Kinaabukasan ay maaga ulit akong pumunta sa opisina.
"Ms. Marquez. Tumawag si sir Axel ngayong-ngayon lang at sinabi niya na pumunta ka ngayon sa bahay nila at ihatid mo sa kanya ang mga dokumento na kailangan niyang pirmahan dahil hindi siya makakapasok ngayon.
"Sige po Mam." sagot.ko.
Ibinigay ni Mam Garcia ang address ng bahay nila. Inayos ko ang mga dokumento na kailangan niyang pirmahan bagi tuluyang umalis.
Nagtaxi na lamang ako dahil hindi ako pamilyar masyado sa lugar.
Ilang minuto din ang inabot ko bago ko mahanap ang kanilang bahay.
Nang makababa ako sa taxi ay napanganga ako sa laki ng bahay nila. Grabe parang palasyo sa laki ang bahay nila. Kahit yata isang daan ang titira doon ay magkakasya.
Lumapit ako at mabuti na lang ay may kasambahay na lumabas sa gate.
"Excuse me po." sabi ko sa babae.
"Bakit po?"
"Pwedi po ba akong magtanong?"
"Ano po iyon?"
"Dito po ba nakatira si Sir Axel Alcantara?"
"Dito nga po, sino po sila?"
"Secretary po ako ni sir at ponapunta niya ako dito para po papirmahan ang mga dokumentong ito."
"Ganun ba? Pwedi bang maghintay ka muna dito sa labas at icoconfirm ko muna? Pasensiya ka na hija, nag-iingat lang kami, may ganyan din kasi dati kaso manloloko pala."
"Okay lang po. Naiintindihan ko. Maghihintay nalang po ako dito sa labas."
Muling pumasok ang may katandaan na babae at sinara ang gate.
Ilang minuto din ang lumipas bago muling bumukas ang gate.
"Maaari ka ng pumasok hija. Pasensiya ka na kung pinaghintay kita."
"Wala po iyon."
Pumasok na ako sa loob. Mas lalo akong namangha sa ganda ng loob. Pagpasok ko ay kita ko kaagad ang malawak na garden nila. May napansin ako na isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa apat o limabg taong gulang at may kasama itong isang babae na maganda din. Grabe. Ang pamilya nila ay hindi lang pinagpala pagdating sa karangyahan, kundi pati sa itsura. Lahat yata ng kamag-anak ni sir ay magaganda.
Bago ako makapasok sa loob ng mansyon ay kaagad kong nabungaran si ate Alexa. Makangiti ito sa akin.
"Hello, Isabella." bati niya sa akin.
"Hi po. Good morning Mam." bati ko din.
"Gusto mo ba munang mag-almusal? Tara samahan mo muna kami."
"Naku mam, wag na po. Ihahatid ko lang po itong mga pipirmahan ni sir tapos aalis na po ako."
"Napakasipag mo naman. Early in the morning nagtatrabaho ka na kaagad. Sige, puntahan mo na ang kapatid ko sa office niya. Manang, samahan mo siya."
Pumasok kami sa loob kasama ang isang kasambahay nila. Lalo akong napanganga sa itsura ng loob nila. Palasyo yata talaga ang bahay na ito dahil napakalaki at napakaganda ng pagkakagawa. Bukod doon, halatang mamahalin lahat ang mga kagamitan nila.
Umakyat kami hanggang sa third dahil naroon daw ang opisina ni sir. Pagtapat ko sa pintuan ay iniwan na ako ng kasambahay.
"Dito po ang opisina ni sir. Kayo na lang po ang pumasok, maiwan ko na po kayo." sabi niya sa akon bago tuluyang umalis.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang kumatok. Nakatatlong katok ako pero nag-aalangan pa din akong pumasok. Naghintay pa ako ng kaunti bago ako naglakas ng loob na buksan ang pinto. Hindi ito nakalock kaya nalapasok na ako.
"Sir?" tawag ko.
Walang tao sa loob. Napatingin ako sa paligid. May library doon at madaming libro ang nakalagay. Nakalagay ng maayos ang mga libro kaya ang sarap lang titigan.
Hanggang sa tumawag ng pansin sa akin ang isang picture. Malamang ay family picture iyon.
Lumapit ako doon at tinitigang mabuti. Napasapo ako sa aking bibig na makita ko si sir Axel at may katabi itong isa pang lalaki na kamukhang kamukha niya. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang pagkakahawak sa mga dokumento. Bigla akong nanginig sa mga nakikita ko. Muli ay tinitigan ko ng maayos ang letrato. Hindi nga ako nagkakamali, magkamukhang-magkamukha sila. Ano ito? Bakit dalawa sila? Ito na ba ang kasagutan ng gumugulo sa isip ko? Kaya ba bigla na lamang nagbago ang mga kinikilos ni sir dahil hindi naman talaga siya si sir Axel kundi ang kamukha niya o sa ibang salita ay kambal niya?
"Ms. Marquez?" hinarapan ko ang nagsalita.
Mukhang bagong ligo siya. Nakatapis ng tuwalya ang pang-ibabang niya pero hindi ang pang-itaas na bahagi. May mga butil butil pa siyang basa sa kanyang dibdib. Pero ang tumawag talaga ng pansin ko ang ang kulay itim na halos hugis pabilog sa kanyang dibdib. Mukhang balat iyon at sa pagkakaalam ko ay wala namang ganyan si sir Axel. Doon ay mas lalong lumakas ang kutob ko na hindi talaga siya si sir Axel kundi ang kakambal niya.
Pinulot ko ang mga nahulog na dokumento at inilapag sa table. Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko dahil sa nalaman ko.
Pagkatapos kong ilapag ang mga dokumento ay naisipan ko ng umalis. Ngunit bago pa ako makaalis ay pinigilan niya ako.
"Ms. Marquez, may problema ba? Sorry hindi ko alam na narito ka na pala sana nagbihis na ako kaagad sa banyo."
Hinarapan ko siya at nakangiti aiya sa akin.
"Hintayin mo ako magbibihis lang ako."
"Hindi ikaw si sir Axel." bigla kong tugon sa kanya. Kita ko kung paano siya nagulat sa sinabi ko sa kanya.
"Anong sabi mo?"
"Hindi po ikaw si sir Axel. Nasaan siya?"
"Hindi kita maintindihan. Ahhh, you see our family picture. Totoo nakikita mo, may kakambal ako pero ako si Axel, your boss." paliwanag niya sa akin.
Hindi ako kaagad nakapagsalita.
"Hintayin mo ako dito, magbibihis lang ako at mag-uusap tayo. Please." sabi niya at bumalik ito sa banyo. Hindi ako umalis. Gusto ko din kasi malaman talaga ang totoo.
Ilang saglit lang ay lumabas ito mula sa banyo. Nakabihis na ito ng simpleng tshirt at shorts.
Lumapit siya sa akin.
"Can you tell me, paano mo nasabi na hindi ako si Axel? Dahil lang ba sa picture na nakita mo?"
"Hindi po. Maraming dahilan."
"Pwedi mo bang sabihin ang sinasabi mo na marami na iyan."
"Karamihan po kasi sa mga kilos at pananalita niyo ay magkaibang magkaiba kay sir Axel."
"Gaya ng?"
"Nung una po, sa kape. Alam ko po ayaw niya ng may creamer kaya ang ginagawa ko po sa kanya ay laging black coffee lang. Hindi din niya ako tinatawag na Ms. Marquez dahil tinatawag niya po ako sa mismong pangalan ko. Alam ko din po na hindi niya paborito ang balot dahil nung minsang bumili kami ay diring-diri siya. At bukod po doon.... wala po siyang balat sa dibdib."
Napatawa siya sa huli kong sinabi. "Mukhang close na close pala talaga kayo ng kapatid ko. Tama ka. Hindi nga ako si Axel kundi ang kambal niya."
"Kung ganoon, nasaan po si sir?"
"Kapag sinabi ko ba, mangangako ka na sikreto lang itong nalaman mo?
Tumango ako.
"Nsa Amerika si Axel at nagpapagaling."
"Po? May sakit po si Sir?"
"Naaksidente siya and our parents decided na ipaopera siya doon. Nakiusap sa akin si dad na palitan ko muna si Axel dahil ayaw nila na mawala ang mga investors ng company that's why nagpanggap ako bilang siya. Sa totoo lang.noong una ayaw ko dahil wala naman akong alam sa mga trabaho niya sa company. But eventually, pumayag na din ako. Mas okay na din sigurong alam mo, para hindi ko kailangang magpanggap."
"Kumusta na po si sir?"
"Successful naman ang opersyon niya. Kaya lang mahina parin siya. Pag gumaling na siya uuwi na din siya at babalik sa company."
"Sino pong nagbabantay sa kanya doon?"
"My mom, si dad at si Pam na girlfriend niya."