Episode 31

1666 Words
Allen's POV Excited ako pero kinakabahan sa pagpasok sa opisina. Basta ang tanging pumapasok lang sa utak ko ay muli kong makikita ang babaeng iyon.  Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang gallery ko. Naroon pa din ang picture niya na natutulog at nakanganga pa sa bus. Ewan ko ba tuwing tinitingnan ko iyon, nagbabago ang mood ko.  Bukod doon, naalala ko ang minsang sinabi sa akin ni Axel. Naikwento niya sa akin na nagkaroon siya ng pagtingin sa kanya. Hindi ko siya masisisi, maganda siya kaya nga kaagad ko siyang napansin noon.  Pagdating ko sa opisina ay siya kaagad ang tinitingnan ko. Hanngang sa nakita ko na nga siya. Sa tingin ko nga ay mas gumanda pa siya sa paningin ko dahil nakaayos siya ngayon.  Binati ako ng ilang mga empleyado. Pero ng bumati siya sa akin ay sa kanya lang ako bumati pabalik.  "Good morning po sir." "Good morning Ms. Marquez." sabi ko sa kanya sabay ngiti.  Pumasok ako sa opisina at kaagad naman siyang sumunod sa akin.  "Sir, gusto niyo po ba ng kape?" tanong niya sa akin.  "Wow. Ang sipag mo naman. Salamat." "Ho?" Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko. Naku! Baka makahalata pa siya.  "Sabi ko, salamat." "Ahh okay po."  "Wait lang. Cappuccino ang gusto ko na super creamy. Salamat."  "Ho? Sige po." Ilanh saglit lang ay bumalik siya na may dalang kape.  "Salamat, Ms. Marquez." "Your welcome po. Sir, kung may kailangan pa po kayo nasa labas lang po ako." "Sige." Ilang minuto pa lang ang itinagal ko sa opisina ay naiinip na ako. Wala naman akong alam gawin. Ayokong pakealaman ang laptop ni Axel baka may mabura lang ako na mahalagang document.  Sumandal ako sa kinauupuan ko at pumikit. Bigla akong dinalaw ng antok kaya nakatulog ako.  "Sir?"  "Nasa langit na ba ako, bakit may anghel na napakaganda sa harapan ko." nasabi ko. Dinilat ko ng maayos ang mga mata ko at bahagya pa akong nagulat dahil siya pala ang nasa harapan ko. Umayos ako ng upo at inayos ko din ang nagulo kong buhok.  "Sorry, nakatulog ako." sambit ko. "Okay lang po iyon sir. Siyanga po pala lunch time na po sir. Baka gusto mo na po munang kumain?" tanong niya sa akin.  "Bakit may baon ka ba diyan?" "Baon po?" "Oo, parang sa mga bata, yung lunch box." "Ahh. Iyon po ba? Wala po. Kumakain lang po ako sa mga kainan malapit sa company." "Nang nag-iisa?" "Opo."  "Mag-isa din ako kumakain, gusto mo sabay ma tayo?" "Naku sir wag na po." "Ahh ganun ba. Sige. Eat well."  Lumabas ako at naghanap ng pweding makainan. Naalala ko bigla ang sinabi niya na kumakain lang siya sa labas ng company kaya naisipan ko na magtake-out na lamang para makasabay ko siyang kumain. Pagbalik ko sa company ay kaagad ko siyang nakita sa isang tindahan. Nilapitan ko siya at nakita ko na may hawak itong tinapay at isang bote ng tubig.  "Iyan lang ang kakainin mo?" mukhang nagulat pa siya sa akin nang bigla akong magsalita. "Sir kayo po pala."  "Let's go, may iuutos ako sa iyo." sabi ko sa kanya at kaagad naman siyang sumunod.  Inilapag ko ang dala kong pagkain at umupo sa sofa.  "Umupo ka." utos at kaagad naman siyang sumunod.   "Mabuti nalang at dinamihan ko ang tinake-out ko, kaya samahan mo akong ubusin ito." "Naku sir wag na po. Okay na po ako dito."  "Ganito ang kinakain mo? Hindi naman healthy ito e. Tsaka mukhang hindi pa masarap. Kaya bilang boss mo, sundin mo ang utos ko. Tulungan mo akong ubusin ang lahat ng ito, okay?". Mabuti nalang at kumain na din aiya. Lihim ko pa siyang tinitingnan at gandang-ganda talaga ako sa kanya. "Bakit ang tahimik mo?" tanong ko pa. "Wala lang po sir."  "Wag kang matakot sa akin, hindi naman ako nangangagat." Nasa ganoong sitwasyon kami ng biglang bumukas ang pinto. Si ate Alexa iyon kasama ang pinsan naming si Halia.  "Ate Alexa, anong ginagawa mo dito?" "Yayayahin ka sana naming maglunch, pero mukhang busog ka na." "Good afternoon po, Mam." bati niya kina ate.  "Hi. Isabella, right? Do you still remember me?" "Opo. Natatandaan ko pa po kayo." "Hindi ko alam na secretary ka pala ng kapatid ko." "Bro, pwedi bang mag-usap muna tayo sandali? Isabella, maaari mo ba muna kaming iwanan?"  "Sure po mam." sabi niya bago tuluyang lumabas sa office.  "What is this, Allen? Don't tell me type mo si Isabella?"  "Ate naman, pwedi ba wag iya. pag-usapan natin?" "At bakit hindi? Naku, Allen, tigilan mo iyan. Puro babae nalang inaatupag mo." "Ate naman, narito si Halia oh. Wag mo naman akong ipahiya sa kanya." "Nahihiya ka sa kanya, pero sa sarili mo hindi ka nahiya." "Tama na iyan. Ano ba kasi ginagawa niyo dito? Narito ba kayo para lang sermunan ako." "Pinasyal ko lang si Halia dito. Tsaka business din ang natapos niya kaya malay natin dito niya magagamit napag-aralan niya." "Iyan lang? Tssk. Naistorbo niyo pa ang paglulunch ko." "Ang paglulunch mo o yung pamomorma mo sa secretary mo?" "Hayaan na natin, ate Alexa. Malay natin si Isabella pala makapagpapatino sa kanya." sabat ni Halia. "Grabe, pinsan, gusto ko iyang sinabi mo. Kita mo na ate. Walang masama sa ginagawa ko. Palibhasa kasi walang nanunuyo sa iyong lalaki kaya ka ganyan, hayaan mo ipaghahanap kita ng lalaki para mabawasan iyang kasungitan mo." Bigla naman akong binatok ni ate. At napatawa naman si Halia.  "Kung katulad mo lang, wag na."  "I love you, ate." sabi ko sabay yakap sa kanya.  "Yuck, wag mo nga akong yakapin." Muli ay napatawa si Halia. "Ang sweet niyo naman pong magkapatid. Sana may kapatid din akong kasing kulit nitong si Allen." "Kung makulit pala ang gusto mo, aso nalang. Wag na siya dahil lang siya sa ulo." "Kinumpara ba naman ako sa aso." sagot.  Kapwa naman napatawa silang dalawa. Lumabas kaming tatlo sa opisina at nakita ko siya na nakatingin sa amin.  Nakailang araw na din ako nagtatrabaho sa opisina at okay naman at hindi na ako naiinip dahil narito siya at kasama ko.  Nakaramdam pa ako ng saya ng minsang nabanggit niya na gusto niya akong imbitahin sa bahay nila para kumain ng hapunan. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya na pasalamat niya sa akin sa pagtulong ko sa kanya sa operasyon ng kanyang itay, malamang ay natulungan siya ng kapatid ko bago siya maaksidente. Siyempre hindi naman ako tumanggi dahil gusto ko din iyon at gusto ko din makilala ang pamilya niya.  "Saan ba banda ang bahay mo?" tanong ko sa kanya na ikinagulat pa niya.  "Ah sir, di ba po alam niyo na address ng bahay ko? Kasi hinatid niyo na ako doon." sabi niya sa akin. "Sorry, Ms. Marquez. Sa dami ng trabaho medyo magulo na ang utak ko, kaya madami na akong nakakalimutan." palusot ko sa kanya.  "Ganon po ba? Sige po ituturo ko nalang po."  Mukhang hindi naman siya nakahalata kaya okay na. Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa kanila. At pagpsok ko palang sa kanila ay sinalubong ako ng isang batang lalaki na sa tingin ko ay kapatid niya. Nagulat ako dahil kilala niya ang kapatid ko. Bigla ko tuloy naisip na mukhang close ang kapatid ko sa pamilya niya.  "Kuya Axel. Mabuti po narito kayo." "Ahhh, kilala mo ako?"  "Siyempre po. Kayo pa po ba." "Hello po, Good evening." bati ko naman sa kanyang mga magulang  "Magandang gabi din po sa inyo. Kayo po pala ang boss nitong anak ko. Lubos po kaming nagppasalamat sa tulong niyo sa amin, kaya kahit sa simpleng hapunan lang po ay nakaganti kami. Pagpasensiyahan niyo na din po itong bahay namin dahil maliit lang." "Naku, wala po iyon. Ayos lang po sa akin. Mas nagppasalamat po ako dahil inimbitahan niyo po ako.". Pagkatapos kumain ay naghugas siya ng plato. Nagprisinta pa ako na tulungan siya kaso lang ay tumangginsiya. Bigla kong napansin na nababasa ang mahaba niyang buhok. Naglakas loob akong hawakan at itali ang kanyang buhok.  "Dapat nakaponytail ang buhok mo kapag naghuhugas ka ng plato, tingnan mo oh, nababasa na. Baka iyang nga pinggan ay malagyan pa ng nalagas mong buhok.  "Iyan, dapat ganyan." dagdag ko pa.  "Salamat, sir."  "Your welcome."  Pagkatapos maghapunan ay niyaya niya ako bigla sa labas para makapaglakad.  "Thank you sa masarap na dinner." sabi ko pa. "Wala po iyon. Kami po ang dapat magpasalamat dahil pumayag kayo." "Next time ulit. Ako naman manlilibre. Kain tayo sa labas kasama kapatid mo at mga magulang." "Naku sir. Wag na po. Nakakahiya." "Okay lang iyon. Nakakasawa kasi kumain ng mag-isa. By the way, paano mo nga pala nakilala si ate Alexa?" kuryosidad kong tanong.  "Hindi niyo na po naaalala?"  Natigilan ulit ako. Hindi ko alam kung hindi pa ba siya nag-iinala sa akin dahil halos lahat ay wala akong alam. "Medyo." sagot ko nalang.  "Nakilala ko po siya dahil sa inyo. Nung gabi na makita ko po kayo na lasing sa daan, akala ko po magpapakamatay kayo. Tinulungan ko po kayo. Si ate Alexa po ang naghatid sa inyo pauwi." "Ganun pala." "Yung girlfriend po ba ninyo ang kasama niya nung isang araw?" Bigla naman akonng napatawa. "You mean, si Pam?"  Tumango lamang siya. So may alam din siya tungkol sa girlfriend niya. Mas mabuti na din siguro iyon para naman hindi na siya umasa pa sa kapatid ko.  "Hindi si Pam iyon. She's Halia. Pinsan namin. Magkapatid ang mga dad namin." "Ganoon po ba? Akala ko po siya ang girlfriend niyo." "It's okay. Masyado kasi siyang maganda para maging pinsan ko. Pero mas maganda ka." ngiti kong sagot sa kanya.  "Wag niyo po akong bolahin sir." "Mukha ba kitang binobola?" Patuloy lang kami nagkukwentuhan. Hanggang sa may marinig kami na nagtitinda ng balot.  "Balotttt!"  "Uy balot. Tara bili tayo." yaya ko sa kanya.  "Manong, magkano ang balot?" "Kinse po isa." sagot ng tindero. "Ang mahal naman. Trese lang banda sa amin iyan e. Anyway, bigyan mo kami ng lima." sabi ko pa.  "Okay po." sagot naman ng nagtitinda.  "Salamat, manong."  Pagkaalis ng tindero ay hinarapan ko siya at inabot ang dalawang balot.  "Kumakain ka ba ng ganito?" "Oo naman po."  "Mabuti. Tara kain tayo. Alam mo ba favorite ko itong balot." "Talaga po?"  "Oo naman. Hindi naman ako maselan sa pagkain."  "Bakit hindi ka pa kumakain? Ayaw mo ba?" tanong ko pa sakanya.  "Medyo busog lang po ako, sir."  "Ganun ba? Itabi mo nalang tapos kainin mo nalang pag nagutom ka."  "Sige po." Mag-aalas dyes na ng gabi ng magpasya na akong umuwi. "Thank you, Ms. Marquez. Nag-enjoy ako. See you tomorrow." "See you tomorrow po, sir." Pagkauwi ko ay naroon pa rin ang kasiyahan sa puso ko. Sa totoo lang ngayon konlang naramdaman ang ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang saya. Isa lang ang alam ko, gagawin ko ang lahat makasama ko lang siya palagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD