Allen's POV
Hindi ko maikakaila sa sarili ko na sobrang saya ko kasi magkasama kami palagi ni Bella. Buong buhay ko ay malungkot ako kaya sobrang pasalamat ko dahil dumating siya sa buhay ko.
Kaya lang, hindi laging masaya. Lalo na ngayon na muli ng bumalik ang kambal kong si Axel.Si Axel na tunay niyang minamahal. Mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na sobra niyang mahal ang kapatid ko dahil sa pag-iyak niya dahil sa mga nasabi ni Axel.
Sayang lang. Sana ako na lang ang mahalin niya, dahil ipinapangako ko na hinding-hindi ko siya sasaktan.
Sa totoo lang, ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. Lingid sa kaalaman ng iba, may dati ng babaeng nagpatibok ng puso ko. Kaya lang niloko niya ako. Siguro ay karma ko na din iyon dahil sa ginawa kong pakikipaglaro noon sa mga babae.
Nainlove ako sa isang babae. Sa totoo lang ay malaki ang pagkakatulad nila ni Bella. Siya iyong tipo ng babae na pinapalakas lagi ang kalooban ko tuwing malungkot ako. Siya din ang babaeng naniwala sa akin na may kwenta akong tao. Kaya lang niloko niya ako. At hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin. Ayaw ko na siyang makita pang muli. Ngayon na nakilala ko si Bella, papahalagaan ko siya.
Kaya lang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil muli kong makita ang babaeng nanloko sa akin.
"Saan mo gustong pumunta? Or anong gusto mong kainin? Alam ko di ka gaanong nakakain kanina."
"Kahit ano nalang sir."
"Ang hirap naman ng gusto mo. Ang hirap mag-isip."
"Gusto mo ba magtakeout nalang ako sa labas tapos dito na lang tayo kumain sa loob? Kung okay lang sa iyo."
Tumango siya.
"Okay. Wait mo ako dito."
Lumabas ako ng condo para bumili ng makakain.
"Allen?" napatingin ako sa nagsalita.
Nanlambot ang buo kong katawan. Muli ay nakita ko ang mukha ng taong hindi ko na gugustuhin pang makita. Sa sobrang galit ko kasi sa kanya baka kapag hindi ko napigilan ang sarili ko ay masaktan ko siya.
Pagkatapos ko siyang tingnan ay muli akong tumalikod at nag-umpisa ng muling maglakad palayo sa kanya.
"Allen, mag-usap tayo, please."
Hindi ko.siya pinansin. Nagpatuloy lang ulit ako sa paglalakad.
"Allen, please. Kahit sandali lang." sa tono ng pananalita niya ay umiiyak ito.
Tumigil ako sa paglalakad ar hinarapan ko siya.
"Ano bang kailangan mo? Bakit nandito ka? At anong sasabihin mo? Ipapaalala mo ba sa akin kung gaano ako katanga dahil nagpaloko ako sa iyo."
"Hindi Allen. Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko sa iyo."
"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo. Kaya kung pwedi lang, wag ka ng magpakita dahil baka ano pa ang magawa ko sa iyo."
"Allen, please."
"Ginugulo ka ba ng konsiyensiya mo kaya ka narito? O baka naman nalaman mong buhay pa ako kaya ka ganyan? Alam mo, napakatanga ko dahil minahal kita dati. Ang hirap lang na paniwalaan na ang taong lubos mong minahal ay gusto kang ipapatay."
"Hindi ko alam na gusto ka nilang patayin. Dahil kung alam ko lang, ako mismo ang magtatanggol sa iyo."
"Tama na. Masyado ng huli ang lahat."
"Sorry talaga, Allen. Alam ko mahirap akong patawarin. Pero sa maniwala ka man o hindi. Minahal kita. At masaya ako kasi nakahanap ka na ng ibang babae na mas mamahalin ka."
Ang laki na ng pinagbago niya. Bakit mukhang miserable ang buhay niya ngayon? Nararapat lang sa kanya iyan dahil sa ginawa nila sa akin.
Bumili na ako ng makakain at bumalik sa condo na parang walang nangyari. Ayoko kasi na makahalata siya na galing ako sa pag-iyak. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin ko sa kanya kung nagkataon. Bigla ko tuloy naisip ang.sinabi niya kanina na may dalawang babae pumarito kanina. Siya kaya un at may kasamang ibang babae? Sa pagpapakita niya sa akin ay muli lang sumariwa sa akin ang mga nangyari noon.
Flashback...
"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you. Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday to you. Happy birthday, Mahal."
"Thank you, Mahal." sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi. "Oh wala ba akong regalo?"
"Meron, kaso nahihiya akong ibigay." sabi niya sa akin.
"Eh nasaan? Dali na ibigay mo na." pamimilit ko pa sa kanya.
"Wag na. Nakakahiya ang regalo ko."
"Anong nakakahiya. Kahit ano pa iyan. Pahahalagaan ko."
"Sige na nga. Heto oh." abot niya sa akin.
Binuksan ko ang gift wrap at isang tasa iyon. May nakasulat sa tasa na "You are the best".
Napaiyak ako ng mabasa ko iyon. Buong buhay ko ay minamaliit ko ang sarili ko. Dahil hindi lingid sa kaalaman niya ang sitwasyon naming dalawa ng kambal ko. Siya lagi ang nagpapaalala sa akin na may halaga ako, na may kaya akong gawin, na may kwenta akong tao.
Lubos ko siyang minahal. Pakiramdam ko siya ang nagkukumpleto sa malungkot kong buhay. Masaya ako dahil nakilala ko siya. Dahil sa kanya ay iniwan ko na ang pakikipaglaro sa mga babae. Siya ang dahilan kung bakit naging seryoso ako sa pagmamahal. Lahat nagbago simula ng makilala ko siya.
Isang araw ay may dumukot sa akin na mga kalalakihan. Hindi ko noon alam kung anong atraso ko sa kanila, hanggang sa sinabi ng mastermind nila na ako daw ang dahilan kaya namatay ang kapatid niyang babae. Sa totoo lang ay ang mga babae ang pilit na lumalapit sa akin, lalaki lang ako kaya nadadala ako. Sa sobrang dami na din kasi ng babae ang lumapit sa akin.ay hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Ang sabi niya lang sa akin ay nagpakamatay ang babaeng iyon dahil iniwan ko siya.
"Dahil sa iyo, namatay ang kapatid ko. Kaya nararapat lang na mamatay ka din."
"Hindi ko alam ang sinasabi niyo. "
Binugbog nila ako ng mga oras na iyon. Pilit bilang pinapaamin sa akin ang pagkawala ng kapatid niya.
"Pakawalan niyo na ako. Wala akong kasalanan sa inyo."
"Bakit ba gusto mo pang kumawala? Kung ako sa iyo mas gugustuhin ko na lang mamatay dahil wala ka ng babalikan."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Akala mo ba mahal ka ni Klarisse? Paano kung sabihin ko sa iyo na siya ang dahilan kaya ka nandito?"
"Anong sinasabi mo?"
"Siya lang naman ang nagturo kung nasaan ka. Nakakatawa diba? Ang babaeng akala mo mahal ka ay siya palang maghahatid sa iyo sa kamatayan."
"Tumigil ka. Hindi iyan totoo."
"Mukha ba akong nagsisinungaling? Edi tanungin mo siya kapag nagkita kayong muli. Iyon ay kung makakaalis kapa ng buhay dito."
Muli ay binugbog nila ako hanggang sa tuluyan akong nanghina. Nagising ako at lahat ng bantay ay tulog. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas. Pumunta ako kay Klarisse. Hindi ako ako naniniwala sa paratang ng lalaking iyon dahil alam kong hindi niya magagawa sa akin ang binibintang niya.
Doon ay laking gulat ko dahil kasama niya ang lalaking iyon.Nagtatawanan silang dalawa. Bigla akong nanliyab. Tsaka ko lang napagtanto na baka totoo nga ang sinabi ng lalaking iyon. Niloko niya lang ako. Dahil sa kanya ay muntik na akong mamatay. Hindi ko siya mapapatawad.