"Sir, pasensiya na po sa abala pero gusto ko po sana magleave next week dahil namatay po ang nanay ko at kailangan na kailangan ko po lumuwas sa probinsya namin sa Davao." bungad sa akin ng sekretarya kong si Marife.
"Okay, I understand." madali kong sagot sa kanya. Halos dalawang taon ko ng sekretarya si Ms. Cruz at masasabi ko na siya ang pinakamaaasahan ko sa lahat ng naging sekretarya ko. Madami na akong naging sekretarya pero ayoko sa kanila. Karamihan kasi sa kanila ay nagpapapansin sa akin. Yung iba ay binalak pa akong akitin which is ayaw ko dahil loyal ako sa gf ko at never sumagi sa isipan ko ang pumatol sa ibang babae.
Mabuti na lamang at wala naman gaano ginagawa sa opisina ngayon kaya mapagbibigyan ko siya. Besides, ngayon lang naman siya nagpaalam na magleave sa halos dalawang taon niyang paninilbihan sa company.
"Thank you po, sir. Two week lang po sana ako mawawala, pangako po babalik ako kaagad."
"Don't worry, take your time and condolences na din."
Kumuha ako ng ilang bills aa wallet ko at inabot ko sa kanya.
"Take this, pamasahe mo pauwi." sabay ngiti sa kanya.
"Naku sir. Nahihiya man po ako pero kukunin ko na po dahil kailangan ko po. Maraming salamat po talaga."
"No problem, Ms. Cruz."
"Sige po sir." sabi niya sabay labas ng opisina.
Samantala, kanina pa ako patingin-tingin sa relo ko. Ewan ko ba dahil kanina pa ako aligaga at pakiramdam ko ay napakabagal ng oras. Pasado ala una palang ng hapon. Hinihintay ko ng mag-alas kwatro para masundo ko na si Bugoy at makalabas kami ni Isabella.
Hindi ko alam kung anong klaseng saya ang nararamdaman ko. Excited akong makita siya. Seeing her face in my mind makes me blush. Para akong tanga dahil bigla na lamang akong napapangiti.
Nilibang ko ang sarili ko sa mga documents na pinipirmahan ko. And finally, magfofour oclock na ng hapon at kailangan ko ng masundo si Bugoy.
Dumaan muna ako sa isang grocery store bago ako dumeretso sa eskwela.
"Hey, Bugoy." tawag ko sa kanya nang nasa tapat na ako ng gate at naroon na siya at naghihintay.
"Kuya Axel." sabi niya sabay lapit sa akin.
"Let's go." sabi ko.
"Hindi niyo po kasama si Ate Isay?" tanong niya sa akin.
"Hindi na."
Sumakay na kami dalawa sa sasakyan.
"Wow, ang dami naman po nito. Ano po ito?" tukoy niya sa mga groceries na nasa backseat.
"Gloceries iyan, para sa inyo."
"Talaga po?" halos hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes." sagot ko.
"Ang dami po. Mas madami po kaysa sa mga naibigay ni kuya Josh."
Napakurot ako ng kilay ng marinig ko ang pangalan ng isang lalaki.
"Kuya Josh? Sino iyon?" takang tanong ko.
"Yung boyfriend po ni ate."
"I see. Gwapo din ba iyong kuya Josh mo na iyon?"
"Opo. Gwapo din po at mabait."
Napataas ako ng kilay sa naging sagot niya.
"Pero diba sabi mo hiwalay na sila?"
"Ewan po. Matagal na po kasi siyang hindi pumupunta sa bahay. Pero sabi po ni inay, kahapon po pumunta siya sa bahay at hinahanap niya si ate."
"Ganun ba?" tanging naging sagot ko nalang. Bakit kaya may iba akong naramdaman sa sinabi niyang iyon. Parang may kaunting kirot akong naramdaman.
Ilang sandali lamang ay nasa kanila na kami. Bumaba ako para bitbitin ang mga groceries na pinamili ko para sa kanila at ipinasok sa kanilang bahay.
Nadatnan ko doon ang isang matandang lalaki na nakaupo sa may sala na sa palagay ko ay ama nila.
"Itay, narito na po ako." sabi ni Bugoy sa matanda sabay mano.
Inilapag ko sa may mesa ang lahat ng pinamili ko at lumapit sa ama nila.
"Good afternoon po." umpisa ko sabay mano sa kanya. Mukhang nagulat pa siya sa presensiya ko ng mga oras na iyon.
"Aba, hindi bat ikaw iyong nasusundo sa anak ko sa eskwela?" tanong niya.
"Opo. Pasensiya na po kung ngayon lang po ako naglakas loob na humarap sa inyo. Ako po si Axel. Kaibigan po ako ni Isabella."
"Ganun ba? Kaibigan lang ba talaga?" parang nanunuksong tanong niya.
Napatawa lang ako sa sinabi niya.
"Siyanga po pala. Ipagpapaalam ko nga po pala sana si Isabella. Nangako po kasi ako sa lanya na ililibri ko po siya ng dinner."
"Sige, ayus lang. Basta wag mong papabayaan yang panganay ko."
"Oo naman po."
"Bugoy, tawagin mo na ang ate mo sa kwarto, kanina pa nag-aayos iyan, hindi pa ba siya tapos?"
Tumalima naman kaagad si Bugoy at dumeretso sa isang kwarto.
Ilang saglit lang ay lumabas na ito at kasabay niya ang paglabas din ng kwarto ni Isabella.
Nakadress ito na kulay pula na mas lalong nagpatingkad ng kanyang kaputian. Nakasandals din ito ng kulay itim. Nakahairpin siya sa isang side ng buhok niyang mahaba, simple lang din ang makeup niya pero kita mo kung gaano siya kaganda.
"Hi Axel. Kanina pa ba kayo?" nakangiti niyang tanong.
"Hindi naman, halos kakadating lang namin. Let's go?"
"Sige." sagot niya.
"Mauna na po kami." paalam ko sa ama niya.
Paglabas namin ay pinagbuksan ko pa siya ng pintuan ng sasakyan.
"Binuksan ko na baka gawin mo nanaman akong driver at sa backseat ka nanaman umupo."
"Sorry naman." tawang sagot niya.
Tahimik lang kami dalawa habang nagbabyahe.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Basta." sabi ko nalang.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa isang restaurant. Sa totoo lang, isa ito sa paborito kong lugar dahil madalas kami dito ni Pam kumain. Dito din ako unang nagpropose sa kanya.
"Mukhang mamahalin dito, Axel. Kahit sa karinderya mo lang ako ilibri okay na sa akin."
"My treat. Kaya wag kang mag-alala sa gastos." sagot ko.
Naupo na kami sa isang mesa sabay lapit naman sa amin ng isang wauter at inabot ang menu.
"Anong gusto mo kainin?" tanong ko sa kanya.
"Kahit ano nalang."
"Ah? Wala namang dish na kahit na ano sa menu." natatawang sabi ko.
Bigla namang sumimangot ang mukha niya.
"Joke yon, bat ka sumimangot?"
"Joke ba iyon? Ha ha ha. Okay na?" sabay thumps up na nakasimangot pa din.
"Whatever."
"Ahh..Ang mamahal ng mga ulam dito. E sa karinderya tig singkwenta lang ang order tas marami pa." Sabi niya habang nakatingin sa mga makalagay sa menu.
"Basta iorder mo nalang ang gusto mo kainin diyan."
"Ikaw na lang ang pumili. Hindi ko alam kung anong masarap. Hindi kasi ako pamilyar sa ibang mga putahe." sabi niya.
"O sige. Ako nalang."
Omorder na ako at masaya naman kami nagkukwentuhan. Masasabi ko na kahit papaano ay nakikilala ko siya. Masaya din naman siya kasama.
"Saan mo pa gusto pumunta?" tanong ko sa kanya matapos kaming kumain.
"Pwedi ba sa park?" tugon niya.
"Nang ganitong oras?"
"Oo naman."
"Sure ka?" paninigurado ko.
"Oo nga. Nagtatanong ka kung saan ko gusto tapos parang ayaw mo naman."
"Hindi sa ganon. Sige. Punta tayo sa park."
"Balottt!" sigaw ng isang lalaki.
"Uy, bili tayo ng balot." sabay hila niya sa akin. At lapit sa lalaking may bitbit na basket.
"Manong magkano po ang balot?" tanong ni Isabella.
"Trese lang po."
"Dalawa po." sabi niya.
Tumalima naman ang lalaki at kumuha ng dalawa. Naglagay din ito ng suka sa isang maliit na plastic.
"26 lang. Bayaran mo na." sabi niya sa akin.
" Wow ah. Ikaw bumili tapos sakin mo ipapabayad?"
"Wala akong dalang pera e.Tsaka sa atin naman ito ah."
Kinuha ko ang wallet ko at inabot ang isang libong piso.
"Naku sir. Wala akong palit dyan. Kakaumpisa ko palang po magtinda. Wala po ba kayong mas maliit diyan?"
"Wala po e. Puro isang libo ang laman ng wallet ko. Sige na. Keep the change na lang."
"Naku sir, sigurado po kayo?"
"Oo. Kunin mo na baka magbago pa isip ko."
"Salamat po."
Yun lang ang sabi niya at nag-umpisa na ulit itong maglakad.
"Balotttt!"
"Wow. Iba talaga pag maraming pera no? Pakeep the change na lang." sabi niya.
"Eh wala akong barya e. Ala namang ibalik pa natin yang binili mo."
Inabot niya sa akin ang isang balot.
"Oh. Tig isa tayo."
"No thanks. Hindi ako kumakain ng ganyan."
"Ah? As in never pa? Bakit? Ang sarap kaya, try mo man, dali."
"Ayoko. Nakikita ko palang yung sisiw, nasusuka na ako."
"Hindi ka Pilipino kung hindi kapa kumain ng balot."
"Okay lang. Basta ayaw ko."
"Sige na kainin mo na. Eh paano kapag may lason ito. Ako lang mamamatay."
"Edi ikaw mamatay, ayoko pang mamatay no. Hindi pa kami nakakasal ni Pam." sagot ko sa kanya.
Bigla namang nalungkot ang mukha ni Isabella. May nasabi ba akong masama?
"Mahal na mahal mo talaga yung Pam na iyon no? Siguro sobrang ganda niya no?"
"Yup. She's the most beautiful girl in my eyes." sagot ko.
"Nasaan na ba siya?" tanong niya.
"Nasa Paris. Modelo kasi siya doon."
"Ang swerte naman niya."
Napatitig ako sa kanya. Mukhang seryoso ang mukha nito.
"Bakit mo naman nasabi na swerte siya?"
"Kasi bukod sa gwapo at mayaman ka, mabait ka pa."
Napangiti ako. "She's my first love. We're been together for 9 years." sabi ko.
"Ang tagal na pala ninyo. How come, hindi pa kayo nagpapakasal?"
Bigla akong nalungkot sa tanong niya.
"I already proposed to her multiple times, and she always says no."
"Ahhh? Bakit?"
"Because of her dreams."
Siguro ganon na kapanatag ang loob ko sa kanya kaya kaya kong sabihin sa kanya ang mga napagdaanan ko na sa buhay.
"Kung talagang mahal ka niya, kaya niyang bitawan ang pangarap niya para sa iyo." Napatitig muli ako sa kanyang mukha. Tama siya. Pero ano bang magagawa ko?
"I know. Pero dahil mahal ko siya, handa ko siyang hintayin kahit gaano pa katagal."
Ngumiti na lamang siya at hindi na tumugon sa sinabi ko.
"Eh ikaw, kumusta na kayo ni Josh?"
Kita ko ang pagkabigla sa kanya dahil sa tanong kong iyon.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?"
"Ah. Nakwento ni Bugoy."
"Yang kapatid kong iyan, masyadong madaldal."
"So ano nga?" kuryosidad kong tanong.
"We already broke up, I guess."
"Ah? Bat parang hindi ka sure?"
"That night nung nakita kita sa may tulay, iyon yung araw na naghiwalay kami. Niyaya niya ako magdinner, naghintay pa nga ako ng mahigit isang oras bago siya dumating. Tapos bigla na lang may sumulpot na isang babae na sinasabi niya na fiancè niya ang boyfriend ko. "
"So nagcheat siya sa iyo?"
"Hindi sa akin, kundi dun sa babae. Matagal na sila magboyfriend, parang ako yung lumalabas na third party sa kanila. Nung gabing iyon, wala akong nagawa kundi lumayo dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag nagstay pa ako sa lugar na iyon."
"So, you love that guy?"
"Syempre. Siya yung first boyfriend ko e. Pero kailangan ko tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa. Kaya ang priority ko nalang ngayon ay ang pamilya ko. Kaya balak ko na maghanap ng trabaho bukas na bukas din para naman makatulong ako sa pamilya ko."
"Nag-apply ka na ba?"
"Hindi pa e. Sa totoo lang nahihirapan ako makahanap ng trabaho dahil highschool lang natapos ko."
"Habang naghahanap ka ng trabaho, pwede bang magtrabaho ka muna sa company bilang secretary ko kahit two weeks lang? Nagleave kasi ang sekretarya ko."
"Talaga? Oo naman."
"Sige. Start ka na sa Monday."
"Thank you, Axel."
"Wala iyon."
Marami kaming napagkwentuhan ni Isabella. Hindi na nga namin halos mapansin na alas dyes na pala ng gabi.
Hinatid ko siya sa bahay nila.
"Gusto mo bang pumasok muna sa bahay?" tanong niya sa akin.
"No, ayus lang ako. See you on Monday. Susunduin nalang kita bago mag-alas otso ng umaga para alam mo kung saan banda ang company."
"Okay. Salamat."
Hakmang tatalikod na si Isabella nang muli akong magsalita.
"Isabella." tawag ko sa kanya.
Lumingon naman ito ng nakangiti
"May sasabihin ka pa?"
"I just want to say Thank you. Nag-enjoy ako. Good night."
"Ako din, Good night." sabi niya sabay talikod.