Dumiretso kami ni sir Allen sa isang mamahaling condo. Nakiusap kasi ako na huwag munang umuwi dahil panay pa din ang pag-iyak ko at ayokong makita ako ng mga magulang ko sa ganoong sitwasyon at baka magtanong pa sila sa akin kung anong nangyari. Mabuti na lamang at narito si sir para pagahanin ang loob ko. Hindi din naman kasi lingid sa kaalaman niya ang tunay kong nararamdaman para sa kambal niyang si sir Axel. Ang sakit lang isipin na parang nagbago na siya.
"Pasok ka. Ito ang condo ko. Dito ako nakatira. Pasensiya na kung dito kita idinala. Maliligo lang ako at magbibihis tapos aalis tayo ulit, baka kasi hindi ka komportable dito sa lugar ko."
*Sige po sir."
"Gusto mo ba ng maiinom? Feel at home ka lang."
"Sige po sir. Ako na lang po ang kukuha. Salamat."
"Oh sige. Maiwan na muna kita dito."
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Walang gaanong palamuti sa condo niya maliban lang sa dalawang malalaking trophy na nakalagay sa pagitan ng flat screen tv. Nilapitan ko iyon at binasa ang nakaaulat sa trophy.
"Most Valuable Player of the year."
Napangiti ako. May talento din naman pala siya e. Bakit kailangan pa niyang ikalungkot pag sinasabi ng iba na mas magaling si sir Axel. Gaya nga ng sabi ko, may kakayahan siya na wala si sir Axel.
Nasa ganoong ayos ako ng bigla kong marinig na may kumakatok sa labas ng pinto. Mukhang galit pa ito dahil pabagsak niyang kinakatok ang pintuan. Dumeretso ako doon at binuksan ang pinto. Kita ko ang dalawang babae. Ang isa ay mukhang galit n galit na sa palagay ko ay siya ang kumakatok kanina kasama ang isang babae na matamlay ang mukha.
"Sino po sila?" magalang kong tanong sa kanila.
"Ikaw, sino ka? Bagong babae ka ba ng walanghiyang Allen na iyan? Nasaan siya? Ilabas mo siya!" Pasigaw niyang sabi sa akin.
"Naliligo si Allen, kung gusto niyo, hintayin niyo siya."
"Naku miss. Wag na lang. Salamat. Ate, tara na. Umuwi na tayo." sabi ng matamlay na babae.
"Anong uuwi. Ang tagal nating pabalik-balik dito. Ngayon lang natin siya natiyempuhan. Hindi tayo aalis."
"Ate please. Sa ibang araw na natin siya balikan."
Hinila siya ng babaeng matamlay ang mukha. Wala na akong nagawa kundi tingnan lang sila habang naglalakad palayo. Iniisip ko kung kaano-ano kaya ni sir Allen ang dalawang babaeng iyon. Isinara ko na ang pinto.
"May tao ba kanina? May naririnig ako kanina nung nasa banyo ako."
"Opo sir. May pumuntang dalawang babae kanina. Hinahanap ka nila. Galit na galit nga yung isang babae." sabi ko sa kanya
"Talaga? Sino daw?"
"Hindi po sinabi ang pangalan. Baka po girlfriend niyo."
Napatawa siya bago muling nagsalita. "Girlfriend? Tapos dalawang babae pa? Mukha ba akong two-timer?"
"Hindi naman po sa ganoon."
"Wala akong girlfriend. Baka isa lang sa mga naghahabol sa akin. Alam mo naman, masyadong gwapo kaya ganoon." di pa din mapigilan niyang pagtawa.
"Saan mo gustong pumunta? Or anong gusto mong kainin? Alam ko di ka gaanong nakakain kanina."
"Kahit ano nalang sir."
"Ang hirap naman ng gusto mo. Ang hirap mag-isip."
"Gusto mo ba magtakeout nalang ako sa labas tapos dito na lang tayo kumain sa loob? Kung okay lang sa iyo."
Tumango na lamang ako.
"Okay. Wait mo ako dito."
Lumabas na si sir Allen para bumili ng makakain sa labas. Naghugas ako ng plato, baso at mga kutsara na gagamitin namin.
Inilagay ko ito sa mesa habang hinihintay ang pagdating niya.
Maya-maya lang ay nariyan na siya at may bitbit na dalang paper bags na may lamang pagkain.
Masaya naming pinagsaluhan ang binili niyang pagkain. Nagkukwentuhan naman kaming dalawa habang kumakain.
"Sir, sayo po ba iyong mga trophy sa sala?" tanong ko sa kanya.
"Ahh, oo. Nung nag-aaral pa ako sa university iyon varsity player ako sa pagbabasketball."
"Ang galing niyo naman po pala e."
Bigla siyang napatingin sa akin.
"Bakit po?" tanong ko.
"Alam mo, ikaw pa lang ang nagsabi sa akin ng ganyan."
"Ng alin po? Na magaling kayo?"
"Oo."
"Kahit ang family niyo po, hindi iyon sinasabi?"
"Sinasabi naman nila. Kaya lang pakiramdam ko, hindi naman bukal sa kalooban nila. Mas nangingibabaw pa rin sa kanila ang kagalingan ni Axel sa academics."
Sasagot pa sana ako sa sinabi niya kaya lang ay biglang nagring ang phone niya. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.
"Hello, Ate." umpisa niya.
"Nasaan ka? Hindi ka ba uuwi dito?"
"Nasa condo na ako, kasama ko si Bella."
"Kasama mo siya?"
"Oo, magkasama pa kami dito."
"Sige. Mag-iingat kayo. Sasabihan ko na lang sina mom at dad na hindi ka dito uuwi. Bye."
"Bye."
Iyon lang ang sinabi niya. At ibinaba na niya ang phone.
Pasado alas dyes na din ng gabi ng hinatid ako ni sir Allen sa bahay.
"Salamat po sir."
"Wala iyon. Sa susunod ulit."
"Sige po sir."
"Pwedi ba idrop muna ang salitang sir. Hindi mo na ako boss di ba? Just Allen na lang."
"Sige po, Allen."
"Pati ang "po". Nakakatanda."
Napatawa ako.
"Sige p--. Sige Allen."
"Good night, Bella. I enjoy being with you."
"Nag-enjoy din po ako. Good night."
"Sige na pasok ka na sa loob."
Ngumiti ako sa kanya bago tuluyang pumasok at isinara ang pinto.
Naghilamos muna ako bago tuluyang pumasok at humiga sa kama ko. Sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman ko nang magkasama kami ni sir Allen ay hindi ko pa din maiwasang maging malungkot dahil sa pangyayari kanina. Sobrang namiss ko si Sir Axel pero mukhang hindi naman maganda ang muli naming pagkikita. Siguro ay dapat ko na lang siyang intindihin dahil galing lang siya sa pagkakasakit.
Kinabukasan, maaga akong nagbyahe papuntang trabaho. Alam ko ngayon na ang muling balik ni sir Axel sa opisina. Gusto ko ulit siya makita at makasama. Kaya lang ay mukhang pahirapan na naman sa mga sasakyan. Halos kalahating oras na ako, hindi pa din ako nakakasakay ng jeep.
"Naku. Hindi ka pweding malate sa first day ng pasok ng totoong boss mo, Isay."
Mabuti na lang ay may dumaan ng jeep. Kahit medyo puno na ay nakipagsisiksikan nalang ako. Kahit kalahating pwetan lang ang nakaupo.
Nasa labas na ako ng company. Late na ako ng 5 minutes. Gusto ko sanang tumakbo kaya lang medyo masakit pa din ang sugat ko sa tuhod. Tsaka baka pag tumakbo ako, kabilang tuhod ko na naman ang masugat.
Bago ako tuluyang pumasok sa opisina ni sir ay gumawa muna ako ng black coffee.
Medyo nanginginig pa ang buong kalamnan ko. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok.
Napatingin ako sa nakaupo sa may table. Walang ekpresyon ang mukha ng lalaking nakaupo. Si sir Axel na nga ang taong iyon. Lumapit ako sa kanya at inilapag ang ginawa kong kape.
"Bakit ngayon ka lang? Hanggang ngayon ba late ka pa din pumapasok?"
"Sorry po sir."
"Maging professional ka naman sa trabaho mo, sabagay hindi ka naman talaga professional nung kunin kitang sekretarya ko."
Biglang nanikip ang puso ko. Bakit ang sakit ng sinabi niyang iyon sa akin.
Napayuko lang ako "Sorry po."
"Bakit hindi ka nagpasundo sa magaling kong kapatid? Tutal mukhang close naman kayong dalawa dahil nakuha mo pang sumama sa condo niya ng gabi."
"Sir, wala po kaming ginagawang masama ni sir Allen."
"Wala naman akong ibig ipakahulugan doon. Tsaka kung may relasyon man kayo ng kapatid ko, wala akong pakealam."
"Sir, wala po kaming relasyon dalawa."
"Hindi mo kailagang mag-explain dahil hindi ako interesado. Lumabas ka na."
Lumabas ako ng opisina niya. Muli ay gusto kong maiyak, kaya lang ay pinipigilan ko lang.
"Hindi ka pweding umiyak, Isay. Kasalanan mo kaya ka niya pinagalitan. At kung sa palagay mo man ay nagbago siya, nagkakamali ka. Dahil walang espesyal sa iyo. Empleyado ka lang niya. Iyon lang."