Episode 34

1446 Words
Ilang linggo na din ang nakakalipas at masasabi ko na naging magaan na ang kalooban ko kay Sir Allen. Mabait siya gaya ni sir Axel. Madalas din niya ako niyaya magdinner pagkatapos ng trabaho. Alam ko napapansin din ng ibang mga empleyado kung paano ako tratuhin ni sir kaya lang ay hindi ko nalang pinapansin. Isang araw, nagmadali akong pumasok ng kompanya dahil nalate ako. Wala kasi akong masakyan ng araw na iyon. Sa kamamadali ko ay nadapa ako at nasugatan pa ako sa tuhod.  Pumasok ako sa loob ng opisina ni sir para iabot ang kape niya. Medyo paika-ika akong maglakad dahil na din sa sakit ng sugat ko sa tuhod.  "Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ka kung maglakad?" tanong niya sa akin.  "Ah nagkaroon lang po ako ng sugat sir." "Ano? Saan banda?" tumayo siya bigla at nilapitan ako.  "Sa tuhod po."  Tiningnan niya ang sugat ko sa tuhod. Pagkatapos non ay nabigla ako dahil bigla niya akong binuhat at inupo sa may sofa. "Dito ka lang, ipapabili kita ng gamot." "Sir, wag na po. Okay lang ako."  Mukhang hindi niya pinansin ang naging sagot ko bagkus ay dumeretso ito palabas ng opisina at ilang saglit lang ay pumasok siyang muli.  "Nagpabili na ako. Hintayin nalang natin. Ano bang nangyari sa sugat na ito?" "Nagmamadali po kasi ako kaya nadapa po ako." "Bakit ka nagmamadali? Wala namang kaso kung malate ka. Sa susunod, mag-iingat ka." May kumatok sa pintuan at bumukas ito. Si Melissa iyon na empleyado din dito. Sa kanya siguro nagpabili si sir Allen. Matalim ang mga titig niya sa akin. Napayuko na lamang ako. "Thank you, makakalabas ka na." Kaagad naman itong tumalima at lumabas na.  "Lalagyan ko ng alcohol ah. Medyo mahapdi ito pero tiisin mo na lang." Bigla akong nanginig. Sa totoo lang ay ayaw kong nakakakita ng mga sugat o dugo dahil bigla akong pinanghihinaan ng loob. Naalala ko dati nung mas bata pa si Bugoy, nahulog siya sa may hagdan sa dati naming tinitirhan, dumugo ang ulo niya at ng makita ko iyon ay parang mas ako pa ang hihimatayin kaysa sa kanya.  "Anong problema? Bakit parang pinagpapawisan ka?" tanong niya sa akin.  "Sir, pwedi po ba kayo na lang maglagay ng gamot? Ayoko po kasing tingnan ang sugat ko." "Oo naman. Masakit ba?" Tumango ako.  Nag-umpisa na siyang maglagay ng alcohol sa sugat ko. Pumikit na lamang ako para hindi ko masyafong maramdaman ang sakit.  Ilang saglit lang ay muling nagsalita si sir.  "Okay na. Dumilat ka na." tugon niya sa akin. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko na nakaband aid na ito.  "Bakit ka pumikit?" tanong niya sa akin.  "Para hindi ko po nakikita. Mas nararamdaman ko po kasi ang sakit kapag tinitingnan kong nilalagyan niyo po ng gamot." "Ganun pala. Basta sa susunod mag-iingat ka na ah. Kasi baka hindi ko na mgawa iyan sa iyo." "Ano pong ibig niyong sabihin?" "This is my last day sa office, Bella. Uuwi na sina mom at dad mamayang gabi kasama si Axel." "Talaga po sir?" masayang tugon ko sa kanya.  "Ang saya mo ah. Miss mo na ba siya?" tanong niya sa akin. Bakas ko ang lungkot sa mga mata ni sir Allen.  "Masaya lang po ako kasi magaling na po talaga si sir." "Gusto mo bang sumama sa bahay?" tanong niya sa akin.  "Naku sir. Wag na po. Wala namang dahilan para pumunta ako sa inyo. Empleyado lang po ako." "Diba magkaibigan kayo ni Axel? Magkaibigan din tayo. Kaya walang masama kung nasa bahay ka. Sige na, pagbigyan mo na ako. Baka ito na ang huling araw na makakasama kitang magdinner." "Pero kasi po..." "Basta, wala ng pero pero. Sasama ka." Hindi na ako tumutol pa. Sa totoo lang nakakaramdam ako ng hiya. Parang mali na sasama ako sa kanya. Pero naisip ko din na magkikita kaming muli ni sir Axel kaya okay na din. Gusto ko siyang makita at makomusta. Gaya nga ng napag-usapan namin ay sumama ako kay sir pauwi sa kanila. Balot ng kaba ang buo kong pagkatao pero may halong excitement dahil muli ko siyang makikita.  Habang nagbabyahe kami ay tinawagan niya ang kapatid niyang si ate Alexa upang tanungin kung nasa bahay na ba sina sir Axel. At nung sumagot ito na naroon na ay muling nadagdagan ang kaba sa dibdib ko.  "Okay ka lang?" tanong niya sa akin.  "Kinakabahan lang po ako, sir. Eh kung wag na lang po kaya ako sumama? Nakakahiya po kasi. Ano nalang po sasabihin ng mga magulang niyo kapag nakita nila na naroon ako?" "Wag mong alalahanin sina mom at dad. Mababait sila." "Pero sir." "Malapit na tayo."  Bumusina siya sa malaking bahay at ilang saglit lang ay binuksan ng dalawang lalaki ang gate at ipinasok niya ang kanyang sasakyan sa may karahe.  Bumaba siya sa kotse pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya ako dahil hirap pa din ako maglakad dahil sa sugat ko.  "Allen. Nandito ka na pala. Hello, Isabella." bati sa amin i ate Alexa. "Good evening po, ate Alexa." bati ko din sa kanya. "Good evening din. Tara na sa loob. Naroon na sina mom at dad. Kasama si Axel at Pam." Bigla akong kinabahan. Narinig ko ang pangalang Pam. Ibig sabihin ay narito ang girlfriend ni sir. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay napalitan ng lungkot.  "What's wrong?" tanong ni sir Allen "Wag na lang po kaya akong pumasok? Nahihiya po kasi ako." "Hindi pwedi no. Alam nila na narito ka, kaya papasok tayo sa loob." Muli ay inalalayan niya ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa loob ng kanilang bahay. Hindi ko pa din talaga mapigilang mamangha sa ganda ng bahay nila. Dumeretso kami sa kusina nila at nakita ko na nakaupo na silang lahat doon at nakatingin lahat sila sa gawi naming dalawa ni Sir Allen. Napatingin naman ako sa gawi ni sir Axel may katabi itong magandang babae na sa palagay ko ay si Pam na nobya niya. Sobrang ganda niya, walang-wala ako kumpara sa kanya. Nakita ko din ang may edad na babae at lalaki na sa tingin ko ay mga magulang nila. Malamang nasa 50's na pero ang ganda at gwapo nila pa din.  Muli akong tumitig sa kinaroroonan ni Sir Axel. Ang laki ng ipinayat niya pero kita mo pa din ang kagwapuhan niyang taglay. Nakatingin siya sa akin pero walang ekspresyon ang mukha. Wala pa din siyang pinagbago, laging ganoon ang ekspresyong nakikita ko sa kanya.  "Umupo na kayo, Allen. Para makakain na." utos ng ina nila.  Nag-umpisa na kumain. Nagagawi pa din ang tingin ko sa kinaroroonan ni sir Axel. Sinusubuan siya ng kanyang nobya.  "Hindi mo ba ipapakilala sa amin iyang kasama mo, anak?" sabi ng kanyang ina. "Siyanga po pala, siya po si Isabella. Siya po ang sekretary ni Axel sa kompanya." "So you mean? Magkakilala na pala sila ni Axel? At alam niya ang tungkol sa inyong dalawa?" tanong ng kanyang tatay. "Yes dad. Pero wag po kayong mag-alala, hindi naman po magsasalita si Isabella tungkol sa pagpapanggap ko." "Girlfriend mo ba siya?" napatingin ako sa nagsalita. Si sir Axel iyon. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya.  "Hindi." sagot naman ni sir Allen.  "How come, sinama mo siya dito?" muli ay napatingin ako sa kanya.  "Bakit? Ayaw mo ba na narito siya?" "Ang akin lang, Allen. Empleyado ko siya sa company. What if may makakita sa inyo, ano na lang sasabihin nila." Parang dinurog ang puso ko ng oras na iyon. Ayaw niya ba akong narito? Bakit parang hindi siya ang Axel na kilala ko.  "Sorry po sir Axel. Uuwi na lang po ako. Salamat po sa dinner." Tumayo ako. Kaya lang ay bago pa ako makalakad ay hinawakan ako ni Sir Allen sa kamay.  "Hindi ka pa tapos kumain." "Okay na po ako sir. Busog na po ako." "Hintayin mo ako. Ihahatid na kita." Hindi na ako tumutol po. Sa totoo lang ay gusto ko ng kaagad umalis sa lugar na iyon. Dahil kung magtatagal pa ako ay baka makita nila ang pag-agos ng mga luha ko.  Pagkalabas ko ng kusina ay saka ko na pinakawalan ang pinipigilan kong mga luha. Bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko. Inalalayan muli ako ni sir Allen hanggang sa makapasok muli ako sa kotse.  "Pagpasensiyahan mo na si Axel. Galing sa sakit e." "Sorry po, sir Allen. Kaya ko naman po umuwi mag-isa." "Anong kaya. Hindi ka nga makalakad ng maayos tapos uuwi ka pang mag-isa? Okay lang ako. Tsaka ako naman talaga may kasalanan dahil pinilit kita sumama. Iuuwi na kita sa inyo." "Pwedi po ba na sa ibang lugar muna tayo pumunta?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD