"What are you doing, Axel!" "Wag kang makealam dito, Allen." "Bakit hindi? Ano bang pinagsasabi mo kay Bella." "Empleyado ko siya kaya may karapatan akong pagsabihan siya." "Wala ka sa opisina, Axel. At isa pa, bisita ko siya, kaya wala kang karapatan na ganyanin siya." "Bakit ka ba ganyan umasta, Allen? Don't tell me may gusto ka sa kanya?" "Eh ano naman kung oo." "Wag kang magpatawa. Kilala kita, ni minsan hindi ka nagseryoso sa babae." Dinig na dinig ko kung paano sila magtalong dalawa. Kaya lang wala akong lakas ng loob para pigilan sila. Para kasing nawalan na ang buo kong lakas ng mga oras na iyon. Sobrang sakit. Hanggang ngayon ay malinaw pa din sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni sir Axel. "Whatever!" Mabilis na kinuha ni sir Allen ang kamay ko at hinila ako palabas.

