Bago mag-umpisa ang party ay nasa bahay na kami nina sir Allen. May mang-ilan-ilan ng naroon at laht sila ay nakapangformal na suot. Mabuti nalang talaga ay binigyan ako ng masusuot ni sir Allen dahil kung hindi baka napahiya pa ako. Pumasok kami sa loob ng bahay. Hindi ko makita si sir Axel. "Hindi na kita masasamahan sa labas, Bella. Mag-enjoy ka." sabi sa akin ni sir Allen. "Bakit po?" tanong ko sa kanya.. "Ayokong magpakita sa ibang mga bisita." "Birthday niyo din po ito, kaya dapat makita ka nila." Wala na akong nagawa. Hindi ko naman siya mapipilit kung ayaw niya talagang magpakita sa ibang mga tao. Ngayon ay talagang naoout of place na ako. Nasa gilid lang ako at walang kausap. Maya-maya pa ay may lumapit sa akin na isang lalaki. "Hi, miss." Ngumiti lang ako sa kanya. "I

