Kabanata 2: Unang Pagkikita

2762 Words
"Maganda siya, pero para sa 'kin, si Arabella pa rin ang pinakamaganda. Salamat sa tsaa, Adora." seryoso tugon nito, sabay kuha ng tasa at pag-inom. Kung ilalarawan ang mukha ni Dr. Drayke sa mga oras na iyon, makikita ang matinding lungkot at pangungulila, na kitang-kita sa kanyang mga mata, na para bang iniiwasan ang alaala ng kanyang namayapang asawa. "Um, pero matagal nang patay si Ma'am Arabella. Siguro naman ho, panahon na para magmahal ka na ng iba, Dr. Drayke." wika ni Adora, at bahagyang ngumiti sa doktor. Napatigil siya sa pag-inom ng tsaa sa narinig na sinabi ni Adora. Gustuhin man niyang magmahal ng iba, pero nangako siya sa asawa na siya lamang ang tanging mamahalin, at wala nang iba. "Wala akong oras para magmahal ng ibang babae; abala ako sa propesyon ko at mga negosyo ko. Isang bagay lang ang gusto ko—ang bumalik si Arabella sa buhay ko." malungkot na wika ni Dr. Drayke habang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at naglakad papuntang laboratoryo. Dahil sa reaksyon ni Dr. Drayke, napailing na lang si Adora. Pinatay ang telebisyon at bumalik sa kanyang trabaho sa mansyon. ( Sa Batara Hotel & Resort ) Matapos ang sunud-sunod na mga interview ng dalaga, masayang ipinagdiwang ng Pamilyang Batara ang kanyang pagkapanalo sa Miss Universe sa kanilang hotel. Dumalo rito ang Team Batara pati na rin ang mga kasosyo ng pamilya sa iba't ibang negosyo na kanilang pag-aari. Ang hotel at resort ng Pamilyang Batara na iyon ay na sa 35-ektaryang lupa, kaya't talagang napakalawak nito at angkop para sa kahit anong klaseng event. "Everyone, ang aking nag-iisang anak, at ngayon ay ang Miss Universe 2025. Walang iba kundi si Jenie Sweet Batara! Let's toast!" wika ni Don Charle, at sa kanyang mga mata ay makikita ang labis na pagka proud sa anak. Makikita naman sa lahat ng naroroon ang masigla at taos-pusong pagbati at paghanga para sa dalaga. "Dad, thank you sa support mo sa mga pangarap ko. Kahit wala na si Mommy, hindi ko nararamdaman na nawalan ako, kasi ang pagmamahal at pag-aalaga mo sa akin ay higit pa sa kayang ibigay ng isang ina at ama." mangiyak-iyak na sinabi ni Jenie sa ama, sabay niyakap ito ng mahigpit. "Hija, isang malaking karangalan para sa mga magulang na makita ang kanilang anak na nagtatagumpay sa mga pangarap nito. Bilang iyong ama, responsibilidad ko na suportahan ka hangga't ako'y nabubuhay. And if your mom were still alive, I'm sure she would be incredibly proud of you." naluluhang sinabi ni Don Charle, sabay nginitian ang anak at itinanghal ang baso ng wine, habang dahan-dahang itinaas ito. Nang makita niya ang butil ng luha sa mata ng kanyang daddy, pakiramdam niya'y nabasag ang hawak nitong baso ng wine, at ang pira-pirasong pagkalunod nito ay tumagos diretso sa kanyang puso. Ang ina niya ay isang Spanish, kaya nang pumanaw ito, dinala siya pabalik sa kanilang bansa. Dahil bago ito pumanaw sa sakit na breast cancer, iyon ang ipinagbilin nito. Pitong taong gulang pa lang siya nang pumanaw ang kanyang Mommy, kaya alam na niya kung gaano kasakit at kalaki ang pagkukulang na iyon sa buhay ng kanyang ama. Kahit dumating na sa buhay nila si Tita Eleanor, ramdam pa rin niya na may espesyal na puwang ang ina sa puso ng kanyang daddy. Parang may maliit na bahagi sa puso kanyang ama na ibinukas para sa stepmother niya, ngunit malinaw na ang pagmamahal nito sa kanyang ina ay hindi kailanman mawawala. Nalulungkot siya tuwing binubuksan ni Tita Eleanor ang usapan tungkol sa puwang nito sa puso ng daddy niya. Malapit sila dahil sa kabutihan nito, kaya hindi na siya nahirapang tanggapin ito sa kanyang puso. "Dad, alam ko na masaya na si Mommy kung nasaan man siya ngayon. Forget about Mommy's memories, and give your whole heart to Tita Eleanor. Dahil mabuting tao siya, ang tanging ginawa niya ay alagaan at mahalin tayong dalawa. That's why I love her so much." seryosong sabi ni Jenie, sabay ngumiti ng mapait sa ama. Sasagot na sana ang ama ng dalaga nang biglang sumulpot ang presensya ng kanyang stepmother. "Sweet, pasensya na kung hindi ako nakarating kanina sa Miss Universe event. Alam mo naman na ako lang mag-isa ang nagpapatakbo ng mga negosyo n'yo ng daddy mo, at hindi pwedeng i-cancel ang meeting sa mga investors. Pero anyway, congratulations! I'm so proud of you, hija." nakangiti wika ni Eleanor habang niyayakap ang dalaga. "Thank you, Tita Eleanor. It's okay, I understand." tugon nito, at bahagyang ngumiti sa stepmother nito. "Hmm, hija, puntahan mo muna ang mga kaibigan mo. May kailangan lang kaming pag-usapan ng Tita Eleanor mo," saad ni Don Charle, na sumingit sa usapan ng mag-stepmother. "Go, hija. Enjoy the night!" wika ni Eleanor, habang mahinhing hinahaplos ang pisngi ng dalaga. Kaagad siyang tumango sa ama at sa stepmother, saka humakbang patungo sa kinaroroonan ng kanyang team mula sa Miss Universe. ( Dr. Drayke Laboratory ) Makikita sa loob ng laboratoryo ang iba't ibang kagamitan tulad ng mikroskopyo, test tubes at beaker, pipettes, bunsen burner, mga kemikal at reagents, centrifuge, lab coats at gloves, fume hood, fridge/freezer, at microscope slides na may coverslips. Nandoon din ang puso ni Arabella na naka-preserve. "Arabella, my wife! Balang araw, muling mabubuhay ka. At sa pagkakataong iyon, sisiguraduhin kong ako lamang ang iyong mamahalin." Puno ng lungkot at hinagpis ang tinig ni Dr. Drayke habang nakatanaw siya sa puso ng kanyang yumaong asawa na naka-preserve. "Sabi na nga ba't nandito ka na naman sa iyong laboratoryo. Your wife has been dead for a long time. Palayain mo na siya, pati na rin ang iyong sarili." Halos hindi niya napansin ang pagdating ng kanyang kaibigan, na kapatid ng kanyang yumaong asawa. At kung hindi ito nagsalita, malamang nakatulala pa rin siya habang nakatingin sa puso ng asawa na patuloy sa pagtibok. "Ferdinand, hangga't buhay ang puso ni Arabella, umaasa akong babalik siya. Gagawin ko ang lahat para makabalik siya sa buhay ko! Hindi ko siya papayagang maging malaya! Tandaan mo 'yan!" sambit ni Dr. Drayke, habang puno ng lungkot ang mga mata nito. Kung ilalarawan iyon, makikita sa mukha ng doktor ang labis na pangungulila sa yumaong asawa. "Alam ko na hindi tatanggapin ng isipan mo ang mga payo ko, pero nandito ako dahil itinawag sa akin ni Arnulfo ang nangyari. Sino ang nagtangkang magnakaw ng puso ng kapatid ko?" saad ni Ferdinand, sabay tapik sa balikat ng kaibigan. "I don't know! Ikaw ang hepe ng kapulisan dito. Hindi ba pwedeng paimbestigahan mo kung sino ang nagtangkang magnakaw ng puso ng asawa ko?" sagot ni Dr. Drayke sa kaibigan. At napabuntong-hininga ito at bahagyang hinagod ang kanyang sentido. Sa sagot ni Dr. Drayke, nawala ang ngiti sa mukha ni Ferdinand. Napapikit siya at hinawakan ang kanyang ulo. "Victor! Hindi ko pwedeng ipa-imbestiga 'yan. Baka maungkat ang pagkamatay ni Arabella. Tandaan mo, noong mga panahong iyon, ikaw ang pinili ko!" gigil na sagot ni Ferdinand kay Dr. Drayke, at makikita sa mukha nito ang takot, parang may kinatatakutan itong maungkat tungkol sa pagkamatay ng kapatid niya. Dahil sa reaksyon ng kanyang kaibigan, hindi niya maiwasang bumalik sa mga alaala ng nakaraan. Pagdating mula sa ospital, agad siyang sinalubong ni Adora, at bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Dr. Drayke, ala eh, si Ma'am Arabella, ayaw kumain. Kanina pa siya nagkukulong sa kwarto n'yo," ani ni Adora. "Ano?! Bakit wala man lang isa sa inyo ang tumawag sa 'kin para ipaalam na hindi siya kumain?" nanggagalaiti sabi ni Dr. Drayke sa kasambahay. "Patawad ho, paano ba namin kayo tatawagan eh ayaw nga ipaalam ni Ma'am na ayaw niyang kumain? Pinagbantaan po niya kami na kapag nagsumbong kami, papalayasin niya kami. Natakot po kami baka totohanin niya ang banta," malungkot na sagot ni Adora. Sa narinig mula sa kasambahay, napakuyom ang kaniyang mga kamao at agad na nagtungo sa silid nilang mag-asawa. Nang makita niya ang maamo at tahimik na mukha nito habang nakahiga sa kama, bigla na lang kumalma ang galit na namuo sa kanyang dibdib. "Love, sabi ng kasambahay natin, hindi ka daw kumain. Ayaw mo ba ng mga pagkain dito sa mansyon? Ipapatawag ko ang mga Chef mula sa mga paborito mong restaurant, basta kumain ka lang," mahinahong wika ni Dr. Drayke, sabay hinaplos ang magandang mukha ng asawa. Sa sinabi niyang iyon, agad itong bumangon mula sa kama at tinabig ang kanang kamay niya. "Ayaw kong kumain! Gusto ko nang maging malaya! Kaya mo bang ibigay sa akin 'yon?!" mangiyak-iyak na wika nito. "Victor, pasensya na kung napagtaasan kita ng boses. Kalimutan na natin ang nangyari. Mas mabuti siguro kung sumama ka na lang sa akin sa party. Baka doon, makahanap ka na ng kapalit ng kapatid ko," wika ni Ferdinand, sabay kindat sa kaibigan. Sa pagsasalita ng kaibigan, naputol ang kanyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, kaya't napahugot na lang siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Oh my God! Party?! Sa edad kong 40, nababagay pa ba sa akin 'yon? At saka, wala nang magkakagusto sa akin," nakangising sabi ni Dr. Drayke, sabay haplos sa ibabang bahagi ng kanyang labi. "Alam mo, sa edad natin, ito na ang pinakamagandang parte bilang lalaki. Parang prutas na hinog na hinog, kasi magulang na! Sino'ng babae ang hindi magkakagusto sa 'yo? Mayaman ka at higit sa lahat, hawig mo si William Levy at kamukha mo rin si Tom Cruise! Anyway, kalimutan mo na ang kapatid ko. Kung patuloy mong hahawakan ang nakaraan, aba, habang buhay na si Maria Palad ang magiging kasama mo!" pabirong wika ni Ferdinand, sabay tawa nang malakas. Napailing na lang siya sa sinabi ng kaibigan, hindi alam kung anong isasagot. Sa mahabang panahon ng pag-iisa, upang makaraos bilang lalaki, nagsasarili na lang siya. "Kahit kailan, sira ulo ka talaga Ferdinand! Kung ano-ano pinagsasabi mo. Ligo lang ako at nang makasama ako sa 'yo." saad ni Dr. Drayke at nauna na itong lumabas sa laboratortyo. "Yown! Sa wakas, napapayag din kitang lumabas sa lungga mo. Masaya 'to!" nakangising tugon ni Ferdinand habang nakasunod sa likuran ng kaibigan. ( Sa Batara Hotel & Resort ) Labis ang kasiyahan ng Team Batara sa tagumpay ni Jenie sa Miss Universe, kaya’t halos lumuhod sila sa dalaga bilang tanda ng kanilang labis na paghanga. Nagmistulang isang pagdiriwang ang lugar, kasama ang mainit na pagbati mula sa mga kilalang celebrity, pati na rin ang mga organizer ng industriya ng pageant, na nagpasalamat at nagpahayag ng kanilang suporta. Kasama rin sa selebrasyon ang ilang mga politiko, na hindi pinalampas ang pagkakataon upang makisakay sa popularidad ng bagong Miss Universe. "Oi, girl! Bawal ang nega ngayon, ha! Araw ito ng celebration dahil ikaw ang Miss Universe 2025! Kaya naman, please lang, huwag mong inumin yang alak na parang tubig," sabi ni Sebastian, habang inaagaw ang baso mula sa dalaga at pinandilatan siya ng mata. "Alam ko na dapat ipagdiwang ang araw na ito, pero Seb, ganun siguro talaga ang buhay, ‘di ba? Walang perpekto. Lahat na sa akin, pero ang fiancé ko, hindi tulad ko na dati ng mayaman. Si Aiden parang laging may gusto siyang patunayan. Kaya imbes na nandito siya ngayon kasama ko, kasama pa rin niya ang boss niya," malungkot na sabi ni Jenie, habang pasuray-suray at pilit na ngumingiti. Sa sinabi ng dalaga, damang-dama ng mga kaibigan nito ang kalungkutan. Bumagsak ang mga balikat nila at nagkatinginan, at bilang pagsimpatya sa nararamdaman nito nilapitan iyon ni Charimel. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Jenie. Pero naiintindihan ko rin si Aiden, kasi pareho kaming lumaki sa mahirap na pamilya. Ang kaibahan lang, siya'y ulila, samantalang ako, may mga magulang na naging katuwang ko sa mga paghihirap namin noon. Kahit magkaiba ang agwat ng buhay niyo, pinipilit niyang sumabay sa buhay na meron ka. At bilang kapalit, may mga bagay na kailangang isakripisyo, gaya ng nangyari ngayon. Pero isang bagay ang sigurado ako, mahal na mahal ka niya. Kaya't habaan mo pa ang iyong pasensya, dahil malapit ka nang maging Mrs. Zalazar," wika ni Charimel, at bahagyang pinisil ang pisngi ng dalaga. "Charimel is right. Huwag ka nang malungkot d'yan, kasi malapit ka nang makatikim ng talong na hindi nabubulok. At pag natikman mo 'yan, girl, hahanap-hanapin mo 'yan, promise!" sabi ni Sebastian, sabay tawa na halos lumabas ang ngala-ngala. Natawa na lang siya sa kaibigang bakla. Kahit na vìrgìn pa siya, alam niya ang tinutukoy nito. Sa edad niyang 25, hindi na siya inosente sa mga ganitong usapin. Gusto lang niyang bago humarap sa altar ay malinis siya, at isa iyon sa mga bagay na ipinagpapasalamat niya kay Aiden. Kaya siya nito intindihin, kahit na mas inuuna pa niya ang kanyang mga pangarap. Kaya nangako siya rito na pagkatapos ng Miss Universe na matalo manalo pakakasalan niya ito. "Kaloka! Hindi halatang mahilig ka sa talong, Sebastian!" pabirong sabi ni Charimel, sabay tawa ng malakas. "Ay naku, ba't ikaw, hindi? Sino ba namang aayaw sa talong? Sobrang sarap kaya," tugon ni Sebastian, sabay irap sa mga kaibigan at simsim ng alak mula sa baso. "Is it delicious? Well, for me, it depends on the size." ani ni Charimel, habang nakangisi na halos umabot sa tenga. "Oh my God, I can't relate to your conversation! Ha, ha." singit ni Jenie sa usapan ng mga kaibigan, habang tumatawa ito nang mahinhin at pasuray-suray palayo sa mga ito. Nagtatawanan pa rin ang mga kaibigan niya nang iwan niya ang mga ito. Inilabas niya ang cellphone mula sa bag at agad na idinayal ang numero ni Aiden, na mabilis namang tumunog. "Finally, I’ve reached you! Makakahabol ka ba kahit sa celebration ng pagkapanalo ko?" nakanguso sabi ni Jenie sa kabilang linya. "Honey, hello! I didn’t have signal earlier at the site, so I couldn’t call to say I might miss the Miss Universe pageant. Congratulations! I love you so much! I’m so proud of you, my future wife!" saad ni Aiden sa kabilang linya. "I love you too, Aiden. Please! Are you on your way here now?" maluha-luha saad ni Jenie. "H-Honey, ka-si," nauutal na wika ni Aiden sa kabilang linya. Sa pautal-utal na sagot ni Aiden, alam na niyang hindi ito makararating. Nanikip ang kanyang dibdib dahil sa matinding tampo, kaya nang may dumaan na waiter, kumuhang muli ng alak at agad na tinungga iyon. "Hon, are you still there? I’m sorry! This project is really important, and I can't leave my boss. Everything I’m doing is for us. Besides, our wedding is coming up soon, and we’ll be together every day." wika ni Aiden sa kabilang linya, na maririnig sa boses nito na nag-aalala iyon sa pagtatampo ng kasintahan. Naririnig niya ang boses ng kasintahan sa kabilang linya, ngunit nagbingi-bingihan siya, tinatago ang sakit at pagtatampo na bumabalot sa kanyang puso. Imbes na sumagot, pinutol niya ang tawag at naglakad nang matamlay, ang mga hakbang ay pasuray-suray, habang patuloy na nilalasing ang sarili gamit ang bote ng alak na hawak. ( After A Few Hours… ) Napakamot sa ulo at sabay napabuga ng hangin nang iwan siya ni Ferdinand sa gitna ng party, matapos itong tawagin ng Gobernador sa kanilang lugar. May mga ilang kakilala siya roon, at kilala rin siya ng mga ito, kaya't ang tanging sagot niya sa bawat bati ay bahagyang ngiti at tango. Wala siyang hilig sa mga party, simula pa noong bata siya. Kahit inaaya siya ng kanyang mga kaibigan sa mga business party o social events, hindi siya kailanman sumasama. Pumupunta lamang siya kapag may kinalaman sa kanyang propesyon o negosyo. Mas gusto niyang mag-isa sa bahay, magbabad sa mga libro, at busisiin ang mga eksperimento niya sa laboratoryo. "H-Hey! A-Adden, let's find a quiet spot. I’ve missed you so much!" Napalingon siya sa mahinhin na boses ng babae mula sa kanyang likuran, at halos mapako ang mga paa sa kinatatayuan nang makita ang mismong dahilan ng selebrasyon — si Miss Universe. Marahil dahil sa kalasingan, papikit-pikit ang mga mata nito at nakatingin sa kanya, ngunit malinaw pa rin ang presensya nito. Sa pagkakataong iyon, ang mata na lang niya ang gumalaw upang suriin ang itsura nito. Ang buhok nitong blonde, na nakalugay at umaabot hanggang baywang ay tumutugma sa tan skin nito, na lalong umangat sa suot nitong off-shoulder na chocolate-colored long gown. Nang bumaba ang mga mata niya sa mga paa nito, napansin niyang nakatapak iyon, kaya't may bahagyang dumi. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang babaeng madalas lamang niyang makita sa mga magazine at telebisyon, at walang duda, higit pa itong maganda nang personal. - Dr. Drayke "L-Let's go! I need you!" pasinok-sinok na wika ni Jenie, sabay yakap at hinalikan sa labi ang doktor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD