Axel's POV
Napadilat ako ng dahan-dahan. Mukha ni mom ang unang bumungad sa akin. Umiiyak ito. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at doon ko napagtanto na nasa hospital ako.
"Anak, gising ka na." naiiyak pa din sabi ni mom.
"Mom, bakit ako narito?" gulo kong tanong. Wala akong matandaan pa. Basta ang huli kong naaalala ay pauwi na ako sa bahay.
"Naaksidente ka."
"What?" gulat kong sagot.
"Halos isang buwan na tayo dito sa Amerika."
"Sa Amerika? Bakit dito?"
"Dito ka namin pinaopera. Tatawagin ko lang ang dad mo at si Pam."
Lumabas si mom. At maya-maya lang ay muli siyang pumasok kasama si dad at si Pam, girlfriend ko.
"Babe!" sambit ni Pam sabay yakap sa akin.
"Kumusta ka na?" tanong pa niya sa akin.
"Ayos na ako."
Ilang araw pa ang inilagi namin sa Amerika bago kami muling bumalik ng Pilipinas. Nakwento na din sa akin nina mom at dad ang ginawang paghalili sa akin ni Allen sa company. Muli ay naalala ko si Isabella. Alam kaya niya na hindi ako ang naroon at ang kakambal ko lang? Inaamin ko namiss ko siya dahil matagal ko siyang hindi nakita at nakasama. Kahit na narito sa tabi ko Pam ay hindi ko alam bakit si Isabella ang laman ng isipan ko.
Nang tuluyan na akong gumaling, nagdesisiyon na kaming muling bumalik ng Pilipinas. Hapon ng makauwi kami sa amin at may dinner kaming magpapamilya.
Nagkwento sa akin si Ate Alexa sa mga nangyari. Naikwento niya din sa akin si Allen at si Isabella. Nalaman ko na alam pala ni Isabella na ang kakambal ko natake over sa naiwan ko. Nalaman ko din na mukhang nagkakamabutihan daw silang dalawa dahil panay silang magkasama. Inaamin ko bigla akpng nainis sa nalaman kong iyon. Knowing my brother, baka ano ang gawin niya kay Isabella.
Nalaman ko din na kasama niya si Isabella na pupunta sa bahay. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil makikita ko siyang muli o maiinis ako dahil alam kong magkasama sila.
Nasa habag kainan na kami. Si Allen na lang ang hinihintay namin dahil pauwi pa siya galing trabaho.
"Nariyan na sila." sabi ni ate Alexa sa amin.
Sila. Meaning, kasama nga niya talaga si Isabella.
Lahat kami ay napatingin sa gawi nila. Nakapalupot ang mga kamay niya sa kapatid ko. Doon ay bigla akong nakaramdam ng inis. Sandali lang ako nawala, may ganito na.
Naupo silang dalawa. Alam ko tinitingnan ako si Isabella pero ayaw ko gumanti ng titig sa kanya. Basta isa lang ang nararamdaman ko. Inis.
"Hindi mo ba ipapakilala sa amin iyang kasama mo, anak?" tanong ni mom.
"Siyanga po pala, siya po si Isabella. Siya po ang sekretarya ni Axel sa kompanya."
Nakayuko lang ako at nakikinig sa mga nagsasalita.
"So you mean? Magkakilala na pala sila ni Axel? At alam niya ang tungkol sa inyong dalawa?" tanong pa ni dad.
"Yes dad. Pero wag po kayong mag-alala, hindi naman po magsasalita si Isabella tungkol sa pagpapanggap ko."
"Girlfriend mo ba siya?" Hindi ko alam bakit bigla iyon lumabas sa bibig ko. Hindi ko mapigilan. Sa sinabi kong iyon ay napatingin lahat sila sa akin.
"Hindi." si Allen ang sumagot.
"How come, sinama mo siya dito?" muli ay tanong ko.
"Bakit? Ayaw mo ba na narito siya?" sagot ni Allen.
"Ang akin lang, Allen. Empleyado ko siya sa company. What if may makakita sa inyo, ano na lang sasabihin nila."
Lihim akong napatingin sa gawi ni Isabella. Kita ko ang pagkalukot ng mukha niya at halatang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko.
"Sorry po sir Axel. Uuwi na lang po ako. Salamat po sa dinner."
Batid ko na naiiyak na siya. Para tuloy akong nagsisisi sa mga sinabi ko. Naiinis lang talaga ako kaya naging ganoon ang pakikitungo ko sa kanya.
Pagkatayo niya ay bigla siyang hinawakan ni Allen sa kamay. Hindi ko ulit maiwasang mainis sa ginawa niyang iyon.
"Hindi ka pa tapos kumain." sabi ni Allen.
"Okay na po ako sir. Busog na po ako."
"Hintayin mo ako. Ihahatid na kita."
Sabay silang lumabas ng bahay.
"Ano ka ba naman Axel. Bakit mo naman ginawa iyon sa sekretarya mo. Bisita siya ng kapatid mo."
Hindi ako makasagot kay mom. Nagpatuloy lang kami sa pagkain namin. .
Nasa kwarto ako kasama si Pam.
"Hindi ka ba uuwi sa inyo?" tanong ko sa kanya.
"Bakit babe? Ayaw mo na ba akong kasama?"
"Ang akin lang, baka gusto mong makita sina tito at tita."
"Bukas na ako uuwi sa amin. Gusto pa kitang makasama."
"Kailan ka babalik sa Paris?" tanong ko.
"Ayaw mo na ba ako dito?"
"Nagtatanong lang ako. Di ba mahalaga sa iyo ang pagmomodelo mo?"
Hinawakan ni Pam ang magkabilang pisngi ko.
"Sorry babe kung pakiramdam mo mas mahalaga ang pagmomodelo ko. Nung naaksidente ka, doon ko lang narealize na mas mahalaga ka sa akin. Hindi na ako babalik sa Paris. Dito na ako sa tabi mo."
Sa totoo lang, ang mga salitang sinabi sa akin ni Pam ang matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya. Pero bakit parang wala lang sa akin ngayon iyon? Tuluyan na bang nawala ang pagmamahal ko sa kanya? Hindi ko alam. Gulong-gulo na ako.
"Pwedi ba tayong tabi matulog?" tanong niya sa akin.
Tumango na lamang ako.
Nakatulog ako sandali. Nagising lang ako dahil bigla akong nakaramdam ng uhaw. Bumaba sandali ako para kumuha ng maiinom. Nadatnan ko pasi Ate Alexa na nasa sala.
"Ate, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko sa kanya.
"Tinawagan ko lang si Allen."
"Bakit?"
"Pinatatanong lang nina mom kung dito siya matutulog."
"Anong sabi niya?"
"Nasa condo na daw siya, kasama si Isabella."
"Whattt?" gulat kong tugon sa kanya.
"Bakit parang nagulat ka? Pakiramdam ko may something na talaga sa dalawang iyan."
Hindi ako sumagot bagkus ay dumeretso na ako sa kusina. Ewan ko pero muling nag-init ang pakiramdam ko. Bakit sila magkasama? Talaga bang may relasyon silang dalawa?
Hindi ako makatulog ng gabing iyon.
Kinabukasan ay maaga na din akong bumangon dahil ngayon na ako magbabalik sa opisina.
"Kaya mo na ba talaga, anak?" nag-aalalang tanong ni mom.
"Opo, mom. Kaya ko na."
"Dito ba natulog si Pam?" tanong ni Dad.
"Opo. Kaya lang hindi ko na po ginising para makabawi ng tulog."
"Alam mo anak, mahal na mahal ka talaga ni Pam. Halos siya ang puyat dahil siya ang madalas magbantay sa iyo noong wala ka pang malay. Nabanggit niya din sa akin na hindi na siya babalik ng Paris at mamamalagi na dito sa Pilipinas kasama ka. I think ito na ang tamang panahon na hinihintay mo. Pwedi mo ng yayain muli siya na magpakasal. Sa tingin ko, oo na ang magiging sagot niya this time."
"Saka ko na po iisipin iyan mom. Aasikasuhin ko na po muna ang naiwan kong trabaho sa company. Kapag ayos na po, saka ko po gagawin iyan."
Nasa company na ako. Halos sakto lang ang pagdating ko sa opisina. Wala pa si Isabella.
Ilang saglit lang ay may kumatok sa pintuan. Si Isabella iyon at may bitbit na isang tasang kape. Nakangiti ito sa akin. Muli ay naalala ko ang nabanggit ni Ate Alexa na magkasama silang dalawa kagabi sa condo. Muli ay nag-init na naman ang ulo ko.
"Bakit ngayon ka lang? Hanggang ngayon ba late ka pa din pumapasok?" galit kong tugon sa kanya.
"Sorry po sir."
"Maging professional ka naman sa trabaho mo, sabagay hindi ka naman talaga professional nung kunin kitang sekretarya ko."
Ewan ko ba. Tuwing naiinis ako hindi ko mapigilan ang sarili ko na makapagsalita ng masasakit.
Napayuko lang ito. "Sorry po."
"Bakit hindi ka nagpasundo sa magaling kong kapatid? Tutal mukhang close naman kayong dalawa dahil nakuha mo pang sumama sa condo niya ng gabi."
"Sir, wala po kaming ginagawang masama ni sir Allen."
"Wala naman akong ibig ipakahulugan doon. Tsaka kung may relasyon man kayo ng kapatid ko, wala akong pakealam."
"Sir, wala po kaming relasyon dalawa."
"Hindi mo kailagang mag-explain dahil hindi ako interesado. Lumabas ka na."
Napatingin lang ako sa kanya habang palabas siya ng opisina.
Napapukpok lang ako ng ulo ng mga oras na iyon. Parang nagsisisi ako sa mga nasabi ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Masyado ng naging komplikado simula ng dumating siya sa buhay ko. Siguro nga kailangang matapos na itong kaibangan ko.