Mharimar's POV Tapos ko ng linisin ang opisina ni Serene kaya nagpahinga na lang muna ako dito sa locker room. Nagugutom at napapagod na ako. Ang bilis kong mapagod ngayon. "Mga baby ko, gutom na ba kayo?" hinaplos ko ang aking tiyan at kinausap ito na para bang naririnig nila ako. Napangiti na lang ako sa kabila ng pait na nararanasan ko ngayon. Hindi ko na nga namalayan tumulo na pala ang luha ko. Sa kabila ng pagtulo nito ay napangiti pa rin ako. Kakayanin ko 'to. Kaysa umuwi ako sa Probinsya na walang napala. Magiging pabigat lang ako sa pamilya ko kapag umuwi ako doon na walang-wala. Tapos malalaman nilang buntis ako. Ayaw ko ng bigyan pa ng problema si Inay. Sapat na sigurong ako na lang ang haharap sa problema kong ito. Napahawak ako sa aking noo. Hindi ko akalain na aabot

