"Kaya mo bang gayahin ang pirma ni Axel?" tanong sa akin ni ate.
"Hindi. Bakit?" tanong ko.
"May mga dokumentong kailangang pirmahan. Ipadadala ko nalang sa sekretarya mo dito sa bahay ang mga dokumento. Pag-aralan mo muna ang pirma niya." utos sa akin ni ate nung umagang iyon.
"Sige. Maliligo muna ako."
Nagdesisyon ako na maligo na lang sa opisina ni Axel sa 3rd floor. Nagbabad pa ako sa bath tub para marelax kahit papaano. Nakangiti lang ako dahil sa sinabi ni ate na pupunta siya dito. Halos mag-iisang oras yata akong nakababad sa bath tub. Binilisan ko nalang ang pagshoshower. Pagkatapos ay kumuha ako ng dalawang towel. Ang isa ay pinambalot ko sa aking pang-ibaba at ang isa naman ay ginamit ko para punasan ang buhok at pang-itaas ko.
Lumabas ako ng banyo at nanlaki ang mga mata ko dahil may babae sa loob ng opisina. Kahit nakatalikod siya ay alam kong siya iyon. Nakatalikod siya sa akin at nakatitig siya sa family picture namin na nakasabit doon. Nakalaglag pa sa sahig ang mga papel na sa palagay ko ay mga dokumento na kailangan kong pirmahan.
Kinabahan ako, malamang ay nakita niya ang parehong mukha namin ng kambal ko. Paano na lang kung maghinala siya sa akin? Pero kung magtanong man siya, pwedi ko namang sabihin na kakambal ko siya.
Ms. Marquez?" tawag ko sa kanya. Bahagya pa aiyang nagulat bago niya ako tuluyang harapin.
Medyo nakaramdam din siguro siya ng hiya niyang makita niya na nakatapis lang ako.
Pinulot pa niya ang mga nahulog na dokumento at inilapag sa table. Ramdam ko pa sa kanya na mesyo natataranta siya sa presensiya ko. Hindi man lang niya ako sinagot bagkus ay parang magtatangka na sing lumabas ng opisina.
"Ms. Marquez, may problema ba? Sorry hindi ko alam na narito ka na pala sana nagbihis na ako kaagad sa banyo. Hintayin mo ako magbibihis lang ako." sabi ko pa sa kanya. Tangkang ttalikod na ako ng bigla siyang magsalita na talaga namang kinagulat ko.
"Hindi ikaw si sir Axel."
Bahagya akong tumawa para hindi siya makahalata. "Anong sabi mo?"
"Hindi po ikaw si sir Axel. Nasaan siya?"
"Hindi kita maintindihan. Ahhh, you see our family picture. Totoo nakikita mo, may kakambal ako pero ako si Axel, your boss." pagpapaliwanag ko pa sa kanya.
Hindi siya muling kumibo.
"Hintayin mo ako dito, magbibihis lang ako at mag-uusap tayo. Please." pakiusap ko sa kanya. Mi ay pumasok ako sa banyo at kumuha ng mga damit ni Axel. Nagsuot lang ako ng simpleng tshirt at shorts.
Lumapit ako sa kanya.
"Can you tell me, paano mo nasabi na hindi ako si Axel? Dahil lang ba sa picture na nakita mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi po. Maraming dahilan." tugon niya sa akin..Bigla tuloy akong nacurious kung paano niya kaagad nsabi na hindi nga ako si Axel.
"Pwedi mo bang sabihin ang sinasabi mo na marami na iyan."
"Karamihan po kasi sa mga kilos at pananalita niyo ay magkaibang magkaiba kay sir Axel."
"Gaya ng?"
"Nung una po, sa kape. Alam ko po ayaw niya ng may creamer kaya ang ginagawa ko po sa kanya ay laging black coffee lang. Hindi din niya ako tinatawag na Ms. Marquez dahil tinatawag niya po ako sa mismong pangalan ko. Alam ko din po na hindi niya paborito ang balot dahil nung minsang bumili kami ay diring-diri siya. At bukod po doon.... wala po siyang balat sa dibdib."
Napatawa pa ako ng malakas sa sinabi niya. Paano kaya niya nalaman na walang balat sa dibdib si Axel?
"Mukhang close na close pala talaga kayo ng kapatid ko. Tama ka. Hindi nga ako si Axel kundi ang kambal niya." deretso kong sagot sa kanya. Mas mabuti na din siguro na alam niya tutal kahit magpanggap ako ay hindi din kapani-paniwala sa kanya. Tsaka isa pa, ayoko na din magpanggap pa sa kanya. Gusto ko ay makilala niya ako bilang ako. Bilang si Allen Alcantara.
"Kung ganoon, nasaan po si sir?"
"Kapag sinabi ko ba, mangangako ka na sikreto lang itong nalaman mo?
Tumango naman siya sa akin. Mukha namang mapagkakatiwalaan siya.
"Nasa Amerika si Axel at nagpapagaling."
"Po? May sakit po si Sir?" kita ko ang gulat sa kanya at ang pag-aalala. Bigla tuloy akong nalungkot. Sa palagay ko ay madami na silang pinagsamahan ng kapatid ko.
"Naaksidente siya and our parents decided na ipaopera siya doon. Nakiusap sa akin si dad na palitan ko muna si Axel dahil ayaw nila na mawala ang mga investors ng company that's why nagpanggap ako bilang siya. Sa totoo lang noong una ayaw ko dahil wala naman akong alam sa mga trabaho niya sa company. But eventually, pumayag na din ako. Mas okay na din sigurong alam mo, para hindi ko kailangang magpanggap."
"Kumusta na po si sir?"
"Successful naman ang operasyon niya. Kaya lang mahina parin siya. Pag gumaling na siya uuwi na din siya at babalik sa company."
"Sino pong nagbabantay sa kanya doon?"
"My mom, si dad at si Pam na girlfriend niya."
Kita ko na nalungkot siya nang marinig niya ang pangalan ni Pam. May gusto din ba siya sa kapatid ko gaya ng pagtatapat ng kapatid ko na nagugustuhan na niya ang sekretarya niya? Sana ako na lang.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpaalam na siya na babalik na siya ng opisina. Hindi ko na siya oinigilan pa. Nangako din naman siya na hindi niya sasabihin sa iba ang nalaman niya at may tiwala naman ako sa kanya.
Kita ko pa din ang pag-aalala niya sa kambal ko. Nung mga oras na iyon bigla nanaman akong napaisip.
"Bakit lahat nalang yata ay nakatadhana para kay Axel? Bakit lahat nalang napupuntansa kanya? Siya na iyong matalino, responsable at mabait na anak, samantalang ako puro pasarap lang sa buhay. Inaamin ko din na minsan kong ninais na ako ang magpatakbo ng kompanya ni dad, kaso lang mukhang hindi naman ako qualified, kaya at the end ay sa kanya ito napunta. Minsan nararamdaman ko din na mas proud sina kom at dad sa kanya. Madalas din kami ikumpara ng ibang tao, sa kanya ouro papuri sa akin naman puro pangaral. Naalala ko pa ang madals niyang sabi sa akin na maging seryoso na ako sa babae. Paano kung sabihin ko sa kanya na finally, nangyari na, may nagpatibok na sa puso kong manhid, pero paano ko sasabihin sa kanya na babaeng nagugustuhan ko na ay siya pala ang gusto at hindi ako!"