Episode 10

1598 Words
Allen's POV Masasabi ko na lahat ng bagay ay nakukuha ko. Pero hindi ibig sabihin na masaya ako. Buong buhay ko ay lagi akong kinukumpara sa kakambal ko. Inaamin ko naman na mas hangat sa akin ang kakambal kong si Axel. Siya ang mas magaling, mas matalino, mas mabait, mas responsable at mas maaasahan. Samantalang ako ay puro sakit sa ulo.  Ilang taon ko tiniis ang lahat ng pagmamaliit nila sa kakayaan ko. Siguro nga tama sila, wala akong kwentang tao. Wala na akong ibang ginawa kundi magpakasasa sa mga babae, panay inom at panay ang pakikipag-away. Mas pinili kong wag manirahan sa bahay namin kahit na hindi ako pinayagan nina mom at dad. Ayoko lang kasi na magkasama kami ng kakambal ko. Hindi ako galit kay Axel, ayaw ko lang talaga na magkadikit kami dahil doon nagsisimula ang pagkukumpara sa aming dalawa. Sa totoo lang ay close na close kami ng kakambal kong iyon. Partner in crime nga kaming dalawa e lalo na noong nag-aaral pa kami. Madalas naiisipan namin magswitch ng pagkatao. At dahil kaya naming gayahin ang isa't isa. Walang nakakapansin sa ginagawa namin.  Madalas din naman ako dalawin ni Axel dito sa condo ko at niyaya ako uminom lalo na kapag may problema silang dalawa ni Pamela. Ewan ko ba sa kanya, bakit siya nagtyatyaga sa babaeng iyon. Dahil kung talagang mahal niya ang kapatid ko ay sa unang proposal palang niya ay tinanggap na niya ito. Madalas din ako dalawin ni Ate Alexa at ni Mom dito para dalhan ako ng groceries. Si dad ay galit sa akin dahil nagpumilit akong umalis kahit ayaw nila. Sa totoo lang naman ay wala akong hinanakit sa mga magulang ko lalo na kay dad dahil mas pinili niya si Axel ang mamahala sa company namin. Siya naman talaga ang may deserve doon, kaya lang sana man lang ay binigyan niya ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko.  Nasanay ako na puro pagbubulakbol lang ang alam. Never din ako nagseryoso sa pag-ibig dahil minsan na din ako nasaktan. Kung kailan pa ako nagseryoso sa pag-ibig ay doon pa ako nasaktan ng sobra. Kaya mula ng mangyari iyon, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako magseseryoso sa mga babae. Ayos na yung makaone night stand sila tapos iwan na. Ayokong maging tulad ni Axel na nagtyatyaga sa isang babae na mahirap makuha. "Uwi ka sa bahay, may pag-uusapan daw tayo sabi ni dad. Dito ka na magalmusal." text sa akin ni ate Alexa. Madali naman ako kausap. Tuwing pinapapunta nila ako sa bahay ay kaagad naman ako pumupunta. Nagsuot lang ako ng simpleng tshirt at pantalon. Nagsuot din ako ng facemask at sumbrero. Balak ko lang kasi magcommute. Sa totoo lang ay naeenjoy ko na magcommute kaysa magdrive sa kotse ko. Atleast nakakatulog pa ako habang nasa byahe. Mahilig akong magmask dahil ayoko na may makakilala sa akin. Sikat ang company na pagmamay-ari ni dad at kilala din ang kapatid ko. Baka mapagkamalan pa ako na siya ako or makilala nila ako na kambal niya at magsisimula na naman akong ikumpara sa kanya.  Sumakay ako ng bus. Pinili ko ang maupo sa bandang likuran para walang istorbo sa akin kung sakaling umidlip ako. Sa may likuran ay napansin ko ang isang babae. Napatawa pa nga ako dahil natutulog ito at bahagya pang nakangaga ang bibig. Ewan ko ba anong naisipan ko at tumabi ako sa kanya. Nakakatawa siyang pagmasdan. Pero inaamin ko na kahit nasa ganoong kalagayan siya ay makikita ko parin na may taglay itong kagandahan. Kinapkap ko ang bulsa ng pantalon ko at may nakapkap akong balat ng candy. Bigla ko tuloy siyang gustong pagdiskitahan. Tinupi ko ang balat ng candy at hakmang ipapasok sa bibig niyang bahagyang nakabukas. Natawa ako sa ginawa ko. Kaya lang ay bigla itong gumalaw kaya itinigil ko ang ginawa ko. Kinuha ko ang cellphone ko at naisipan ko siyang kunan ng letrato. Kapag malungkot ako tingnan ko na lamang ang letratong ito para tumawa ako.  Lumipas ang ilang sandali ay hinayaan ko na lamang ang babae. Umupo ako ng maayos at sinandal ang ulo ko para makaidlip din ako.  Nakapikit na ang mata ko ng bigla kong maramdaman na nasapo ng balikat ko ang ulo ng babaeng katabi ko. Dumilat ako at nakita ko nga na nakadagan na ang ulo niya sa balikat ko. Sinubukan kong ihangat ang ulo niya para maalis sa pagkapatong sa balikat ko. Kaya lang tuwing itataas ko ay bumabalik ito sanpagkapatong sa ulo ko. Halos tatlong beses kong ginawa iyon hanggang sa magising na yung babae. Napansin niya siguro ang ginawa kong paghangat sa ulo niya. Inayos niya ang buhok niyang mahaba saka tumingin sa akin. Napatingin din ako sa kanya at masasabi ko na mas lalo siyang gumanda ngayong nakagising siya. Parang biglang tumigil ang mundo ko ng sandaling iyon. Ewan ko ba parang may kakaiba akong nadama nang mga oras na iyon. "Pasensiya na." sabi niya sa akin.  Tumango lamang ako at umupo ng maayos pagkatapos ay sinandal kong muli ang ulo ko sabay pikit ng mata. Habang nakapikit ako ay panay ang rehistro ng maganda niyang mukha sa isipan ko. Dumilat ako at bahagyang lumingon sa kanya. Nakatingin siya sa may bintana at kahit saside view ay kita mo pa din ang ganda ng mukha niya. Tinapik ko pa ang mukha ko dahil bigla na lamang ako napapangiti.b Muli ay pumikit ako. At ilang sandali lang ay ramdam ko na tumayo siya.  "Excuse me. Bababa na ako." dumilat ako at pinadaan ko siya. Bumaba siya sa bus at kita ko na dumeretso siya sa isang police station. Nagtaka ako bakit kaya doon siya pumunta. Tumingin ako sa relo ko at alas otso na ng umaga.  Ate Alexa calling... Kaagad ko iyon sinagot.  "Saan ka na, brother?" panimula niya. "Pababa na ako ng bus. Sasakay na lang ako ng tricycle niyan."  "What? Bat hindi mo nalang dinala yung kotse mo." "Gusto ko magcommute chaka wala na akong panggas." "Sana sinabi mo para napasundo kita kay Axel." "Ayos lang ate. Malapit na din ako. Wait niyo nalang ako diyan." "Sige. Ingat ka."  Yun lang ang sinabi niya at ibinaba na niya ang phone niya.  Bumaba na ako ng bus at sumakay ng tricycle. At ilang saglit lang ay nakarating na ako sa bahay.b Kaagad akong sinalubong ng mga katulong at rinig ko pa ang isa sa kanila na nagsabi na narito na ako.  Sinalubong ako ng kambal ko at ni ate Alexa.  Niyakap ako ni ate at inakbayan naman ako ng kambal ko at sabay kami dumeretso sa kusina.  Binati ko ang magulang ko ng good morning sabay kiss sa pisngi kay mom. Masaya naming pinagsaluhan ang breakfast.  "Ano po sasabihin niyo, dad?" ako na ang nagtanong.  "We will visit your uncle sa Batangas. Maysakit ang tito Dice niyo at gusto niya din kayo makita. Para din makita niyo ang mga pinsan niyong si Sab at Halia." "Sige po. Kailan po ba?" tanong ni ate. "Miss ko na din sina ate Sab at Halia." "Bukas na."  "Sige po ayos lang po sa akin." sagot ko "Dad, may tinatapos pa po ako sa office. Pwedi naman po kayo mauna taoos susunod na lang po ako." sabi ni Axel. "Sige." Nagstay pa ako ng ilang oras sa bahay bago magdesisyong umuwi.  "Bago ka umuwi, gusto kang makausap ni dad." sabi ni ate.  "Sige, pupuntahan ko nalang siya."  Kaagad ko siyang pinuntahan sa kwarto nila ni mom. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok.  "May sasabihin po kayo dad?" tanong ko. "Ayaw mo na ba talagang bumalik sa bahay? Your mom misses you so much."  Tinitigan ko si mom at kita sa mukha niya ang lungkot. Nilapitan ko siya at niyakap.  "Miss ko din po kayong dalawa kaya lang po--" "Kaya lang, ayaw mo dahil ayaw mong ikinukumpara ka sa kambal mo? Di ba sinabi naman namin sa iyo na pantay ang pagtingin ko sa inyong dalawa. Oh baka naman nagtatampo ka dahil sa kambal mo pinamahala ang company." "No dad. I know mas deserve ni Axel ang company." "Then what?"  "Babalik din po ako, promise." "Sige. Take your time, basta you are always welcome here." "Thanks dad and mom. Una na po ako. Magpapahatid na lang ako sa kay Axel." "Ingat kayo." Kasalukuyan na kaming nagbabyahe ni Axel pabalik sa condo ko. Madami ba din kami napagkwentuhan dalawa.  "So, kambal, may nagpapatibok na ba ng puso mo?" tanong biya sa akin.  "Ang korni naman ng "nagpapatibok ng puso na iyan"." sabi ko sa kanya. "Why? Hanggang ngayon ba laro pa din iyang nasa isip mo? Hindi na tayo bata Allen, dapat may plano kana sa future mo." "Nagsalita ang may plano na sa buhay." biro ko sa kanya. "Konting tiis nalang, brother. Magsasama na din kami ni Pam. Eh ikaw?" "Wala pa. At kapag meron, ikaw nga una kong sasabihan." "Umpisahan mo na ang maghanap para makilatis na." "May tanong ako. Ano yung naramdaman mo nung una mong makita si Pam?" bigla kong tanong sa kanya.  "Nung una ko siyang makita, parang tumigil bigla ang mundo ko. Yung tipong bigla na lamang akong naoaoangiti tuwing tinitingnan ko siya. Tapos kapag nakapikit ako, mukha niya pa din naiisip ko." Napanganga ako ng marinig ko ang sinabi niya. Same as I felt awhile ago dahil sa babaeng iyon.  "Don't tell me, naranasan mo na iyon? I tell you brother, kung naranasan mo iyan sa isang babae, wag mo ng pakawalan dahil ibig sabihin niyon ay inlove ka na." "Sira. Inlove agad?" "So you mean, you already felt that?" "Maybe." tanging sagot ko. "Pakasalan mo na brother." birong sabi niya.  "Pakasal agad? Eh kanina ko lang siya nakita." "What do you mean?" kuryosidad niyang tanong.  "Nakatabi ko siya sa bus kanina." "So hindi mo alam ang pangalan? Edi sana tinanong mo na tapos hiningi mo na din ang number. Ay mahinang nilalang." Humaba pa ang asaran naming dalawa.  Oo, inaamin ko, biglang gumulo ang isip ko dahil sa babaeng iyon. Pakiramdam ko gusto ko ulit siya makita at makilala. Sana ay malaman ko kung ano ang pangalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD