Dr. Victor Drayke is a renowned cardiologist who owns several hospitals in the Philippines.
He is half-Filipino, half-Mexican, standing at six feet four inches tall.
With blonde hair and green eyes, he is always seen in a doctor's uniform, his face often displaying a serious expression.
----🖤----
Pagkatapos ng board meeting sa ospital, agad na umalis si Dr. Victor Drayke. Habang naglalakad palabas, kasunod niya ang ilang bodyguard. Bigla namang tumunog ang kanyang cellphone, kaya't agad niyang dinukot ito mula sa kanyang bulsa.
"Hello, Arnulfo. Palabas na ako, pakihanda ang sasakyan.." tugon ni Dr. Drayke na halos walang emosyon ang mukha.
"Dr. Drayke, nakahanda na po. Tumawag ako para ipaalam ang ipinabatid sa akin ni Ernesto. May nagtangkang manloob sa mansion, at ang tinangkang kunin ay ang puso ni Ma'am Arabella na naka-preserve sa laboratoryo. Mabuti na lang at hindi nila nakuha iyon, pero nakatakas ang gumawa ng insidente," nag-aalala na pagsasalaysay ni Arnulfo sa kabilang linya.
Sa narinig kay Arnulfo napakuyom ang dalawang kamao at umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. At sa tindi nang pagkakakuyom halos hindi niya namalayan nasira ang hawak na cellphone na nasa tenga kaya't hindi na siya nakasagot rito. Huminga ng malalim at inabot iyon sa isa sa mga bodyguard upang ipatapon ang nasirang cellphone sa basurahan. At matapos ang senaryong iyon nagtungo sila kinaroruonan ng kanyang drayber.
( Miss Universe 2025 )
Sa kasalukuyan, idinaraos ang Miss Universe sa bansang Pilipinas, kung saan mga kababaihan mula sa iba't ibang bansa ang nagtatanghal ng kanilang kagandahan at talento. Kasama rin sa kompetisyon ang ilang kagalang-galang na hurado mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang buong bansa ay nagkakaisa sa pagsuporta sa pambato ng Pilipinas, si "Jenie Sweet Batara". Patunay dito, ang iba ay naglakbay pa upang personal na manood ng Miss Universe 2025, habang ang iba naman ay nakatutok sa telebisyon sa kanilang mga tahanan upang ipakita ang kanilang suporta.
"Sebastian, it's the Question and Answer portion now... I'm a bit nervous." saad ni Charimel, na make-up artist and fashion designer at kaibigan ni Jenie.
"Oh, my God! Kaloka ka, Charimel.. Kailangan talaga i-mention mo ang aking buong pangalan? Pwede naman, Seb? Para kahit papano vìrgìn pakinggan.." tugon ni Sebastian, na manager ni Jenie at kaibigan rin nang dalaga.
Habang sinasabi iyon ni Sebastian pumipitik ang mga daliri nito at nakataas ang kanang kilay at nakatingin sa harap ng mga nagagandahang kandidata.
"Sorry na bakla! Kabado lang ako kaya nabanggit ko tuloy ang real name mo. Nakalimot ako na isa ka nga pa lang ligaw na bulaklak na bumagsak sa universe.." natatawang wika ni Charimel, habang nakatingin sa baklang kaibigan.
"Kaloka! Sige, ipagsigawan mo pa sa buong universe na bakla ako.. Anyway, don't worry. Jenie can handle the Question and Answer portion. Siya ang pinaka matalinong kandidata na dumaan sa mga kamay ko, kaya alam kong kaya niya." pabirong wika ni Sebastian, na bahagyang inirapan ang kaibigan.
"Sebastian is right; my daughter can easily handle the question and answer portion. She is "Jenie Sweet Batara", the smartest and most amazing in the entire universe." Nakangiting pagsang-ayon ng ama ni Jenie kay Sebastian, habang proud na proud ito na nakatingin sa kinaroroonan ng anak.
"Isa ka pa, Tito Charle.. Kaloka.. Pwede ba'ng Seb na lang? Tumatayo ang mga balahibo ko sa tuwing tinatawag n'yo ako na Sebastian.." saad nito na inirapan ang ama nang kaibigan.
Matapos na marinig 'yon ni Sebastian napailing at napangiti na lang si Don Charle, habang si Charimel naman ay humahagikhik nang tawa at nakatakip sa bibig ang isang kamay.
"Oh, my God! Ngayon pa talaga siya wala? Ito ang pinaka importanteng chapter sa buhay ko, kaya't dapat naririto ka Aiden.. You promised me that you would catch up, but why is there still no sign of you until now?"
Sa isip niya tumatakbo ang lahat ng iyon habang nakatayo, naka posing at nakatingin sa mga tao at sa mga hurado. Kahit nagpaalam sa kanya si Aiden na mahuhuli ito di pa rin maalis sa isip ang magtampo. Ilang taon niyang hinintay ang pagkakataon na ito kaya't gusto niya naroro'n ang lahat ng mga mahal niya sa buhay. Mabuti na nga lang at naririto ang buong Team Batara at ang daddy niya kaya kahit paano naiibsan ang kaba na nadarama niya. Pasok siya sa top 3 ng Miss Universe kaya na sa question and answer portion na ngayon. Bukod sa kanya nakapasok rin ang mga pangbato ng America at Brazil. Hindi niya inakala na papasok siya dahil halos ang ilang award ay napunta sa kanya. Ayon sa karansan ng ibang kandidata kapag nakakuha daw ng maraming award ay sigurado na hindi papasok sa top 3. Napatda ang mga tumatakbo sa isipan ng lagyan siya sa tenga ng sound proof headphone kaya't napahugot ng malalim na buntong hininga. - Jenie
"Okay.. It's time for your final word, Brazil! Please join.." wika ng host sa Miss Universe.
Kaagad na naglakad ang kandidata ng Brazil palapit sa host at kaagad nitong kinuha ang microphone na inaabot nito.
"Brazil, get ready! Here is the question.. If you had to choose between love and career, which would you pick and why?" saad ng host, sabay abot kay Miss Brazil ng microphone.
"For me, I would choose my career. Because in this world, without a career, you won't have financial stability. And if you don't achieve anything in life, people will look down on you. Thank you!" Sagot ni Miss Brazil, sabay ngiti sa host at sa mga taong naroro'n.
Pagkatapos ni Miss Brazil ang sumabak sa question and answer ay si Miss America.
"America, here is the question. If you had to choose between love and career, which would you pick and why?" saad ng host sabay abot rito ng microphone.
"I would choose my career because it provides me with the freedom and opportunities to build a stable future. However, love is also important, and I will make sure to nurture meaningful relationships while pursuing my professional goals. That’s all, thank you!"
Pagkatapos sumagot ni Miss America katulad ka'y Miss Brazil dumangundong ang malutong na palakpakan para sa kandidata.
"And the last candidate, the Philippines!" wika ng host na halos mapunit ang labi, habang nakatingin sa papalapit na presensya ni Miss Philippines.
"Oh, God! Help me to get a crown!"
Matapos sambitin nang pabulong ang katagang iyon pa buntong hininga na napapikit dahil halos mabingi sa sigawan at palakpakan ng mga Pilipino na naroro'n upang bigyan siya ng suporta. Kinakabahan pero hindi pwedeng magpatalo sa kaba dahil nakasalalay sa kanya ikapapanalo ng Pilipinas.
"Philippines, get ready for the question..
If you had to choose between love and career, which would you pick and why?" usal ng negrong host, sabay abot sa dalaga ng microphone.
"Thank you, for the wonderful question.. I would choose love over my career because, for me, a career is meaningless without love. It doesn't mean that choosing love means giving up your career. Love, true love, gives strength and inspiration. When we are in love, nothing is impossible—everything becomes possible, especially when what we do is filled with dedication and love.That's all, thank you!"
Matapos masagot ni Jenie ang question and answer halos magwala ang mga Pilipino na naroro'n, kabilang na ang daddy nito at ang mga kaibigan ng dalaga.
"Charimel, I Told you! She nailed it! I love her answer.." natutuwa usal ni Sebastian, habang nakatingin sa mga mata ng kaibigan at hawak nang mahigpit ang mga kamay nito.
"Grabee... Ang galing ng sagot ni Jenie. Ewan ko na lang kung hindi pa niya maiuwi ang korona ng Miss universe.." saad ni Charimel na kumkinang ang mga mata, habang nakatingin sa mga mata ni Sebastian.
"Malakas ang paniniwala ng puso ko na ang aking anak ang mananalong Miss Universe.. Sa kanilang tatlo, si Jenie ang may pinaka magandang sagot.." Sabad ni Don Charle sa magkaibigan.
Makikita sa ngiti ng labi at mga mata ng don kung gaano kabuo ang paniniwala ng puso nito na ang anak ang magwawagi sa Miss Universe. Nakangiti sina Sebastian at Charimel habang nakatingin sa matanda.
( Miss Universe 2025 Winner Announcement )
Hindi lamang ang entablado ang dumadagundong, kundi pati na rin ang mga puso ng lahat ng naroroon. Nang tinawag ang Brazil bilang isa sa top 3, tumaas ang tensyon sa buong arena. Ang natitira na lamang ay ang Amerika at Pilipinas. Habang mahigpit na magkahawak-kamay ang dalawang kandidata, ang kanilang mga mata ay mahigpit na nakapikit, nagdarasal at naghihintay sa sandaling iyon – ang pag-anunsyo ng magiging Miss Universe.
"And the winner of Miss Universe 2025 is... [Jenie Sweet Batara] from the Philippines!"
"Oh my God! Is this really happening? Did I actually win?"
Mahinang bulong niya habang niyayakap siya ni Miss America.
"Yes, you are the winner of Miss Universe 2025! Congratulations!" nakangiting bati ni Miss America sa dalaga.
"Thank you! Congratulations to both of us!" tugon ni Jenie, sabay ngiti sa kalabang kandidata.
Nang mailagay sa ulo ng dalaga ang korona bilang Miss Universe, halos magliyab sa tuwa ang kanyang ama at mga kaibigan nito. Ang mga Pilipinong naroroon ay hindi rin napigilan ang kanilang saya, na nagdala ng labis na kaligayahan at pride sa buong bansa.
"Tito Charle, she secured the crown! She showcased to the world the intelligence and brilliance of Filipino women!" wika ni Sebastian na nagtatalon sa tuwa.
"Syempre, anak ko 'yan! At sa angkan ng Pamilyang Batara, lahat matalino." tugon ni Don Charle, habang makikita sa mga mata ang pagka proud sa unica hija nito.
"You're right, Tito Charle. Bukod sa matalino si Jenie.. Napakaganda niya, sobra.. Ang Ana De Armas ng Pilipinas!" saad ni Charimel, habang nakatanaw sa magandang kaibigan.
"Kung sana lang talaga naging babae ako. Tas kasing ganda ko si Jenie.. Ay naku, titikman ko lahat ng gwapong lalaki sa buong universe.." pabirong sabi ni Sebastian, habang ang mga daliri nito ay di malaman kung saang direksyon papunta.
Natawa at napailing na lang sina Don Charle at Charimel sa baklang manager ni Jenie.
( At The Drayke Mansion )
Parang walang nangyari sa mansion dahil matapos na may magtangkang magnakaw ng puso ni Arabella. Bumalik sa panonood ng Miss Universe sina Ernesto at ang mag-asawang Adora at Isidro.
"Ala eh, pagkagaling ng pambato ng Pilipinas." tuwang tuwang sabi ni Adora, habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon.
"Aba eh, oo.. Mananalo ga iyan kung hindi.. Ikaw talaga, Adora. Ewan ko saiyo eh!" wika ni Isidro na kinindatan ang asawa, sabay ngiti rito.
"Tama ka, ho' Ka Isidro. Sino gang boyfriend ng magandang dalaga na iyan?" singit ni Ernesto sa usapan ng mag-asawa.
Sa sinabi ni Ernesto napakunot noo ang mag-asawang Batangueño at umabot sa punto na nalukot pati mukha ng mga ito.
"Ba't ga tinatanong mo kung sino ang boyfriend ni Miss Universe 2025?" pag-uusisa ni Isidro.
"Naisip ko laang itanong, gawa nang napakaganda baga ng bagong Miss Universe natin.. Tunay na napakaswerte ng magiging asawa niya." Buong paghangang sabi ni Ernesto sa kandidata, habang nakatutok ang mga mata nito sa telebisyon.
Sasagot pa sana ang mag-asawa kay Ernesto ng dumating sa mansion si Dr. Drayke. Salubong ang dalawang kilay at madilim ang mukha nito. Ang kulay berde ng mga mata ng doktor ay halos lumuwa iyon sa tindi nang galit nito.
"Hindi ko kayo pinapasweldo para manood lang ng lintik na Miss Universe na 'yan! Kaya may nagtangkang magnakaw ng puso ng asawa ko, dahil ito kayong lahat nakatutok sa telebisyon!" mariin na wika ni Dr. Drayke, na nagtagis ang mga bagang nito.
"A-la eh, pasensya na ho' Dr. Drayke. Kami ay nawili sa panonood ng Miss Universe. Sa sobrang tutok namin lahat sa panonood, aba eh, hindi namin namalayan pinasok na pala ang mansion." saad ni Ernesto na halos hindi magawang tumingin sa mga mata ng doktor.
"Pasensya na, Dr. Drayke. Ala eh, gusto lang namin magbigay ng suporta sa pambato ng Pilipinas.. Sino nga naman mag-aakala na papasukin tayo ng magnanakaw. At ang tinangka pang kunin ay ang puso ng asawa mo eh. Tunay na kataka-taka ho 'yon." ani ni Isidro, habang nakatungo pa rin siya.
Pagkarinig sa sinabi ni Isidro, parang biglang bumaba ang dugo niya, mula ulo hanggang talampakan. Tulad ni Isidro, naisip din niya ang sinabi nito. Itinaon pa sa Miss Universe ang insidente dahil alam na magiging abala ang mga tao niya sa mansion. Sa dami ng mga bagay na pwedeng nakawin sa mansion, bakit ang puso pa ng pinakamamahal niyang asawa ang tinangkang kunin? Bakit ang puso ni Arabella? Hanggang kamatayan, may mga taong gustong angkinin ang kanyang asawa? Hanggang sa huling hininga, hindi siya papayag na mawala ang puso ng asawa niya.
"Tama 'ka, Isidro. Nakakapagtaka talaga eh! Paano nalaman nung magnanakaw na may naka-preserve na puso sa laboratoryo?" pagsang-ayon ni Adora sa asawa na napakunot ang noo nito.
"Di ga ho' uso ngayon ang bentahan ng mga organ. Ika nga, sindikato kung tawagin." saad ni Ernesto.
"Tamà na! Magsibalik na kayo sa trabaho n'yo. Adora, dalhan mo ako ng isang tasang tsaa." mariin na utos ni Dr. Drayke, habang nakasalungso ang dalawang kamay sa bulsa.
Sa muling pagsasalita ni Dr. Drayke, parang kumidlat ng malakas, dahil, nagulat ang tatlo at halos umangat ang mga balikat nila.
"Masusunod ho, Dr. Drayke." sabay-sabay na tugon nina Ernesto, Adora, at Isidro.
Matapos sabihin iyon ni Dr. Drayke, nakatungong tumalikod ang tatlo. Si Dr. Drayke naman ay umupo sa sofa, nakaharap sa telebisyon kung saan kasalukuyang ipinapalabas ang pagkapanalo ni Jenie Sweet Batara sa Miss Universe.
"Jenie! Jenie Sweet Batara!" sambit ng doktor, habang malayang pinagmamasdan ang mgandang mukha ng dalaga sa telebisyon.
"Ala eh, napako yata ang tingin mo kay Miss Universe 2025? Di 'ga pagkagandang babae ho?" nakangising sabi ni Adora, habang inilalapag ang isang tasang tsaa sa center table.
Kung hindi nagsalita si Adora, hindi niya mamamalayan na nadala na pala nito ang tsaa sa kinauupuan niya. Parang saglit na tumigil ang mundo niya habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon.