kinuha ang kamay para ilapit sa noo ko. As a sign of my respect to her.
"Breakfast is ready, kumain ka na."
"Opo. Sila mommy at daddy nakaalis na po ba?"
Umiling siya "Nasa dinning area sila."
Tumango ako tsaka nginitian siya.
When I entered our dinning area I saw my dad and mom busy eating their breakfast.
Isa isa ko silang binati atsaka hinalikan bago umupo sa tabi ni dad.
May agad na lumapit na kasambahay para salinan ako ng fresh apple juice.
"Thank you." I said
"How was your school sweetie?" my mom asked.
I finish putting the strawberry jam to my toasted bread first before looking at her.
"Okay lang po mommy"
"Hmm, that's great." aniya "Nga pala I had conversation with Warren last night." pagumpisa niya.
Inumpisahan ko na ang pagkain ko ng sandwich. I don't know who is Warren kaya hindi ko na masyadong inintindi 'yon.
"Nagkausap kayo? Ba't hindi mo sinabi?"
Napatingin ako kay dad. He puts his mug on the table before looking at my mom.
Pansin kong nanliit ang mata ni daddy, ngunit walang pakealam si mommy.
"You're in the middle of a meeting yesterday when he visited my office. Nikka.." pag agaw niya ng atensyon ko "Nakauwi na 'raw ang pamangkin niya."
I didn't say anything, waiting for her to finish her sentence. Atsaka hindi ko kasi kilala kung sino ang tinutukoy niyang Warren.
"You can meet his nephew kung kailan mo gusto."
My brow furrowed as I tried to digest what my mom said.
"Is this the first born Montenegro mom?" I curiously ask.
"Of course sweetie"
Tumango ako "Okay mom, I'm free next saturday." sabi ko
"Alright, i'll tell Warren —"
"I'll be the one to tell Warren about this." pag putol ni daddy sa sasabihin ni mommy.
"Okay fine whatever!" My mom rolled her eyes "Ang seloso mo pa'rin kahit kailan Sky"
tahimik ko silang pinagmasdan at sa bandang huli natawa na lang ako.
Pagkatapos kumain, umakyat na ako para makaligo at makapag bihis.
Plano ko kasi na uubusin ang buong araw ko sa loob ng aking condo, pakiramdam ko kasi next week hindi ko na ito magagawa.
Maliban sa makikipagkita ako sa tinutukoy nilang Montenegro, nalalapit na'rin ang exams namin kaya mag fofocus na ako sa pag rereview.
I wore a maroon fitted croptop, maong shorts and a pair of black sneakers.
Nung nakalabas na nang bahay, nakita ko kaagad si Ford, abala sa pag pupunas ng sasakyan.
Hindi pa niya alam na lumabas na ako ng bahay kaya mas lalo akong lumapit sa kanya.
"Ford I need to go somewhere." sabi ko
Umayos siya ng tayo bago pinasadahan ng kanyang kamay ang kanyang buhok tsaka niya ako hinarap.
"Can you give me five minutes? Mag bibihis lang ako." he said as he wiped his hand on his jeans.
Tahimik ko siyang pinagmasdan sa ginagawa. He was working under the sun kaya hindi maiiwasan na parang gripo kung tumulo ang pawis niya.
"Sure" pag sangayon ko. Mas mabuti ngang makapag bihis muna siya bago kami tumulak. Hindi naman ako nag mamadali kaya wasting five minutes won't hurt me that much. "Just call me when you're ready." Sabi ko bago lumakad papunta sa swimming pool area
I don't want to disturb everyone doing their chores kaya imbes na pumasok ulit sa bahay ay minabuti ko na lang na tumungo sa swimming pool area namin.
Umupo ako sa isang rattan sofa bed kaharap ng swimming pool. May katabing malaking umbrella kaya kahit sobrang tirik ng araw ay hindi ako maiinitan dahil dito.
There is someone cleaning our pool, she slightly bow down her head when she saw me. Ngitian ko ko siya at hinayaan sa ginagawa.
Nakita ko 'rin si Monique kanina tumutulong sa pag pupunas ng mga pinggan sa kitchen. She wasn't suppose to work, ngunit nakasanayan niya nang tumulong sa gawaing bahay sa tuwing weekend at walang pasok.
It was indeed after five minutes when I saw Ford walking towards me.
Tumayo na ako atsaka 'don ko na napansin na nakapag bihis na siya. He is now wearing his usual outfit. Black well fitted round shirt, jeans and a pair of shoes.
Nung napansin niya akong papalapit sa kanya ay 'don lang siya tuluyang nag lakad. Papunta sa garage.
He was leading our way, tahimik naman akong nakasunod sa kanya. He open the car door for me, agad naman akong pumasok. I saw him talking to one of our boys before walking towards the driver seat.
"Saan tayo?" he said while turning his head on me as he pull the seatbelt.
"Condo." maikling sagot ko.
"Until what time?"
"Around 4:00pm."
"Alright."
Pagkarating namin sa condo, compare sa naunang punta ni Ford dito, hindi na niya pinilit na samahan ako hanggang sa loob ng unit ko. I think he already know his job.
Hindi na siya nag abala pang bumaba sa basement ng condo building, instead sa labas ng lobby lang siya tumigil.
"4:00pm" I reminded him when I get out of my car.
"4:00 pm" pag ulit niya sabay tango.
Mag isa akong pumasok sa building, when I entered my unit agad akong nag suot ng apron para hindi matalsikan ng acrylic paint ang damit ko.
Nakalimutan kong ang scrunchie ko sa bahay kaya kumuha na lang ako ng isang pencil at 'yon ang ginamit ko pang ipit sa buhok.
I sit on a round chair at nag handa na para simulan ang huling piece ko.
I just let my hand do the work, bahala na kung ano ang kalalabasan ne'to.
On the upper part of my canvas, I was just playing the color red,orange,yellow and white. Hanggang ngayon hindi pa kasi ako sigurado sa gusto kong gawin.
Hours had passed, I stopped painting to straighten my back and tilted my head. At para makita ko ng maayos kung ano ba ang kinalalabasa sa pag lalaro ko ng mga kulay.
It gave a sunset like view to me, and because of the colors it turns to be an amber like sky. Hindi ko alam kung baki, but someone's eye popped out through my head.
Ba't ngayon ko lang 'to pumasok sa isipan ko.
Dali dali kong kinuha ang isang blank 4x4 canvas, I put my first unfinished piece at the side and put the new blank canvas on my easel, and started to draw a curve line.
The color that I chose was still the same as earlier, white, orange,yellow and red. I am planning to draw his eyes, but if you'll look at it carefully to this piece. You will notice that instead of his iris, you'll see an ocean having a sunset on it. The color of the sky reflected on the ocean.
It was 3:30 pm when I decided to stop. I close my eyes and move my head from side to side. Nangalay ang buong katawan sa ilang oras kong pag pepaint.
I gently put my wooden palette on the side to look at my piece after.
Hindi pa tapos pero naiimagine ko na ang kung ano ang magiging kalabasan ng painting ko na 'to.
Tumayo na ako at agad na tumungo sa masters bedroom para makaligo at maalis ang mga tinta na nasa kamay. Pero bago pa ako makapasok sa bathroom ay tinext ko na si Ford na malapit na akong bumaba.
Nung nakalabas, nakita ko na siyang nag aabang sa'kin.
When our eyes meet, agad niya akong pinagbuksan ng pinto.
Nagulat pa ako nung may inabot siyang paper bag sa'kin.
"What is this?" nag tatakang tanong sa kanya.
"Your food. Baka hindi kapa nakakain." sa mababang tono.
"Uh. Thank you" ang nasabi ko nalang.
Humilig ako sa backrest pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse, while the paper bag is on my lap. ngayon lang ata nag sink in sa katawan ko ang pagod na natamo sa ilang oras kong pag babad sa pag pepaint.
One of these days, baka kakailanganin kong matulog sa unit para tapusin ang piece na 'yon.
"Uuwi na tayo?"
"Hmm" sabi ko habang nakapikit pa'rin.
Mabilis lumipas ang mga araw, I became busier from school works to finishing my piece.
Hindi ko na pansin ang paglipas ng mga araw sa sobrang dami ng iniisip ko.
I am wearing white longsleeve off shoulder as my inner top, pinatungan ko na lang ng black fitted string strap dress. Hinayaan kong bumagsak ang buhok ko, I just put some hair clip on it to add a volume, atsaka para hindi maging mukhang flat ang buhok ko kahit papaano.
Nakapag lagay na'rin ako ng light make.
Hindi ako sanay sa ganitong ayos, I prefer shirts and shorts. Ngunit hindi naman maganda kung ganon ang isusuot ko sa unang meet up ko sa Montenegro na tinutukoy ng mga magulang ko.
Well, kahit na friendly date lang ito, I still wanted to look presentable. At least!
"Ford" pag agaw ko ng attensyon niya sa kalagitnaan ng biyahe namin papunta sa isang restaurant kung saan kami magkikita ni Montenegro.
Didn't say a word, he just looked at me through the rear view mirror.
"Gusto kong sumama ka sa'kin sa loob."
I saw his brow furrowed, while his eyes is on the road.
"Not literally sit on our table, pero gusto kong nasa malapit ka lang."
Kahit na kilala ng mga magulang ko ang pamilya niya, he is still a stranger to me. Paano kung masamang tao pala siya at may masamang balak sa'kin?
I wanted to make sure about my safety, kaya mas mabuti kung isasama ko si Ford sa loob.
I looked at my compact mirror for the last time when the car stopped infront of a luxury hotel. Tila gusto ko pang umatras sa dinner date na'to.
Why did he choose to eat here? Ang dami ng restaurants, why here? Bakit sa isang hotel pa?
Dahan dahan akong nag lalakad papasok sa lobby, siguro napansin 'yon ni Ford kaya kunot noo niya akong nilingon.
"Is there a problem?" nag aalalang tanong niya.
The hotel was indeed high class. Mula sa mga chandeliers, uniform ng mga empleyado atsaka sa mga clients mismo na naka check in dito. Halatang mayayaman at may posisyon sa lipunan.
Imposibleng mayroong krimen na nagaganap dito.
"Nothing" I shake my head "let's go."
Ang huling paalala sa'kin ni mommy ay sa loob ng restaurant niya daw ako hihintayin ni Montenegro.
Kaya naman agad na kaming tumungo ni Ford sa restaurant.
"Good evening ma'am" nakangiting bati ng isang empleyado sa'min sa tanggapan. "Any reservation?"
I smiled "Good evening. Reservation for mister Montenegro please."
mabilis na tiningnan nang babae ang kanilang monitor para iconfirm kung mayroon ngang reservation na ganon.
Pagkatapos ng ilang segundo ay muli niya akong tiningnan nang nakangiti. "I'll lead you to your table ma'am."
"Do you still have a vacant table inside?" pagpigil ko sa kanya nung papalabas na sana siya sa kanyang pwesto.
"Any reservation ma'am?"
Tila kinabahan ako p ako 'don dahil nga biglaan lang na gusto kong isama sa loob mismo ng restaurant si Ford. Kaya hindi ako nakapag reserve ng table in advance para sa kanya.
"No, sorry."
"For a while ma'am. Let me check it first."
"Thank you." nakangiting sabi ko.
Habang nag hihintay, napatingin ako kay Ford. I thought he would be out of place, but surprisingly he blends well with the people here.
Wearing a button down polo and a slacks, he looks like he belongs in this kind of society.
Ewan ko ba kung bakit ko nasasabi ito pero he has this kind of elite aura on him.
"Ma'am we have a vacant table for one."
Laking pasasalamat ko nung narinig ko 'yon mula sa crew. Kaya naman tuluyan na kaming pumasok sa restaurant.
The restaurant was full of people. You can hear a live orchestra band playing.
Tahimik lang kaming nakasunod hanggang sa huminto ito sa tabi ng isang table.
Kinabahan ako nung nakita kong may isang lalaking nakaupo don. Hindi ko makita ang mukha dahil naka harap siya sa kabilang banda.
But this is really happening, i'm finally gonna meet this Montenegro guy.
When he noticed the staff he looked at her. May sinabi ang staff sa kanya kaya nilingon niya ako.
Saglit akong nataranta nung nag tama ang tingin namin sa isa't isa. Napaayos ako nang buhok atsaka tumikhim nung tumayo siya.
He is wearing a grey dress shirt folded until his elbow. His hair is properly waxed kita ang noo. He also got this deep eye and thick brow.
"You must be Nikka." pag umpisa niya sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan ko na agad ko namang tinanggap. "I'm Eli by the way. Eli Montenegro." pormal na pakilala niya.
"Nikka.. Nikka Delos Santos." pakilala ko. Pagkatapos niya akong tingnan ay napunta sa bandang likod ko ang atensyon niya.
Alam ko kung kanino siya nakatingin kaya naman muli akong nag salita.
"I'm with my driver, if you don't mind." I akwardly smile after "but don't worry, sa ibang table siya uupo, hindi sa table na'tin."
He looks at Ford a bit bago sa'kin.
"I don't mind Nikka. Is he really your driver?" ulit pa ne'to
"Uhh yes"
Kumunot ang noo ko nung napansin kong pilit niyang tinatago ang kanyang ngiti. Nung nilingon ko naman si Ford ay wala man lang itong reaksyon. Taas noong nakatingin lang ito sa malayo.
Anong nginingiti niya? Wala naman nakakatawa ah.
Ngunit nung ibinalik ko ang tingin kay Eli pansin ko ang pagkakahawig niya kay Ford. Even their skin tone is similar to each other. Ang pinagkaiba lang ay mas matangkad si Ford kesa kay Eli.
Ano ba naman 'tong pumapasok sa isipan ko, walang ka kwenta kwenta. I shrugged at hindi na ulit inabala pa ang sarili na isipin ang tungkol 'don.
Eli pulled a chair for me to sit. Habang si Ford naman ay sumunod na sa crew papunta sa bakanteng mesa na tinutukoy.
"Thank you" I said sabay lagay ng dala kong clutch bag sa gilid.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gagawin pagkatapos. I tried to date a lot of boys but kadalasan nasa campus area lang nangyayari.
It might sound unbelievable, but this is my first time to meet someone in this kind of atmosphere. Fine dinning.
That's why i'm not pretty sure if magiging smooth ba ang pagkikita namin na ito o hindi.
"Let's order first?" umpisa niya. Tumango naman ako kaya agad niyang tinaas ang kanyang kamay para tawagin ang isang waiter.
"Hi good evening" he said to the waiter before looking at me. "What do you want to eat?"
"Uhmm"
I immediately scan the menu, everything looks delicious but napapaurong ang dila ko sa tuwing nakikita ko ang price ne'to.
Wagyu beef worth five thousand pesos. Ilang grams lang. Tapos ang kanilang ceasar salad pumapatak sa eight hundred.
Anong klaseng halaman kaya to? Ba't ang mahal naman.
I have my cards with me ngunit hindi ko ata maeenjoy ang pagkain dito dahil sa sobrang mahal. I prefer a local restaurant than eating here
I close the menu then looked at Eli who is patiently waiting for my order.
"Can I have ceasar salad and an orange juice please." nakangiting sabi ko sa waiter
"Is that it?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Hindi dahil sa nag didiet ako or what. Pero sobrang na bobother talaga ako sa pricing ng mga pagkain nila dito. Kaya ceasar salad na lang ang napili ko dahil 'yon lang ata ang pinakamurang pagkain na nakita ko sa menu.
"Yes" sabay tulak ng menu palayo sa'kin.
"Hmmm. I'm not fine with it." he pursed his lips as he scan the menu once more. "I'll order for you. Is that okay?"
"Uhhmm"
"It's fine I got this." sabi pa niya bago tiningnan muli ang waiter. "I'll take the ceasar salad and two A course meal please."
"Ceasar salad and two A course meal." pag ylit nung waiter
Pagkatapos 'nun ay umalis na ang waiter. Leaving us both alone in our table.
Kahit anong ingay ng mga tao sa paligid at ng orchestra ay pakiramdam ko sobrang awkward pa'rin namin.
Wala ni isa samin ang may lakas loob na sirain ang katahimikan.
I kept myself busy by scrolling my social media accounts. Ganun din ang ginawa niya hanggang sa dumating na ang pagkain namin.
"Okay lang ba ang pagkain?"
Malapit na akong mag pasalamat sa taas nung nag salita si Eli.
I wiped the corner of lips first before looking ay him.
"It's delicious." maikling sagot ko.
"That's great. Anyway, I heard from my uncle that you're in your last year in college."
Tumango ako "Ano nga pala ang trabaho mo? Kakauwi mo lang ng Pilipinas hindi ba?"
Ang alam ko nasa ibang bansa pa siya nung nakaraan kaya ngayon lang kami nagkita. Ngunit wala akong ka ideideya kung ano nga ba talaga ang trabaho niya. Ngayon ko nga lang nalaman na Eli pala ang pangalan niya.
"Ganun ba ang sinabi nila sa'yo? That i'm out of the country for work?"
May tuwa sa boses niya na ikinataka ko.
Sa pagkakatanda ko 'yon ang sinabi nila mommy sa'kin. Bakit may mali ba?
"That's what my parents told me." he raised both of his brow before sipping the wine that he ordered. "What's your work by the way."
"I handle one of my family business."
"Which is?"
I swear, I might sound rude and dumb here tonight. Dahil wala talaga akong kaalam alam sa lalaking kaharap ko ngayon.
Dapat ay kinausap ko si mommy tungkol sa kanya. Sa ganon masabi niya na hindi ako napipilitan sa meet up namin ngayon.
He chuckled "My family owns a security agency and a construction firm. But I manage the agency while my cousin is the one who handles the firm."
"Cousin? Wait" I trailed off "Are you related to Engr Montenegro?"
Naalala ko na siya ang engineer incharge sa isang renovation namin sa D'mall.
Hindi niya ako kaagad sinagot, sa halip ay muli niyang ininom ang wine habang nakatingin sa isang banda.
Nung sinundan ko 'yon ng tingin ay nakita ko si Ford, nakaupo sa hindi kalayuang table.
He was also starring at us intently.
"Unfortunately yes" natawa si Eli sabay tingin sa'kin. "He's my first degree cousin."
Tumango ako
Patuloy kaming nagkausap ni Eli hanggang sa tuluyan na naming naubos ang pagkain na inorder niya.
Nakaramdam pa ako ng hiya nung tinanggihan niya ang alok ko na makihati sa pag bayad ng kinain namin. Pati na'rin ang kinain ni Ford siya na ang nag bayad.
"It was nice meeting you, I hope you enjoyed our dinner Nikka." he said when we went out of the restaurant.
Tumigil ako sa pag lalakad tska ngumiti "Thank you for tonight."
Sabay kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa labas ng hotel. Muli ko siyang hinarap.
"Uhmm mauna na ako." nahihiyang saad.
Dahan dahan siyang pumikit tsaka tumango.
"Take care." He stepped closer.
Namilog ang mata nung tuluyan niyang nilapit ang kanyang pisngi sa pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Bahagya akong nataranta.
It was just a friendly gesture Nikka. Calm down!
Pilit ko siyang nginitian, nung nailayo niya na ang mukha niya sa'kin.
"T-take care Eli. Alis na ako." paalam ko trying my best to sound so normal.
Tumango ito sabay sulyap sa katabi ko na si Ford.
May ibinulong siya ngunit hindi ko man lang 'yon narinig.
Kumunot noo si Ford habang natawa naman si Eli.
Pagkatapos 'non ay pinagbuksan na ako ni Ford ng pinto. He didn't say a word but he looks like he was pissed or something.
Kumabit balikat na lang ako, at minabuti nang pumasok sa kotse.