Episode 33

1138 Words
Kinabukasan, ilang na ilang ako kay Sir Axel ay este sa kakambal niya pala. Hindi ko na din matandaan kung ano ang pangalan niya, alam ko sinabi niya pero hindi ko na maalala dahil hindi pa din ako makapaniwala sa mga nalaman ko lalo na ang nangyaring aksidente kay sir.  Pinagtimpla ko lang siya ng kanyang kape kaninang umagang pagdating niya. Lumabas din siya noong lunch time na. Ramdam ko din na naiilang siya sa akin dahil ni isang salita ay wala akong narinig sa kanya. Buong araw lang siyang nakaupo at nakatutok sa kanyang laptop. Oras na ng uwian. Nakita ko si sir na lumabas na ng opisina. Sandali pa kaming magkatinginan pero walang ekspresyon ang kanyang mukha. Lumapit ako sa kanya. "Mag-ingat po kayo sa pag-uwi, sir." sabi ko sa kanya na pilit ngumingiti. Ngumiti lang siya sa akin at hindi sumagot.  Inaayos ko muna ang mga gamit bago ako umuwi. Ilang saglit lang ay nasa labas na ako ng company para mag-abang ng masasakyan.  Naghihintay ako na may dadaang taxi o jeep. Abala pa ako sa pagkakalikot sa cellphone ko ng biglang tumigil sa harapan ko ang isang kotseng kulay asul. Hindi ako pamilyar sa kotseng iyon. Umatras lang ako ng kaunti dahil baka dumadaan lang ang kotseng iyon. Kaya lang nagulat ako ng bigla itong nagbusina. Bumukas ang bintana at may sumilip na isang lalaki. Si sir iyon, ang kakambal ni sir Axel.  "Sumakay ka na." sabi niya sa akin.  "N-naku sir, wag na po."  "Sige na. May sasabihin ako sa iyo, tungkol sa kanya." Napaisip ako sa sinabi niya. Ang tinutukoy niya ba ay ang kambal niyang si Sir Axel? Bigla tuloy akong nacurious kung ano iyon. Ilang man ako, pumayag na din ako dahil gusto kong malaman kung ano na ang nngyari sa kanya.  Sumakay ako at nagseatbelt. Nag-umpisa na din niyang paandarin ang kanyang kotse.  "Pwedi bang kumain muna tayo ng dinner, gutom na kasi ako."  "Sige po, sir." sagot ko sa kanya. "Saan mo gustong kumain?"  "Kahit saan po." Nagdrive thru siya sa isang fast food chain at nag-order na marami. Kahit gusto kong tumutol ay hindi ko na magawa. Ngayon kasi nalaman ko na hindi siya si sir Axel ay naging matipid na ang mga salita ko dahil alam ko naman na hindi naman kami close na dalawa.  Pagkatapos niyang mag-order ay naghanap siya ng lugar na pwedi niyang ipark ang sasakyan.  "Tara, kain na tayo. Pasensiya na kung iyan ang ibinili ko. Miss ko na kasi kumain ng ganito." "Salamat po, sir." Kumuha ako ng isang burger at iyon ang kinain ko.  "Ayaw mo ba ng chicken?" tanong niya sa akin.  "Kukuha na lang po ako mamaya, sir." "Okay ka lang ba? Napansin ko na parang naiilang ka sa akin. Dahil ba hindi ako si Axel?" Napatingin muna ako sa kanya bago sumagot.  "Hindi naman po sa ganon." "Pwedi ba kitang tanungin? Gusto ko honest ang sagot mo." "Ano po iyon, sir?" "May gusto ka ba kay Axel?" Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi tuloy ako kaagad nakasagot sa kanya, bagkus ay napayuko lang ako. "I think hindi mo na kailangang sagutin dahil mukhang obvious naman." "Sorry po, sir." "Hindi na ako nagulat pa. Sa totoo lang, lahat ng tao si Axel ang gusto. Sa aming dalawa, siya ang mas magaling, mas matalino at mas mabait. Samantalang ako, wala. Pabigat lang sa pamilya." "Wag niyo pong sabihin iyan, sir. Wag niyo pong ikumpara ang sarili niyo kay sir Axel." "Umalis ako sa bahay namin noon dahil ayaw ko ang ikinukumpara kaming dalawa. Masakit para sa akin iyon." "Siguro po ay may kakayahan si Sir Axel na wala sa inyo, pero sigurado naman po na may kakayahan din kayo na wala naman si Sir Axel at hindi lang iyon nakikita ng iba. Hindi niyo po kailangang ikumpara ang sarili niyo sa kahit sino man, dahil magkakaiba-iba tayo. Tsaka mabait po kayo sir at masayahin pa, I'm sure masaya kayong kasama." "Talaga? Edi masaya ka pag kasama mo ako?"  "Oo naman sir." nakangiti kong sagot sa kanya. "Salamat ah. Alam mo, naalala ko si lola. Siya ang laging takbuhan ko kapag malungkot ako. Siya lagi nagpapagaan ng kalooban ko noong bata pa ako. Kaya nung nawala siya, parang namatay na din ang kalahati ng katawan ko." "Nandiyan naman ang mga magulang mo at kapatid." "I know, pero hindi ko naman kayang sabihin sa kanila ang totoo lang nararamdaman." "Kahit sa nanay at tatay mo?" "Ewan ko ba. Sa totoo lang malayo ang loob ko sa kanila. Bukod kay lola, sayo ko palang nasasabi ang ganitong pakiramdam ko. Kaya salamat kasi makikinig ka sa akin." "Handa po akong makinig anytime, sir. Basta kung may problema kayo, sabihan niyo lang ako."  Pinagpatuloy namin ang kinakain namin. Kung kanina naiilang akong kausapin siya, pero ngayon ay kumportable ko na siyang kinakausap. Puro tawanan din kami dahil sa mga asar at jokes niya sa akin.  "Siyanga pala sir, kumusta na po si sir Axel?" "Nagkamalay na siya. Kaso hindi pa siya nakakausap. Baka magtatagal pa siya sa Amerika." "Ang importante po, nagising na siya." "Alam mo naman ang tungkol kay Pam, diba? Kinwento ba niya sa iyo ang tungkol sa kanya?" "Hindi ko alam kung dapat ko po bang ikwento ang mga nangyari kaya kami nagkakilala." "Gusto kong malaman." Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago ko ikinwento sa kanya ang lahat. Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa gabing iyon na lasing siya, maging ang magsundo niya sa aking kapatid na si Bugoy. Maging ang tungkol sa singsing na nawala na siyang dahilan kaya ako nagtatrabaho sa kompanya nila. Ang hindi ko lang nakwento sa kanya ay yung hinalikan niya ako bigla nung gabing iyon.  "Singsing? Ang ibig mong sabihin, nawala mo ang singsing na ibibigay niya kay Pam? Pinapabayad niya sa iyo iyon kaya ka nagtatrabaho sa kompanya?" "Opo. Bakit?" Para siyang may ibang iniisip ng mga oras na iyon. "Ah wala. Atleast naiintindihan ko na ngayon." Hinatid niya ako sa bahay ng pasado alas nuebe ng gabi. Nadatnan ko pang nakagising ang kapatid kong si Bugoy dahil.gumagawa pa ito ng takdang-aralin. At eksakto din na may natira pang pagkain sa mga kinain namin kaya ibinigay ko sa kanya.  "Wow kuya Axel, salamat po dahil binili niyo ulit ako ng ganito." "Wala iyon. Tapusin mo na iyan para makakain kana at matutulog. Bawal magpuyat ang mga bata." "Opo kuya." Nagpaalam ng umuwi si sir. Hinatid ko lang siya sa labas.  "Sir, salamat po ulit sa pagkain. Mag-ingat po kayo." "Hindi, wala kang dapat ipasalamat dahil sa totoo lang ako ang dapat magpasalamat sa iyo dahil napagaan mo ang kalooban ko. Salamat." Bigla namang nanlaki ang mga mata ko dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako makagalaw bigla sa ginawa niya.  "Goodnight, Bella." "Good night po, sir."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD