Episode 13

1387 Words
Axel's POV Naging sekretarya ko si Isabella dahil sa biglaang pagleave ng aking sekretarya dahil sakto naman na wala pa siyang trabaho ngayon. Sa totoo lang, nakaramdam ako ng kaunting lungkot dahil baka hindi na ulit kami magkita. Ewan ko ba kung bakit may kakaiba akong nararamdaman pag kasama ko siya. Wala lang naman siguro iyon dahil imposibleng magkagusto ako sa kanya dahil si Pam lang ang laman ng puso't isipan ko.  Sinundo ko siya ng maaga sa kanila para alam niya kung saan banda ang company namin. Nung araw bago siya mag-umpisa bilang sekretarya niya ay nag-effort pa akong pumunta ng department store pra lang bilhan siya ng maisusuot niya, at hindi nga ako nagkamali dahil pagkasundo ko sa kanya ay nakasimpleng blouse lang ito at pantalon.  Nung nasa office na kami ay sinabihan ko siya na maupo lang muna habang wala pa akong inuutos sa kanya. Inaamin ko na habang nakaharap ako sa laptop at abala sa aking ginagawa ay hindi ko pa ding maiwasan ang sarili ko na tingnan siya ng palihim. Ewan ko ba kung bakit ko iyon ginagawa, para akong tanga ng mga sandaling iyon.  Sinabihan ko siya na samahan ako sa meeting ko sa isa kong client na si Mr. Perez. Siya ang naglilista ng mga mahahalagang pinag-usapan namin. Naging maayos naman ang pag-uusap naming dalawa hanggang sa bigla na lamang akong nawala sa mood ng kausapin malipat ang usapan namin sa kanya.  "Mukhang bago na ang secretary mo Mr. Alcantara. Tsaka mas maganda pa. Sayang lang, kung hindi pa engage ang anak ko ay ipapakilala sana kita."  Hindi ko maintindihan ang sarili ko ng mga oras na iyon. Ano bang kinaiinis ko? Wala naman sa akin kung may magreto man sa kanya dahil sekretarya ko lang siya.  "Much better Mr. Perez coz my secretary is not available." Ewan ko kung ano ang nag-udyok sa akin na isagot iyon sa kanya.  "Ang gwapo po siguro ng anak niyo tulad niyo. " sagot naman ni Isabella na mas lalong nakapagpainis sa akin.  "Of course, he is." halos sabay pa nilang tawa.  "We already finish our lunch. May importante pa akong gagawin, Mr. Perez, if you don't mind, mauuna na kami sa iyo." sabi ko sabay tayo at umalis.  Narinig ko pang nagpaalam siya sa matandang lalaking iyon bago ako sundan "Bye po." Nung nasa loob na kami ng sasakyan, alam ko na nahalata na niya ang inis ko. "Okay ka lang?" tanong niya sa akin.  "Nakalimutan mo na ba na secretarya kita? Hindi ka allow makipag-usap ng ganoon ng kliyente ko lalo na kung hindi related sa business. Really? Gusto mo makilala yung anak niya?" galit kong tugon sa kanya. "I'm sorry. Hindi.dapat ako nakikipag-usap sa mga kliyente mo. Tsaka anong gustong makilala? Sinabi na nga niya na engage na, syempre ayaw ko." "So kung hindi engage, papayag ka?"  "Hindi sa ganon." "Tssskkk." sabi ko bago ko tuluyang pinaandar ang sasakyan.  Dahil sa inis ko sa kanya, hindi na ako nag-effort na sunduin siya sa kanila. Tsaka ayoko din naman na pagmulan pa iyon ng tsismis kung hahatid sundo ko ang sekretarya ko. Tutal naman ay alam na niya ang papunta sa opisina.  Ilang araw na din ang lumipas. Sa totoo lang ay wala naman akong gaanong inuutos sa kanya. Hindi din naman kasi ganoon kadaming trabaho ngayon. In fact, kahit hindi muna ako kumuha ng sekretarya ay maaari naman kaya lang nung mga panahon na iyon ay gustong-gusto ko siyang nakikita kaya kinuha ko siya.  Isang araw, may sinabi siya sa akin na kinagulat ko.  Bakit kanina ka pa hindi mapakali? May gusto ka bang sabihin sa akin?"  Tama nga ang hinala ko, may gusto siyang sabihin.  "May sasabihin po ako. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng patawad." Bigla akong kinabahan ng mga oras na iyon.  "What do you mean? Tell me."  sabi ko sa kanya habang nakatutok sa laptop. "I'm so--rry." halos nauutal pa niyang sabi.  "For what?" tanong ko.  "Ahh, kaseee..." "Ano nga?"  "Nawala ko yung singsing!"  Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko sa kanya.  "Whatttt? Wag mo akong lokohin ng ganyan dahil hindi nakakatawa." "Nung gabi na kumain tayo sa labas, may nanloob sa bahay. Ninakaw nila yung singsing." "My god, Isabella. You know how important that ring!". Hindi ko mapigilang sigawan siya.  "Babayaran ko. Magkano ba iyon?"  Natawa pa ako ng bahagya bago tuluyang sumagot.  "Really? Kahit magtrabaho ka 24/7 sa akin ng limang taon, hindi mo iyon mababayaran." "Magkano ba kasi iyon?"  "That ring cost more than five million." "Anoo?" gulat niyang tugon.. "Hahanapin ko. Kahit anong mangyari, hahanapin ko ang magnanakaw. At kung hindi ko man mahanap, handa kong magtrabaho sa iyo ng kahit sampung taon pa, mabayaran ko lang ang nawala mong singsing." Hindi ako kaagad sumagot. Sa totoo lang ay hindi ako ganoon kagalit sa kanya. Dahil hindi naman nawala ang singsing, dahil nasa akin na iyon.  Flashback... "I will tell you her address." sabi ko sa kausap kong lalaki.  Nung araw na inamin niya na nasa kanya ang singsing ko at ayaw niya ibalik ay sobrang nainis ako sa kanya. Kaya naman, naghire ako ng isang lalaki para pasukin ang bahay nila at kunin ang sinsing ko. Pero nagdaan ang ilang araw ay naging masaya ako kasama silang dalawang magkapatid at nakalimutan ko bigla ang masamang plano kong iyon.  "Sir, nakuha ko na po iyong singsing." Nung araw pagkatapos naming magdinner magkasama ni Isabella ay saka ako nakatanggap ng mensahe sa kanya na nakuha na niya ang singsing. Nakaramdam ako ng pagsisisi ng mga oras na iyon dahil mali ang ginawa ko. Kaya lang nangyari na kaya naman wala na akong magagawa.  End of flashback.. I felt guilty sa ginawa ko pero ayoko namang umamin sa kanya, baka kasi magalit siya sa akin. Mabuti na lamang ay hindi niya sinaktan ang pamilya ni Isabella.  Nagkukunwari ako na galit sa kanya para hindi din naman siya makahalata.  Isang araw ay muling nagkaroon kami ng meeting ni Mr. Perez.  Mas lalong tumindi ang pagkainis ko kaysa nung naunang magkita kami, dahil sa pagkkataong ito ay ang anak ni Mr. Perez ang kameeting ko. Mukhang ang liit ng mundo dahil ang anak pala nitong si Mr. Perez ay ang ex-boyfriend ni Isabella.  "Belle?" sabi nung lalaki.  "Josh?" Tugon niya. Kita ko kung paano sila magtitigan at magngitian. Ng mga oras na iyon ay bahagya akong nakaramdam ng kirot. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ng lalaki "Secretary ako ni Sir. Alcantara." sabi pa niya sabay tingin sa akin.  "Pumunta ako sa inyo nung minsan, wala na kayo. Lumipat na ba kayo ng tirahan?" Hindi naman sumagot pa si Isabella dahil mukhang alam na niya na niinis na ako. "Sorry to interrupt you, pero hindi tayo narito para pag-usapan iyan." sabi ko. "By the way, what is your relationship to Mr. Jerry Perez?" "I'm his son. Ako muna ang pumalit sa kanya dahil may business trip siya." Nagsimula na kaming mag-usap at nakakaramdam pa rin ako ng inis lalo pa't nakikita ko kung paabo siya tumitig sa sekretarya ko. Kaagad ko na iyon tinapos dahil ang gusto ko ay makaalis na kami doon at nang mailayo ko na siya sa lalaking ito.  Nakahapag na din ang kakainin sana namin kaya lang ay nagdesisyon ako na wag na lang kahit na nakakramdam na ako ng gutom. "Gusto ko sanang sabayan ka sa dinner, pero may iba pa akong gagawin. Ms. Isabella. Let's go." sabi ko "Ganun ba? Okay I understand." tugon naman ng lalaki. Kaagad akong tumayo at umalis. Sumunod din naman sa akin si Isabella.  Padabog kong isinara ang pinto ng sasakyan.  Bigla ko siyang hinarapan. . "You should thank me." Sabi ko sa kanya.  "Ahh? Ano pong ibig niyong sabihin, Sir?" patay malisya niyang tugon.  "Nagkita kayo ng lalaking iyon. Siya iyong ex boyfriend mo diba?" T umango na lamang siya sa akin.  "Mukhang kilig na kilig ka kanina. Nakaistorbo ba ako sa pag-uusap niyo? Sana pala umalis na ako para nakapagsolo kayo." "Hindi ko po alam na naroon siya. At mas lalong hindi ko alam na anak pala siya ni Mr. Perez." "How ironic. Hindi mo kilala ang pamilya ng boyfriend mo." naiinsulto kong tugon.  "Tanga kasi ako." Halos maiyak iyak siya nang sabihin niya iyon. Bigla tuloy akong nakonsiyensiya sa sinabi ko. Gusto ko siyang yakapin ng mga oras na iyon kaya lang hindi ko kaya. Simula ng makilala ko siya, until now, natatakot ako. Natatakot ako na baka dumating yung araw na iba na pala ang nararamdaman ko sa kanya. Ayoko mang aminin sa sarili ko, pero bakit kakaiba ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya? May pagtingin na ba ako sa kanya? No! Hindi pwedi. Sarado na ang puso ko sa iba dahil nasa loob na ng puso ko si Pam. Siya lang. Wala ng iba. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD