Madalas akong sinusungitan ni Ms. Garcia. Laging matalim ang mga tingin niya sa akin. Paano ba naman kasi ay madalas wala akong ginagawa sa opisina. Madalas lang ako nasa loob at nakaupo. Kung may gagawin lang ako ay yun yung pagtimpla siya ng kape at tagasabi kung anong oras na.
Tatlong araw na lagi ganoon lang ang ginagawa ko. Halos mabagot na nga ako e. Kung hindi ganoon ang ginagawa ko, sinasama naman niya ako para sa mga kameeting niyang kliyente. At tuwing may kameeting naman siya ay sinisiguro ko na lamang na wag ng magsalita, baka kasi magalit na naman siya sa akin.
Nabanggit ko na din pala sa kanya ang tungkol sa pagkawala ng singsing. As I expected, galit na galit siya sa akin.
Flashback...
"Bakit kanina ka pa hindi mapakali? May gusto ka bang sabihin sa akin?"
Siguro ito na ang pagkakataon para masabi ko sa kanya ang tungkol sa singsing. Mukhang malabo na din naman na mahanap ko iyon dahil wala kaming sapat na ebisensiya para mahanap ang magnanakaw.
"May sasabihin po ako. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng patawad." sabi ko sa kanya.
"What do you mean? Tell me." sabi niya habang abala sa ginagawa niya sa harap ng laptop.
"I'm so--rry." halos mautal-utal ko pang sabi.
"For what?"
"Ahh, kaseee..."
"Ano nga?"
"Nawala ko yung singsing!"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Whatttt? Wag mo akong lokohin ng ganyan dahil hindi nakakatawa."
"Nung gabi na kumaim tayo ss labas, may nanloob sa bahay. Ninakaw nila yung singsing."
"My god, Isabella. You know how important that ring!". Pasigaw niyang sabi. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin.
"Babayaran ko. Magkano ba iyon?" tanong ko sa kanya.
"Really? Kahit magtrabaho ka 24/7 sa akin ng limang taon, hindi mo iyon mababayaran."
"Magkano ba kasi iyon?"
"That ring cost more than five million."
"Anoo?" gulat kong tanong dahil hindi ako makapaniwala sa halaga ng kapirasong singsing na iyon.
"Hahanapin ko. Kahit anong mangyari, hahanapin ko ang magnanakaw. At kung hindi ko man mahanap, hanada akong magtrabaho sa iyo ng kahit sampung taon pa, mabayaran ko lang ang nawala mong singsing."
Nang araw na iyon ay laging mainit ang ulo ni Sir Axel. Hndi na din niya ako ganoon kinakausap. Ramdam ko na galit na galit siya sa akin pero mabuti na lamang at hindi niya ako pinaalis sa trabaho ko.
Ikalimang araw ko na sa trabaho ko sa kanya. Still, para lang akong hangin sa kanya. Hindi niya ako kinakausap, at wala din naman siyang pinapagawa sa akin.
Nagdesisyon na din kami na lumipat ng bahay. Mas okay na siguro na umupa nalang kami ng bahay kasya naman manatili pa kami doon. Baka bumalik pa yung magnanakaw at akalain na may mananakaw pa sa amin. At baka sa susunod ay may masaktan pa sa amin. Hindi na din naman ako nagpapaubliga na sunduin niya, tsaka mukhang hindi na niya ako susunduin dahil sa bigat ng kasalanan ko sa kanya.
"What time is it?" Nagulat ako dahil ngayon lang niya ulit ako kinausap.
Tumingin ako sa relo ko. "Sir, 5:08 na po. Ipapaalala ko lang po na may dinner meeting po kayo with Mr. Perez."
Kumunot ang mga kilay niya. Sa natatandaan ko din, si Mr. Perez yung matandang lalaki na nagsabi na kung hindi daw engage ang anak niya ay ipapakilala niya ako.
"Fine." sagot lang niya. As usual, galit pa din siya sa akin.
Isinara niya ang laptop niya at nagsimula ng tumayo.
Tumayo din ako.
Una akong lumabas ng opisina at kita ko ang matalim na tingin ni Ms. Garcia. Kasabay ko naman ay ang paglabas din ni Sir Axel.
Tahimik lang kami hanggang sa makasakay na kami ng kotse. Hindi ako nagsasalita dahil mukhang wala din siya sa mood at baka mas lalo pa siyang magalit sa akin.
Ilang minuto din ang nagdaan ay naroon na kami sa isang restaurant. Ibang restaurant na iyon at hindi na dun sa dati nilang meeting place.
Nung makapasok na kami sa loob ng resto, ginala ko ang mga mata ko pero wala naman akong makita na may edad na lalaki na nakaupo mag-isa. Hanggang sa may lumapit sa amin isang lalaki.
"Sir, kayo po ba si Mr. Alcantara?"
"Yes."
"This way, Sir. " sabi nito at sinundan naman namin siya.
Pumunta kami sa isang table kung saan may isang lalaki na nakaupo. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi iyon si Mr. Perez dahil halos puti na ang buhok niya. At kahit nakatalikod lang ang lalaki ay alam ko na mas bata ito. Ayon na din kasi sa suot niya at sa gupit ng buhok niya.
Pinauna kong maupo si Sir Axel. Sinet ko muna sa recorder ang phone ko bago ako tuluyang makaupo. At ng masulyapan ko ang lalaking kasama namin sa table ay bigla akong nagulat. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ito.
"Belle?" umpisa niya.
It was Josh. Anong ginagawa niya dito? Saka ko lang narealize na Perez ang apelido niya. Siya kaya ang tinutukoy ni Mr. Perez na anak niya? Posible, dahil engage na nga siya. At isa pa hindi ko kilala ang mga magulang niya dahil mukhang wala naman talaga siyang balak na ipakilala ako.
"Josh?" sabi ko. Nakangiti naman siya sa akin..
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Secretary ako ni Sir. Alcantara." sabi ko sabay tingin sa kanya at kita ko ang inis sa mukha niya.
"Pumunta ako sa inyo nung minsan, wala na kayo. Lumipat na ba kayo ng tirahan?"
Sasagot pa sana ako kaso lang ay kita ko na parang sasabog na si Sir Axel dahil sa galit sa mukha niya. Naalala ko ang sinabi niya na bawal akong makipag-usap sa mga kliyente niya lalo pa kung hindi related sa business.
"Sorry to interrupt you, pero hindi tayo narito para pag-usapan iyan." sungit niyang tanong. "By the way, what is your relationship to Mr. Jerry Perez?"
"I'm his son. Ako muna ang pumalit sa kanya dahil may business trip siya."
Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa business. At siyempre wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Basta ako ay take down notes lang ng mga dates at mahahalagang bagay na pinag-uusapan nila.
Madalas din nakatitig sa akin si Josh kaya nakakaramdam din ako minsan ng ilang. Ilang weeks na din kasi kami hindi nagkita, at ang huli naming pagkikita ay yung gabing iyon. Hindi ko din masasabi na kung hiwalay na ba kami dahil wala naman kaming closure. If my chance na magkausap kami, pwedi naman, para tapusin na ang dapat tapusin, besides, ikakasal na siya kaya wala ng pag-asa sa pagitan naming dalawa.
Mga kalahating oras na din ang itinagal ng pag-uusap nila. Nagsimula na din maglagay ng mga pagkain sa mesa ang mga waiter na hudyat na kakain na kami. Kaya lang nagulat ako ng biglang tumayo si Sir Axel.
"Gusto ko sanang sabayan ka sa dinner, pero may iba pa akong gagawin. Ms. Isabella. Let's go."
Napatingin ako sa kanya. Sayang naman, mukhang masasarap ang mga nakalapag sa mesa. Ano pang gagawin niya? Wala naman akong alam na may iba pa siyang schedule.
"Ganun ba? Okay I understand."
Padabog pa niyang isinara ang pinto ng sasakyan niya. Ano nanaman kayang ikinagagalit niya.
Bigla niya akong hinarapan. Ayaw ko din siyang tingnan dahil parang nanlilisik ang mga mata niya.
"You should thank me." Sabi niya.
"Ahh? Ano pong ibig niyong sabihin, Sir?"
"Nagkita kayo ng lalaking iyon. Siya iyong ex boyfriend mo diba?"
Hindi ako kaagad nakasagot. Tumango na lamang ako.
"Mukhang kilig na kilig ka kanina. Nakaistorbo ba ako sa pag-uusap niyo? Sana pala umalis na ako para nakapagsolo kayo."
"Hindi ko po alam na naroon siya. At mas lalong hindi ko alam na anak pala siya ni Mr. Perez."
"How ironic. Hindi mo kilala ang pamilya ng boyfriend mo."
Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sarili ko o maiinis ako dahil sa sinabi niya.
"Tanga kasi ako." iyon lang ang nasabi ko.
Wala ng kahit isa sa amin ang nagsalita. Sa totoo lang gusto kong maiyak. Kaya lang pinipigilan ko dahil ayokong makita niya ako ng ganoon.