Episode 7

1201 Words
Axel's POV Sobrang irita ko sa babaeng iyon dahil ayaw niyang ibalik sa akin ang singsing ko. Bakit kasi ano ang pumasok sa isip ko nung gabing iyon at nagpropose ako sa kanya. Siguro nga malakas ang tama ng alcohol sa akin kaya hindi ko na alam ang mga pinaggagagawa ko ng araw na iyon. Pati nga yung paghalik ko sa kanya ay wala man lang ako matandaan.  Flashback... "Hindi sa iyo ang singsing na iyon kaya ibalik mo na. Hindi iyon para sa iyo." "Sige, ibibigay ko in one condition." "What? Money? How much?" "Hindi. Anong akala mo sa akin, mukhang pera?" " Eh ano?" "One week mong hatid sundo ang kapatid ko sa school"  "What? Busy ako sa trabaho ko. Bibigyan ko nalang kayo ng pamasahe." "Ayoko nga. Gusto ko ihatid at sundo mo kami." "No." "Sundo na lang. Kung ayaw mo, hindi mo makukuha sa akin ito." Napabuntong-hininga muna ako bago tuluyang sumagot. Naiinis talaga ako sa babaeng ito. "Fine." "Yan. Next Monday ka magsisimula tapos sa friday ko ibibigay. Basta ang uwi ng kapatid ko galing sa school 4:30 pm. Pero bago natin siya sunduin, ako munta ang susunduin mo sa bahay then sabay tayong pupunta sa school. Maliwanag?" "May choice pa ba ako?" naiirita kong sagot.  "Good boy."  Sa kagustuhan ko na bawiin ang singsing na iyon sa kanya ay pumayag na ako sa kondisyon niya.  Nung araw ng Lunes, napakadami kong tinatapos sa trabaho ko kaya lang kailangan kong tuparin ang kasunduan namin na sunduin ang kapatid niya ng limang araw. Kailangan ko icancel ang meeting ko sa mga investors ko para lang sa kanila.  Sobrang inis ako ng araw na iyon pero wala naman akong magagawa.  "Pasok ka na sa loob." bungad ko sa kanya nang makarating ako sa tapat ng bahay nila. Kaagad naman itong tumalima sa utos ko.  Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ayoko na din magsalita dahil naiinis pa rin ako sa kanya. "Okay ka lang?" bigla niyang natanong. "Hindi. Dahil kailangan ko pang mag-undertime sa trabaho ko para lang sa gusto mong ito." hindi ko mapigilang sabihin sa kanya.  Hindi siya kaagad nakasagot. Siguro ay maypakaharsh ang pagkakasabi kong iyon.  "Sorry." mainang sagot niya sabay yuko. "Gusto ko lang kasi maranasan ng kapatid ko ang sumakay sa ganitong kagara na sasakyan. Ay hindi, pati pala ako. Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakasakay sa ganitong klaseng sasakyan. Tsaka gusto ko din kasi maranasan ng kapatid ko ang hindi maglakad kahit pauwi lang. Simula kasi nung mag-aral siya ng Grade 1 ay naglalakad lang kami papunta at pauwi. One week lang, please. Pasensiya na." Sa loob-looban ko ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. Parang gusto kong bawiin ang nasabi ko sa kanya. Hindi ko alam ang pakiramdam niya dahil hindi ko naman iyon naranasan. Wala akong maisagot nang mga oras na iyon. Nanatili lang kaming tahimik pareho hanggang sa makarating kami sa eskwelahan ng kapatid niya. Hininto ko ang sasakyan at bumaba naman siya para salubungin ang kapatid niya.  "Bugoy!" dinig ko pang tawag niya sa kapatid.  Ilang saglit lang ay binuksan niya ang pinto sa backseat. "Sakay ka na." sabi niya "Po? Bakit po?" Sagot ng kapatid niya na parang ayaw maniwala.  Binuksan ko ang bintana ng front seat kung saan siya banda nakatayo.  "Hey boy. Sakay na kayo." nakangiting sabi ko sa kanya.  Kaagad naman tumalima ang kapatid niya at pareho silang sumakay sa back seat. Kanina kasi ay magkatabi kami dito sa harap. "Hey, driver ba ako?" halos masungit kong tanong. "Ala namang ako ang driver?" balik niyang tanong sa akin.  "Dito ka sa harap umupo." irita ko.  "Pero gusto ko katabi kapatid ko." "Fine." sagot ko na lang.  Muli ay naging masungit ito.  Tahimik lang kami habang nagbabyahe.  "Ate, ang ganda dito. Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong klaseng sasakyan tapos ang lamig pa.  Napangiti ako nung magsalita ang kapatid niya. Masaya ako dahil sa simpleng bagay lang ay napasaya ko siya.  "Oo. hanggang friday tayo ihahatid ni gwap---" Naputol ang pagkakasabi niyo pero halata naman na gwapo ang tawag niya sa akin.  Lihim ako natawa nang tagpong iyon. Gwapo pala ah. Tama ka, hindi ka nagkakamali. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay nila. Nauna ng pumasok ang kapatid niya sa loob at siya naman ay naiwan kasama ko.   "Thank you." sabi niya bago tuluyang bumaba. "Okay." "Hakmang papaandarin na niya ang sasakyan ng bigla siyang kumatok sa bintana. Binuksan ko naman iyon. "Wait lang." "What?" tanong ko. "Ano pangalan mo? Hindi ko pa kasi alam ang pangalan mo."  Napangiti pa ako bago makasagot sa kanya. "Kaya tawag mo sa akin gwapo?" "Ahh ehh." Nauutal niyang sabi na halata pa sa na namumula ang mukha.  "Axel. Pero okay din kung gwapo nalang tawag mo sa akin." sabay kindat ko sa kanya. "See you tommorow." sabi ko nalang sabay sara ng bintana.  Sa lumipas na araw ay naging komportable ako sa kanilang dalawa. Naging close kami ng kapatid niyang si Bugoy.  Nang minsan ay tumigil kami sandali sa isang tindahan at may binili si Isabella. Kami namang dalawa ni Bugoy ay naiwan sa loob ng kotse.  "Kuya, nanliligaw po ba kayo sa ate Isay ko?" tanong niya sa akin na kinagulat ko.  "Hindi. Tsaka di ba sabi mo may nobyo na ang ate mo?" sagot ko sa kanya.  "Opo kaso hindi na siya nagagawi sa amin." malungkot niyang tugon.  "Bakit naman?"  "Ewan ko po. Baka po naghiwalay na sila. Kaya kung manliligaw po kayo sa kanya, okay na okay po sa akin." Natawa pa ako sa sinabi niyang iyon. "May girlfriend na ako, Bugoy." sagot ko sa kanya.  "Ganun po ba?" malungkot niyang tugon.  "Oo, kaso nasa Paris pa siya, modelo siya doon." "Modelo po? Ang ganda po siguro niya." "Siyempre naman." "Eh si ate po, hindi po ba siya maganda?" Hindi ako kaagad nakasagot. Pero sa totoo lang ay maganda din naman si isabella. Baka nga pag naayusan siya ay magmukha siyang celebrity.  "Oo naman, maganda din siya." "Alam niyo po ba? Si ate po---" halos takpan pa niya ang bibig dahil ayaw niyang ituloy ang sasabihin niya. "Ano?" kuryosidad kong tanong. "Wala po. Baka magalit si ate kapag sinabi ko."  "Ano nga? Kapag sinabi mo, ililibri kita kahit saan mo gusto." "Talaga po? Ililibri mo ako kahit saan? Kung sasabihin ko po, mangako kayo na hindi niyo sasabihin kay ate yung sinabi ko." "Oo naman promise. Saan mo ba gusto?" "Sa Jollibee po. Pangarap ko po makakain doon. Sa totoo lang po never pa ako nakapunta doon dahil wala kaming pera. Nalalaan po kasi sa pagpapagamot kay itay yung kinikita ni inay sa pagtitinda. Tapos si ate wala pa pong trabaho at maghahanap pa lang." Nakaramdam ako ng awa sa pamilya nila. Sobrang hirap siguro ng sitwasyon nila.  "Don't worry ililibri kita sa Jollibee, basta sabihin mo na sa akin, dali." sagot ko sa kanya. "Sa tingin ko po crush ka ni ate Isay." Nagulat ako sa narinig ko kay Bugoy.  "Paano mo naman nasabi na crush ako ng ate mo?" kuryosidad kong tanong.  "Lagi ka po niya bukambibig, tapos po nag-aayos na po siya, dati po hindi naman."  "Iyon lang?"  "Kaya nga po nagtatanong ako kung nililigawan niyo po siya. Kasi mukhang gusto niya po kayo." Ewan ko ba pero may kakaiba akong naramdaman sa sinabi ni Bugoy. Totoo kaya na may gusto sa akin si Isabella? Well, hindi na ako nagtataka doon, sa gwapo ko ba naman ito, syempre maraming magkakandarapang babae sa akin. Kaya lang my heart already belong to someone, It is already belong to Pam.  Kaya lang, nung gabi ding iyon ay hindi ako datnan ng antok. Ewan ko ba kung bakit may kakaiba akong nararamdaman. Parang excited ako na makitang muli si Isabella.  No, this can't be. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD