Episode 38

1398 Words
Pauwi na ako. Nag-overtime kami ngayon dahil madaming pinagawa si sir Axel. Pasado alas onse na din iyon ng gabi. Nag-aabang ako ng masasakyan. Ilang minuto na din ang itinagal ko doon pero wala pa din akong masakyan.  Halos nakauwi na ang mga empleyado dahil ang iba ay may sariling sasakyan ang iba naman ay nakisakay na. Nahihiya naman akong makisakay dahil wala naman akong kaclose sa kanila. Nagdesisyon akong maglakad na. Sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng takot. Baka kasi may bigla na lang sumulpot dito na masamang loob at nakawan pa ako.  Hirap pa din akong maglakad dahil na din sa sugat ko. Kung narito lang sana si sir Allen, hindi ako nahihirapan.  Hanggang sa bigla kong naramdaman na may sumusunod sa akin. Kinabahan na ako. Lahit gusto kong tumakbo ay hindi ko magawa dahil sa sakit ng tuhod ko. Pilit kong hindi pinapahalata na alam kong may sumusunod sa akin. Hanggang sa patuloy ang pagkaramdam ko ng matinding takot at kaba. Pinilit ko ng tumakbo sa abot ng makakaya ako. Hanggang sa ramdam ko na tumatakbo na din ang nasa likuran ko.  Hinawakan ako sa kamay ng nasa likod ko. Napapikit ako sa sobrang takot.  "Wag po. Wag niyo po akong sasaktan, heto ang bag ko." takot kong sambit sa kanya.  "What are you talking about?" pamilyar sa akin ang baritonong boses na iyon. Hindi ako pweding magkamali. Si Sir Axel iyon.  Idinilat ko ang mga mata ko. Dun ko nakumpirma na siya nga iyon. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.  "Kayo pala sir. Akala ko magnanakaw."  "Bella!' Napatingin ako sa nagsalita. Si sir Allen naman iyon.  "Anong ginagawa mo dito?" tanong sa kanya ni sir Axel. "Susunduin ko si Bella." "Paano kapag may makakita sa iyo dito?"  "Let's go, Bella." sabi ni sir Allen sabay hila sa akin. Isinakay niya ako sa kotse niya.  "Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.  "Okay lang.po ako."sagot ko naman.  "Kumain tayo, gutom ako." Bigla kong naamoy ang alak sa kanya.  "Uminom po ba kayo?" tanong ko sa kanya. "Medyo lang." nakangiting sabi niya.  "May.problema po ba kayo?" muli kong tanong sa kanya. "Wala. Porke ba uminom may problema na?"  "Natanong ko lang po. Basta kapag may problema po kayo, pwede niyo naman akong sabihan." "Tatandaan ko iyan." Muli ay nagtake out kami sa isang fast food chain. Kumain kami sa loob ng kanyang kotse habang nagkukwentuhan.  "Kumusta naman sa office? Masungit pa din ba ang kapatid ko?" Tumango na lamang ako sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko mabilang kung ilang beses niya ako pinagalitan kanina. Simpleng pagkakamali ko lang ay punang-puna niya.  "Pagpasensiyahan mo na siya. Gaya ng sabi ko, kagagaling lang niya sa hospital." "Alam ko naman. Mas pagbubutihan ko na lang sa susunod." "Siyanga po pala. Narinig ko po ang balita na birthday niyo na ni sir next week." "Ah yun ba. Oo. Pero hindi naman ako nagcecelebrate ng birthday. Tuwing pinaghahanda kami nina mom noon. Hindi naman ako lumalabas ng bahay, alam mo na. Pero punta ka sa bahay, I'm sure lahat ng empleyado ay naroon, kaya invited ka for sure." "Pupunta po ako, kung naroon ka." sabi ko naman sa kanya. "Hindi ako pwedi. Baka may makakita sa akin." "Eh ano naman po? Malamang naroon po kayo kasi birtnday niyong dalawa iyon." Napatawa siya sa sinabi ko. "Sige, pupunta ako, pilitin mo muna ako." "Sige na po, please." Mahinhin kong tugon sa kanya. Halos sabay pa kami mapatawa sa sinabi kong iyon.. "Oo na nga. Pupunta na ako."  Matuling lumipas ang mga araw. Masungit pa din ang pakikitungo sa akin ni sir Axel. Inintindi ko nalang dahil alam kong galing lang siya sa pagkakasakit. Bukas na din ang birthday nina sir Axel at sir Allen. Half day lang kami ngayon sa trabaho. Binalak kong pumunta ng mall para makabili ng pangreregalo sa kanilang dalawa. Sa totoo wala pa akong pera. Ang pera ko ngayon ay yung naging sobra lang noong operasyon ni itay na ibinigay lang din ni sir Axel. Madami din kasing gamot si itay kaya tinitipid ko lang. Hindi din naman kasi ako makakaasa sa sweldo sa opisina dahil madami akong utang kay sir na dapat bayaran, ang singsing na nawala ko.  Hirap akong makapili ng pangreregalo dahil sa dala kong pera. Mukhang nakakahiya din na magbigay ng regalo kay sir Axel na mumurahin lang dahil boss ko siya.  Nasa department store ako. Naagaw bigla ng atensiyon ko ang isang tasang kulay puti na may nakasulat na "You are the best". Naalala ko si sir Allen. Kinuha ko iyon. Naalala ko mahilig sa kape si sir dahil tuwing nag-oorder siya sa fast food chain ay laging may kape siyang order. Okay na siguro itong pangregalo sa kanya. Naikot-ikot ako sa department store pero wala pa din akong mapili na ipangreregalo kay sir Axel.  Muli ay napadaan ako kung saan ko kinuha ang tasa. May isang tasa din na kulay puti na may nakasulat naman na "thank you" iyon na lang ang kinuha ko. Lubos akong nagpapasalamat kay sir Axel kaya iyon nalang din ang kinuha ko.  Ipinabalot ko nalang din doon ang dalawang tasa. Kulay pula ang balot ng kay sir Axel at kulay asul naman ang kay sir Allen para hindi sila magkapalit.  Umuwi ako sa bahay at nadatnan ko na nagluluto si inay sa mga kusina.  "Ang aga mo yata ngayon, anak?"  "Opo inay. Tulungan ko na po kayo diyan." "Wag na. Magayos ka nalang sa lamesa at ng makakain na tayo. Tawagin mo na din ang itay at kapatid mo." Sabay-sabay kaming kumain magpapamilya. Matagal tagal na din kaming hindi nakakasabay-saby kumaon kaya namiss ko ito.  Naghugas ako ng plato. Naghilamaos na din ako bago tuluyang matulog. Naalala ko ang mga binili kong regalo. Okay lang kaya ang mga nabili ko? Sana ay magustuhan nila kahit sinple lang. Wala kaming pasok kinabukasan. Ngayon ang kaarawan ng dalawa. Natext ko na si sir Allen para batiin sa kanyang kaarawan.pero si Sir Axel ay nahihiya kong itext. Sigiro sa personal ko nalang siya babatiin mamaya.  Alas sais ng gabi mag-uumpisa ang party pero sinabihan ako ni sir Allen na susunduin niya ako ng mas maaga. Naghanap ako ng formal na maisusuot kaya lang ay hindi naman pang formal ang mga dress ko dito. Iyan tuloy, namomblema pa ako sa isusuot ko.  "Ate, narito po si kuya Axel.".sabi.sa akin ng kapatid ko.  "Ahh?" gulat ko pang.tugon. Nagtataka ako kung bakit narito siya sa amin. Lumabas ako. Si sir Allen iyon at hindi si Sir Axel. Doon ko lang naalala na hindi pala alam ng kapatid ko na kambal niya iyon at hindi siya.  "Bakit ang aga niyo po? Akala ko po alas singko niyo palang ako susunduin. Alas tres palang po ng hapon." "May kasama ako. Tsaka may ibibigay." Inabot niya sa akin ang isang kahon.  "Ano po ito?"  "Susuotin mo iyan mamaya." Bigla akong nabuhayan. Atleast ngayon ay hindi na ako mamomoblema sa susuotin ko.  "Sino po pala ang kasama mo?" Pumasok ang isang lalaki. "Siya si Stephanie. Siya ang mag-aayos sa iyo." "Heto ba ang aayusan ko, sir Allen. Aba ang ganda naman pala. Mukhang hindi mahihirapan ang beauty ko sa pagpapaganda sa kanya." "Kailangan ko pa po ba iyan?" "Oo naman miss ganda." ang kasama niya ang sumagot. "Magmiryenda po muna kayo. Maliligo lang muna ako." "Sige." Naligo muna ako. Nagsuot ako ng maluwang na damit para madali kong maalis kapag aayusan ako.b Inuna niya akong nilagyan ng make up. Ang sabi ko ay light make up lang dahil hindi naman ako sanay na nakamake up talaga. Pagkatapos noon ay binlow dry niya ang buhok kong mahaba para kaagad matuyo. Kinulutan niya ang bandang ilalim ng buhok.  Pagkatapos ay tunulungan niya akong suotin ang gown na kulay itim. Mas lalong lumitaw ang kaputian ko sa gown na iyon. Sa totoo lang medyo naiilang ako dahil hindi ako sanay na magsuot ng ganoon.  Mag-aalas singko na din nang matapos niya akong ayusan.  "Ano sir. Maganda na ba siya?" tanong ni stephanie kay sir Allen.  Nakatingin sa akin si sir Allen.  "Ang ganda niya, sobrang ganda." tugon naman niya.  Kanina.ay nakatshirt lang ito. Ngayon ay nakapamalit na din ito ng formal attire. Nakaayos din ang buhok niya kaya mas lalo din siya gumwapo.  "Let's go." yaya niya sa akin. Inilahad niya ang kamay niya at kinuha ko naman iyon. Inalalayan niya ako hanggang makapasok sa kotse. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD