Episode 9

1968 Words
Isabella's POV Sa nagdaan na araw simula ng magkita at magkakilala kami ni Axel, madami ang nagbago. At hindi ko maikakila sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya. Sobrang saya ko kapag kasama namin siya. Pero hanggang kailan ang tagpong ito? Kasi, the moment na maibigay ko na sa kanya ang singsing, kasabay non ang paglaho niya sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano na ang susunod na mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito. Basta ang alam ko lang ay ang katotohanan na hindi na muli kami magkikita at magkakasama.  Nung Huwebes ay nakaramdam ako ng sakit nung banggitin niya sa akin na wag na akong sumama kinabukasan kapag susunduin niya ang kapatid ko. Napaisip pa ako ng mga oras na iyon na baka ayw niya ako kasama. Pero napawi iyon ng kasiyahan dahil nabanggit niya na gusto niya ako ilibri ng dinner. Niyaya niya ao magdate! Assuming na kung assuming pero date na matatawag iyon para sa akin. Dahil doon, nabuhayan ako ng loob.  Sa totoo lang, nang mga tagpong iyon nag-assume ako na baka may nararamdaman na din sa akin si Axel. Pero tuwing napapatitig ako sa singsing, hindi ko mapigilang lumuha sa katotohanan na may nagmamay-ari na sa puso niya. Sayang lang. Sana ako na lang ang Pam na iyon. Dahil kung nangyari iyon, hinding-hindi kona siya pakakawalan. Gustong-gusto kong makilala ang Pam na iyon para makita ko kung ano nga bang espesyal sa kanya. Nang araw ding iyon ay nabanggit ni inay na pumunta dito si Josh. Hindi maayos ang paghihiwalay namin nung huli kaming magkita, basta ang alam ko ay galit ako sa kanya sa ginawa niyang panloloko niya sa akin. Maybe, kailangan namin mag-usap para magkaroon na kami ng closure.  Samantala, sobrang excited ko nang araw na magdadate kami ni Axel. Alas singko ng hapon kami aalis pero alas tred palang ng hapon ay nagreready na ako. Gusto kong magmukhang maganda sa harapan niya. Gusto ko na mabighani siya sa taglay kong kagandahan.  Pinili ko ang kulay pulang dress at pinarisan ko ng itim na 3inch heels. Nilugay ko ang mahaba kong buhok at naglagay ng hairpin sa kaliwang side ng buhok ko. Naglagay din ako ng makeup pero kaunti lamang at simple. Panay pa ang harap ko sa.salamin kung maganda ba ako sa suot ko.  Bago mag alas singko ng hapon ay dinig ko na ang sasakyan ni Axel. Sumilip ako sa bintana para makasigurado. Nasulyapan ko nga silang dalawa ng kapatid ko na bumaba ng sasakyan at may bitbit na mga plastic bag, marahil ay mga groceries iyon.  Muli akong tumitig sa salamin para tingnan muli ang itsura ko. Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang kapatid kong si Bugoy.  "Ang ganda niyo po ate." bungad niya sa akin.  "Talaga?" pagsisiguro ko.  "Opo. Sigurado po magugustuhan kayo ni kuya Axel." Halos mamula ako sa sinabi niyang iyon.  "Ikaw talaga puro ka biro." "Labas na po kayo, hinihintay na kayo ni kuya." Kinuha ko ang sling bag ko at sumunod ng lumabas kay Bugoy. Hindi ko din dinala ang singsing. Ewan ko kung bakit pumasok iyon sa isipan ko. Basta ang alam ko lang ay gusto kong manatili ang singsing sa akin para manatili din siya sa buhay ko. Unfair na kung unfair, pero iyon ang gusto ko. Kung sakali man na hanapin niya magdadahilan na lamang ako na nakalimutan ko. Lumabas ako sa.kwarto ko at kaagad kong nabungaran si itay at si Axel sa may sala. Kita ko kung paano niya ako titigan. Nagandahan kay siya sa suot ko? Sana lang.  Pinagpaalam niya ako sa itay ko. Sabay kaming lumabas ng bahay at pinagbuksan niya pa ako ng pintuan ng sasakyan bago tuluyang sumakay. Kahit sa simpleng bagay na iyon ay kinikilig na ako.  Pumunta kami sa isang magarang restaurant. Palagay ko ay tanging mga mayayaman lang ang may afford na pumunta doon.  Nalula pa nga ako sa mga presyo ng mga nasa menu nila. Hindi din pamilyar sa akin ang halos naroon kaya hinayaan ko na lamang na siya ang umorder para sa amin.  Naging masaya naman kami habang kumakain. Masasabi ko na mas lalo kaming naging close dalawa. Marami siya kinukwento at ako naman ay nakikinig lang sa kanya. Kahit yata maghapon siyang magkwento sa akin ay ayos lang, hindi ako magsasawang pakinggan siya.  Nagtanong pa siya kung saan ko pa gustong pumunta at sinabi ko na gusto kong pumunta ng park. Alam ko hindi iyon ang tipo na lugar na magugustuhan niyang puntahan, pero mas maganda kasi doon, at halos lahat ng magkasintahan ay sa ganoong lugar nagdadate. Feeling ko kasi boyfriend ko na siya. Hindi naman masama mangarap diba? Mabuti na lamang ay pumayag na siya. Nang makarating kami doon ay eksakto pa na may nagtitinda ng balot. Bumili ako ng dalawa tapos siya ang pinagbayad ko. Nagulat pa ako kasi hinayaan niya na hindi na siya suklian sa isang libong bayad niya. Iba talaga kapag mayaman ka, hindi ka namomoblema sa pera.  Pinilit ko siyang kumain ng balot pero ayaw niya dahil never pa daw siya kumain ng ganoon. Nang mga sandaling iyon, mas lalo kong naramdam na close na kami dahil nagsimula na siyang magkwento tungkol sa personal niyang buhay, tungkol kay Pam at sa pag-iibigan nila.  "Wow. Iba talaga pag maraming pera no? Pakeep the change na lang." birong sabi ko pa sa kanya.  "Eh wala akong barya e. Ala namang ibalik pa natin yang binili mo." sabi pa niya.  Inabot ko sa kanya ang isang balot. "Oh. Tig isa tayo." "No thanks. Hindi ako kumakain ng ganyan." "Ah? As in never pa? Bakit? Ang sarap kaya, try mo man, dali." kulit ko sa kanya. "Ayoko. Nakikita ko palang yung sisiw, nasusuka na ako." "Hindi ka Pilipino kung hindi kapa kumain ng balot." "Okay lang. Basta ayaw ko." "Sige na kainin mo na. Eh paano kapag may lason ito. Ako lang mamamatay."  muli kong biro sa kanya.  "Edi ikaw mamatay, ayoko pang mamatay no. Hindi pa kami nakakasal ni Pam." sagot niya sa akin. That moment, parang sumikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko kasi pinamukha niya sa akin na si Pam lang talaga ang gusto niya.  "Mahal na mahal mo talaga yung Pam na iyon no? Siguro sobrang ganda niya no?" sabi ko. "Yup. She's the most beautiful girl in my eyes." proud na sabi niya. Muli ay may kirot sa puso ko.  "Nasaan na ba siya?" di ko mapigilang magtanong. "Nasa Paris. Modelo kasi siya doon." "Ang swerte naman niya." pilit na ngiti kong sabi.  Napatitig siya sa akin. Mukhang seryoso ang mukha nito.  "Bakit mo naman nasabi na swerte siya?" kuryosidad niyang tanong.  "Kasi bukod sa gwapo at mayaman ka, mabait ka pa." sagot ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko. "She's my first love. We're been together for 9 years." sagot niya. "Ang tagal na pala ninyo. How come, hindi pa kayo nagpapakasal?"  "I already proposed to her multiple times, and she always says no." "Ahhh? Bakit?" nagulat kong tanong. "Because of her dreams."  "Kung talagang mahal ka niya, kaya niyang bitawan ang pangarap niya para sa iyo." Sabi ko naman sa kanya. "I know. Pero dahil mahal ko siya, handa ko siyang hintayin kahit gaano pa katagal." Pilit na ngiti lang ang naging tugon ko. Baka kapag nagpatuloy pa ang pagtanong ko tungkol sa Pam na iyon ay mas lalo pa akong masaktan.  "Eh ikaw, kumusta na kayo ni Josh?"  Nanlaki ang mga mata ko ng banggitin niya ang tungkol sa Josh. May alam ba siya tungkol sa amin? "Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?" gulat kong tanong. "Ah. Nakwento ni Bugoy." "Yang kapatid kong iyan, masyadong madaldal." "So ano nga?" kuryosidad niyang tanong. "We already broke up, I guess." "Ah? Bat parang hindi ka sure?" "That night nung nakita kita sa may tulay, iyon yung araw na naghiwalay kami. Niyaya niya ako magdinner, naghintay pa nga ako ng mahigit isang oras bago siya dumating. Tapos bigla na lang may sumulpot na isang babae na sinasabi niya na fiancè niya ang boyfriend ko. " "So nagcheat siya sa iyo?" "Hindi sa akin, kundi dun sa babae. Matagal na sila magboyfriend, parang ako yung lumalabas na third party sa kanila. Nung gabing iyon, wala akong nagawa kundi lumayo dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag nagstay pa ako sa lugar na iyon." "So, you love that guy?" "Syempre. Siya yung first boyfriend ko e. Pero kailangan ko tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa. Kaya ang priority ko nalang ngayon ay ang pamilya ko. Kaya balak ko na maghanap ng trabaho bukas na bukas din para naman makatulong ako sa pamilya ko." "Nag-apply ka na ba?" "Hindi pa e. Sa totoo lang nahihirapan ako makahanap ng trabaho dahil highschool lang natapos ko." "Habang naghahanap ka ng trabaho, pwede bang magtrabaho ka muna sa company bilang secretary ko kahit two weeks lang? Nagleave kasi ang sekretarya ko." "Talaga? Oo naman."  "Sige. Start ka na sa Monday."  "Thank you, Axel." "Wala iyon." Marami pa kaming napagkwentuhan at masasabi ko na komportable na kami sa isa't isa. Halos hindi na nga namin namalayan nadisoras na din pala. Nagyaya na akong umuwi dahil baka mag-alala pa sina inay.  Nang makauwi na kami sa bahay ay niyaya ko pa siya sa loob pero tumanggi na siya. Sobrang saya ko ng araw na iyon. Mas naging masaya pa ako dahil magkikita pa kaming dalawa dahil tinanggap ko ang alok niya na maging sekretarya ng dalawang linggo. Atleast may trabaho na ako, nakikita at nakakasama ko pa siya.  Hindi ko na din muna binanggit ang tungkol sa singsing. Ewan ko ba bakit naging ganito ako mag-isip. Bahala na kung ano susunod na mangyayari.  Pumasok ako sa loob at nagulat pa ako dahil pagpasok ko ay gising pa silang tatlo at lahat sila ay hindi maipinta ang mukha.  "Ate!" sigaw ni Bugoy sabay lapit at yakap sa akin.  "Ano pong meron bakit gising pa po kayo? Tsaka bakit ganyan ang itsura ninyo?" tanong ko kina inay  "May pumasok na magnanakaw anak." sabi ni inay. "Ano?" gulat kong tanong. "Nagbibiro po ba kayo, inay? Bakit naman po tayo pagnanakawan e wala naman silang mananakaw dito sa atin."  Totoo naman iyon. Ang appliances nga namin ay lumang telebisyon, mga electric man at radyo lamang. Wala naman kaming pera at mga alahas kaya imposible na may maglakas ng loob na magnakaw sa amin.  "Yun nga e. Pumasok siya sa mga kwarto na parang may hinahanap." sabi ni itay. "Paensiya na wala akong magawa." mangingiyak na tugon pa niya. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko. Maayos naman.  "Kanina, sobrang gulo, lalo na sa kwarto mo anak, inayos lang namin. Pero mukhang wala naman nawala sa mga gamit mo." sagot ni inay. Bigla akong kinabahan at naisip ko ang singsing ni Axel. Kaagad akong nagtungo sa kabinet ko at kinuha yung isang box kung saan ko inilagay yung singsing. Nakahinga ako ng mabuti dahil naroon pa ang box. Pagbukas ko ay naroon pa ang mga hikaw ko na nabili ko lang sa bangketa at mga hairpin ko. Hinanap ko ang singsing. Pero hindi ko mahanap. Inisa-isa ko pang alisin sa lalagyan ang mga naroon pero wala talaga ito. Bumilis na ang t***k ng puso ko. Hindi. Hindi pweding mawala iyon dahil magagalit sa akin si Axel. Aligaga na ako sa paghahanap hanggang sa hindi ko namamalayan na naluluha na ako.  "Anak, anong hinahanap mo? May nawawala ba sa gamit mo?"  "Nay, yung box po na ito. Wala po ba kayong napansin na singsing?"  tanong ko.  "Singsing? Wala naman. Ano bang singsing iyon?" tanong niya.  "Kay Axel po iyon." "Kanina anak, nakita ko yung magnanakaw na hawak iyan. Hindi kaya yun ang kinuha niya?" sabi ni itay.  Muli ay tumulo ang mga luha ko. Bakit iyon pa ang nawala? Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Axel kapag nalaman niya na nawala ko ang singsing niya. Ano pa ang mukhang maihaharap ko sa kanya ngayon? Buong gabi ako umiiyak. Pasado ala una na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog. Walang ibang sisisihin dito kundi ako. Kung dinala ko na sana kanina at ibinigay na sa kanya ay wala na sana akong problema ngayon. Paano ko masasabi sa kanya na nawala ko ang pinakaiingatan niyang singsing? Nakatulugan ko na ang pag-iyak ng sandaling iyon. Kung ano ang magyayari sa mga susunod na araw ay bahala na .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD