Mharimar's POV "A-ang totoo...sa kaibigan ko ang gamot na 'yan." pagsisinungaling ko. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang dahilan na 'yon. Sana huwag na siyang magtanong pa. Natahimik siya habang tinititigan ako ng matalim, para bang inaalam kung nagsasabi ako ng totoo. Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras naman ako. "Nagsasabi ka ba ng totoo?" kaagad siyang nakalapit sa akin ng wala na akong maatrasan. Hinaplos niya ang aking panga. "Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka sa akin. Alam mo na kung anong mangyayari sa 'yo, Mharimar. Ayokong magkaroon ng asawa na nabuntis ng ibang lalaki. Lalong ayokong magkaroon ng bastardo." mariing sabi niya kaya napaawang ang labi ko. Nabuntis ng iba? Bakit ganoon ang iniisip niya? May nangyari sa amin ng ilang beses. Bakit ibang lalaki an

