Episode 11

1389 Words
Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako kinaumagahan. Ramdam ko ang bigat ng mga mata ko. Marahil dahil ito sa halos magdamag kong pag-iyak. Muli ay bumigat na nanaman ang pakiramdam ko dahil sa katotohanan na nawala ko ang mahalagang singsing ni Axel.  Alas sais palang iyon ng umaga. Lumabas ako ng kwarto at kita ko si itay na nagkakape sa kusina.  "Good morning po, tay." bati ko sa kanya sabay timpla ng sarili kong kape.  "Good morning din, nak."  "Umalis na po ba si inay?"  "Oo kanina pang alas kwatro ng madaling araw umalis na." "Okay po. Siyanga po pala itay, balak ko po pumunta sa pinakamalapit na police station para magreport sa nakawan na nangyari sa atin kagabi."  "Mamahalin ba iyong singsing na hinahanap mo? Bigay ba iyon ni Joshua o yung isang lalaki, ano nga bang pangalan non?"  "Si Axel po. Sa kanya din po iyong singsing. Sa totoo lang po, pinatabi lang po niya sa akin iyon. Duamond po iyon kaya sa tingin ko ay sobrang mahal ng halaga non." "Naku naman. Sa liit lang ng bahay natin, may naglalakas loob pang pasukin. Tsaka paano kaya nalaman ng magnanakaw na iyon ang tungkol sa mamahaling singsing na iyon?" Napaisip din ako sa sinabing iyon ni itay. Hindi ko naman iyon sinusuot tuwing lalabas ako. Tsaka nilalabas ko lang naman iyon tuwing nakahiga na ako sa kama. Kaya paano nalaman ng magnanakaw na iyon ang tungkol doon? Halos magulo ang utak ko sa kakaisip ng tungkol doon.  Mag-aalas siete na ng umaga ng makaalis ako sa bahay. Nagtricycle ako papunta sa istasyon ng bus. Mas mabilis kasi kung sasakay na lamang ako ng bus papunta sa malapit na police station. Naikwento din kasi ni itay na may tattoo daw na dragon sa balikat yung pumasok sa bahay kagabi. Gusto ko man isama si itay kaso lang ay mahina siya at baka sumpungan pa ng sakit niya. Sumakay ako ng bus at binalak kong umupo sa bandang likuran. Sa totoo lang ay inaantok pa ako dahil ilang oras lang ang naging tulog ko kagabi.  Patingin-tingin ako sa bintana para libangin ang sarili ko hanggang sa naramdaman kong inaantok na ako.  Niyakap ko ang bag ko, kahit pamasahe lang ang dala-dala ko. Mahirap na, baka manakawan pa ako. Pinikit ko ang mata ko hanggang sa naramdaman ko na lamang na tuluyan na akong makatulog.  Napagising ako ng maramdaman ko na may parang humampas sa ulo ko. Dumilat ako at nakita ko na may katabi akong isang lalaki. Nakaface mask siya at nakasumbrero kaya hindi ko kita ang buo niyang itsura. Sa palagay ko ay nakatulog ako sa balikat niya kaya sinusubukan ng lalaking ito na alisin ang ulo ko sa pagkakapatong sa balikat ko.  Inayos ko muna ang buhok ko bago ko siya hinarapan.  Humingi pa ako ng pasensiya sa ginawa ko. Tumingin ako sa bintana at mukhang malapit na ako sa police station.  Bumaba ako sa harapan ng police station.  Nakausap ko ang isa sa mga pulis doon at ikinuwento ang tungkol sa nangyari. Inilarawan ko din ang itsura ng singsing na nawala. Sinabi ko din ang sinabi ni itay na may tattoong dragon yung magnanakaw. Sinabihan din ako na isama ko si itay para daw mailarawan din niya ang itsura nung nanloob sa bahay. Mabuti na lang ay may nagmagandang loob na isang pulis na sumama pauwi para sa bahay na lang interviewin si itay. "Sir, please po gawan niyo po ng paraan para mahanap ang singsing na iyon. Mahalaga po iyon sa akin." "Sa totoo lang miss mahihirapan tayo hanapin ang magnanakaw lalo pa't ang palatandaan lang ninyo ay yung tattoo niya sa balikat. Kung namukhaan ng itay no yung suspek, mas mabuti." Ininterview nila ai itay. Nasabi niya na hindi niya ito namukhaan dahil nakamask ito. Tanging yung tattoo lang talaga ang palatandaan niya.  Unti-unti ay nawawalan ako ng pag-asa. Pati mga cctv kasi banda dito ay sira na at hindi pa napapagawa.  Ano ng gagawin ko ngayon? Mukhang malabo ko ng makikita yung singsing. Paano ko sasabihin ito kay Axel?  Araw ng lunes. Kabadong kabado ako dahil ngayon kami magkikita ni Axel at susunduin niya ako dahil ngayon ang simula ko sa trabaho ko bilang sekretarya niya.  Lampas alas siete na ng umaga at narito na siya. Hindi ko pinahalata sa kanya na namomoblema ako. Hahanap lang din muna ako ng tiempo para masabi ko sa kanya ang lahat.  Nagsuot ako ng pantalon at blouse.  Nagbyahe na kami papunta sa company nila ang Alcantara Corporation. Sobrang laki at taas ng building. Wala akong alam sa business pero sa pagkakaalam ko ay isa ito sa sikat na company sa Pilipinas. Napakayaman talaga nila.  Bago ako tuluyang bumaba sa sasakyan niya ay may inabot siya sa akin ng tatlong paper bags. "Ano ito?" tanong ko sa kanya.  "Bumili ako ng tatlong pares ng isusuot mo. Hindi pweding ganyan ang kasuotan ng sekretarya ko." "Sige. Magpapalit na lamang ako, sir." sabi ko sa kanya.  Sabay kaming bumaba sa sasakyan. Pagpasok namin sa loob ay halos bumabati sila sa kanya. Madami ding mga mata ang nakatingin sa akin na para bang pinag-uusapan ako.  Hindi ko alam kung ilang floor ang nilagpasan namin bago marating ang opisina niya.  May kinausap si Axel na isang babae. At ang babaeng iyon ay lumapit sa akin. Nakataas pa ang kilay. Mukhang masungit.  "I'm Miss Garcia. So, you are his temporary secretary. Ako ang magtuturo sa iyo ng mga dapat mong gawin. Magbihis ka na." Kaagad naman akong tumalima at nagpalit ng damit. Maraming tinuro sa akin si Misa Garcia. Sinbi niya din sa akin ang mga dapat kong gawin pati na din ang mga gusto at ayaw ni sir Axel.  Nauna ko munang pinagtimpla siya ng kape. Kumatok din muna ako bago pumasok sa opisina niya.  Pagpasok ko ay nadatnan ko siyang nakaharap sa laptop at may binabasa.  "Mr. President, coffee. " sabi ko sabay lapag sa table niya.  "Mr. President?" halos matawa pa niyang sagot. Napakamot pa ako ng ulo sa naging tugon niya.  "Sabi kasi ni Miss Garcia, iyon ang itawag ko po sa inyo." "Masyadong pormal. Magkaibigan tayo diba?" "Kaya lang po baka pagalitan niya ako, masyado kaya siyang masungit tsaka nakakatakot." "Drop Mr. President and po kapag tayo lang dalawa magkausap." "Okay po--. Okay." "May ipapagawa ka ba?" tanong ko sa kanya.  "Wala. Just stay here inside." "Ah?" takang tanong ko.  "I said just stay and sit there." turo niya sa sofa. "Wala akong gagawin? Babantayan lang kita?"  "If that's what you think." sabi niya at balik ang atensyon sa harap ng laptop. "Dapat may gawin ako. Wala kang ipapaphotocopy? Oh kung gusto mo magwalis ako dito o kaya naman lilinisin ko nalang yung banyo." Natawa naman siya sa sinabi ko.  "Anong nakakatawa?" tanong ko.  "Wala pa. Dahil mamaya pa. I have a meeting before lunch at sasamahan mo ako." Napatango naman ako. "Okay."  Alas mabagot ako sa loob ng opisina niya dahil ilang oras na akong nakaupo sa sofa.  "What time is it?" bigla niyang tanong.  Tumingin ako sa wallclock. "10:48 na." sagot ko.  "Okay, lets go. I have lunch meeting with Mr. Jerry Perez." Lampas alas onse na ng umaga ng makarating kami sa isang mamahaling restaurant. Doon ay may kameet siyang kliyente na si Mr. Jerry Perez.  Nirecord ko ang pag-uusap nila at nagtatake down notes ako ng mga napag-uusapan nila. Kumain na din kami ng lunch pagkatapos ng pag-uusap nila.  "Mukhang bago na ang secretary mo Mr. Alcantara. Tsaka mas maganda pa. Sayang lang, kung hindi pa engage ang anak ko ay ipapakilala sana kita." Halos nahiya naman ako sa sinabi niya.  "Much better Mr. Perez coz my secretary is not available." halos mapatingin pa ako sa naging sagot niya  "Ang gwapo po siguro ng anak niya tulad niyo. " halos pabiro ko pang sabi.  "Of course, he is." sabay naming tawa.  "We already finish our lunch. May importante pa akong gagawin, Mr. Perez, if you mind kung mauuna na kami sa iyo." Hindi na niya hinintay sumagot ang matanda at kaagad na itong tumayo at umalis.  "Bye po." sabi ko pa bago tuluyang sumunod sa kanya. Samantala, nung nasa loob na kami ng kotse ay halata sa kanya ang pagkainis.  "Okay ka lang?" tanong ko.  "Nakalimutan mo na ba na secretarya kita? Hindi ka allow makipag-usap ng ganoon ng kliyente ko lalo na kung hindi related sa business. Really? Gusto mo makilala yung anak niya?" "I'm sorry. Hindi.dapat ako nakikipag-usap sa mga kliyente mo. Tsaka anong gustong makilala? Sinabi na nga niya na engage na, syempre ayaw ko." "So kung hindi engage, papayag ka?" muling inis niyang tugon. "Hindi sa ganon." tugon ko.  "Tssskkk." sabi niya sabay harurot sa sasakyan.  Ano kayang problema ng lalaking ito? Bigla ko tuloy naisip na baka nagseselos siya. Bigla tuloy akong kinilig. Sana nga nagseselos siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD