Episode 6

1047 Words
Araw ng Huwebes, ikaapat na araw ng pagsusundo niya sa kapatid ko. Last day na lang bukas. Nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi ko na siya makikita. Sa totoo lang madami ang nagbago magmula ng unang beses naming sunduin si Bugoy. Dati ay napakaseryoso ng mukha niya at sobrang sungit niya pero ngayon palangiti na siya. Close na nga sila ng kapatid kong si Bugoy e kasi madalas silang nag-uusap at nagbibiruan. Nasundo na namin si Bugoy at pauwi na. Nagtataka ako kung bakit hindi daan pauwi sa amin ang tinatahak namin.  "Saan tayo pupunta? Bakit sa ibang daan tayo dumadaan?" tanong ko sa kanya.  "Basta. Malalaman niyo mamaya." nakangiting tugon nito.  Maya-maya pa ay pumigil kami sa isang fast food chain. "Wow Jollibee. Kakain po ba tayo diyan kuya?" tanong ni Bugoy.  "Yes Bugoy. Kakain tayo diyan. Di ba promise ko sa iyo na idadala kita diyan." "Wag na. Nakakahiya sa iyo." tanggi ko sa kanya. "Let's go, Bugoy." parang hindi ako narinig ni Axel at kaagad silang bumaba dalawa ng kapatid ko. Naalala ko nung minsan na gustong-gustong pumunta dito ng kapatid ko kata lang ay wala talaga kaming pera para pakainin siya doon. Nakakahiya man aminin pero first time nig kapatid ko na mkakain dito. Ako kasi last time ako kumain dito nung nag-aaral pa ako ng highschool tapos birthday ng kaibigan ko tas naglibri siya. Kita ko ang saya sa mata ng kapatid ko. Salamat sa lalaking ito dahil napapasaya niya kahit sa simpleng bagay lang ang kapatid ko.  Kumakain na kaming tatlo. Ang dami niyang inorder. Dalawang bucket pa ng chicken joy ang inorder niya. May spagetti, fries at sundae.  "Bakit ang dami mung inorder, hindi naman natin mauubos ito? " tanong ko sa kanya.  "It's okay. Edi itake out nalang ntin yung sobra para sa parents niyo." "Ate, gusto ko magcr." sabat ni Bugoy.  "Sige sasamahan na kita." "Wag na po ate. Big boy na ako." sabi niya sabay tayo at dumeretso sa cr.  Masayang kumakain ng chicken joy si Axel. Ang cute niya kumakain.  "Thank you, Axel. Salamat kasi napasaya mo ang kapatid ko." "Wala iyon. Maliit na bagay lang ito. Tsaka promise ko ito sa kapatid mo." "Hayaan mo, pagkauwi natin ibibigay ko na yung singsing mo. Hindi mo na kailangang sunduin pa si Bugoy bukas." "Why? Naoverwhelmed ka ba dito?" nakangiti nitong tanong "Siguro." "Its okay. Last day na rin naman bukas kaya sundin na lang natin ang napag-usapan. Tsak can I ask a favor?" tanong nito.  "Ano?"  "Pwede ba wag ka ng sumama kapag susunduin ko ang kapatid mo?"  Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. So, ayaw niya ako kasama. "Opps, wag mong mamasamain ang sinabi ko. Kaya ko sinabi iyon, balak sana kita yayain magdinner pagkatapos ko siyang sunduin. Alam mo na, kayong mga babae, matagal mag-ayos." Halos manlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Niyayaya ba niya akong magdate. Gosh. Bkit abot langit ang nararamdaman kong kilig. Panaginip ba ito? "Ahhh?" nasambit ko lang.  "I'll treat you kung saan mo gusto. Tapos ko na itreat ang kapatid mo, kaya ikaw naman. Kung saan mo gusto pumunta at kumain. Doon mo na din ibigay yung singsing ko." "Sige. Ikaw ang bahala." Siyempre mag-iinarte pa ba ako kung makakadate ko yung crush ko? Dapat pala paghandaan ko ang araw ng bukas.Kailangan maganda ako sa paningin niya.  Natapos na kami kumain at tinake-out nalang namin yung sobra para kina inay at nagkayayaan na na umuwi. "Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" Ngayon ay kampante na ako na yayaon siya sa loob. Nung nakalipad na araw kasi ay nagpapasalamat lang ako sa kanya. Iniisip ko kasi na baka maarte siya at laitin lang ang bahay namin pero ngayon alam ko na sobrang bait niya.  "It's okay. See you tommorow na lang."  "Ingat." "Thanks." "Sino ba ang lalaking iyon, anak?" Hindi mapigilang tanong ni itay.  "Si Axel po. Kaibigan ko." "Kaibigan lang ba talaga?" sabat naman ni Inay.  "Oo nga po, inay." "E bakit araw-araw ka niyang sinusundo dito?"tanong ni itay.  "Ahh. Hanggang bukas lang naman po." "Eh si Joshua? Naghiwalay na ba kayo?" si inay ang nagtanong. Tumango lang ako sa kanya. " Narito aiya kanina, hinahanap ka." "Po? Bakit daw po?" "Gusto ka niyang makausap. Kanina pa siya tumatawag sa iyo, nakapatay daw telepono mo. Pinuntahan niya kayo sa eskwela kaso wala na kayo doon. Ilang oras siya naghintay dito para kausapin ka sana." "Sorry po inay, lowbat na po cellphone ko e." "Mag-usap kayo ni Joshua. Kung may problema kayo, ayusin niyo." Tumango na lamang ako para wala ng ibang sasabihin. Ayoko pa kasi sabihin sa kanila na hiwalay na kami at malabo ng magkabalikan dahil ikakasal na siya sa iba.  Tsaka bakit pa siya pumumta dito? Para bigyan ako ng invitation card sa kasal nila ng Elise na iyon? Chinarge ko ang phone ko. Pagbukas ko ay sunod sunod ang messege sa akin ni Joshua. Sa totoo lang ay dinelete ko na ang number niya, pero ako naman itong marupok ay memorizr naman ang numero niya.  "Pupuntahan kita sa inyo." "Let's talk, belle." "Mali ang akala mo. I will explain." "Please, give me another chance para sabihin ang side ko." "I love you, Isabella." "Belle, where are you? Nandito na ako sa inyo." ""Saan kayo ni Bugoy, susunduin ko kayo.' "Belle!" Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang replyan o dapat ko pa bang pakinggan ang explanation niya. Malinaw na sa akin na may fiancè na siya at ayokong makasira sa kanilang dalawa.  Maya-maya pa ay tumunog ang phone ko at unregisteres number iyon.  Sinagot ko iyon pero hindi ako kagad nagsalita.  "Hello." baritonong boses ang narinig ko sa kabilang linya. "Sino ito?" Sa totoo lang alam kong si Axel iyon. Hiningi niya kasi ang number ko kanina. Kahit sa boses niya halata na gwapo siya.  "Si Axel ito. I enjoy the day, salamat sa inyong dalawa ni Bugoy."   "Maraming salamat din sa libri mo." may halong kilig sa boses ko "See you tommorow."   "See you tommorow." sabi ko. At ng ibaba na niya ang kanyang phone ay halos masira ang kama ko sa kilig na nararamdamn ko.  Ewan ko ba pakiramdam ko ay hulog na hulog na ako sa kanya. Muli ay tumayo ako at kinuha ang singsimg ni Axel. Napakagandang singsing.  Ilang sandali lang ay bigla na lamang ako nakaramdam ng lungkot. Hanggang bukas na lamang kami magkakasama ni Axel. After nito wala na.  Tsaka ano pa nga bang aasahan ko diba? Hindi para sa akin ang singsing na ito dahil para ito sa pinakamamahal niyang babae na nangangalang Pam.  Sana lang ay makalimot ako kaagad pagkatapos ng huling pagkikita naming dalawa bukas.  Unti-unti ay umagos ang mga luha ko sa mata ng hindi ko namamalayan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD