Kasalukuyan kaming nsa loob ng kanyang opisina. Abala siya sa mga pinipirmahan niya. Habang ako naman ay naroon lang at nakaupo. Sobrang nakakainip na talaga. Hinihintay ko na lang mag lunch time para makalabas na ako at kumain. Mukha na naman kasi siyang wala sa mood. Bakit kaya madalas ko nalang siya nakikitang nakakurot ang kilay. Kaya ayoko na din kasi siya tanungin kung may ipapagawa siya dahil tatawagin naman niya ako kung may gusto siyang iutos gaya ng magphoto copy or pagtimpla siya ng kape.
Nasa ganoong ayos kami ng marinig kong nagring ang phone niya.
"Hello, babe."
Bigla akong napatingin sa kanya. Kita ko ang kislap ng kanyang mga mata ng mga oras na iyon, kanina lang magkasalubong ang mga kilay niya pero ngayon abot langit ang ngiti niya. Of course, magtataka pa ba ako? I'm sure si Pam ang kausap niya, si Pam na babaeng mahal na mahal niya.
Nagulat pa ako dahil bigla niyang niloud speaker ang phone niya at dinig na dinig ko ang usapan nilang dalawa.
"Hello, babe. How are you? I missed you so much." sabi ng babae sa kabilang linya.
"Ayos lang ako, babe. Marami lang ginagawa sa office. I missed you too, can't wait to see you again. O love you."
"I love you too babe."
Ewan ko kung sinasadya ba niya talagang iparinig sa akin ang sweet na usapan. Pero ano nga bang pakealam ko? Wala. Kasi sekretarya niya lamang ako.
Ilang sandali pa ang lumipas at tumingin ako sa relo ko, lampas alas dose na. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Sir, lunch time na. Ano pong gusto niyong kainin?" tanong ko sa kanya.
"It's okay, busog pa ako. You can eat your lunch, balik ka nalang kaagad." utos niya sa akin.
Hindi na ako tumugon at dali-dali na lamang akong lumabas ng opisina niya. As expected ay matatalim na tingin na naman ang iginawad sa akin ni Ms. Garcia at tsaka niya ako nilapitan.
"Ms. Marquez, curious lang ako kung ano bang meron sa inyo ni Sir. Alcantara." sabi niya sa akin.
"Mam, sekretarya niya po ako."
"Ang ibig kong sabihin, ay kung may personal ka bang relasyon sa kanya? Bigla ka nalang niya hinire na sekretarya kahit na wala kang experience, samantalang istrikto siya sa pagpili ng kinalalagyan mo. Tapos, wala ka man lang ibang ginagawa? Tell me, inaakit mo ba ai Sir kaya ganyan siya makitungo sa iyo?"
Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Mam nagkakamali po kayo. Hindi ko inaakit si Sir. Tsaka dalawang linggo lang naman ang itatagal ko dito, pansamantala lang habang wala pa ang talagang sekretarya niya."
"Really? As far as I know, nagresign na ang sekretarya ni sir."
"Pero iyon po mam ang alam ko."
"Be careful dahil babantayan ko ang mga kilos mo. Don't try to seduce sir. Axel dahil hindi ka magwawagi."
Bago pa ako magsalita ay napatigil kami dahil may biglang tumwag sa akin.
"Belle!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses and it was Josh. Hindi na ako magtataka kung narito siya dahil business partner siya ni Sir Axel.
"Mr. Joshua Perez. I'm glad na narito po kayo. You know her?"
"Yes. Siya yung sekretarya ni Mr. Alcantara. I met her during our dinner meeting."
Tumango na lang si Mam Garcia pero kita ko pa din ang pagkainis nito.
"Nasa loob po si Sir. Tatawagin ko po siya at sasabihing nrito kayo." sabi ko at hakmang papasok sa loob ng opisina ni Sir Axel.
"No. Ikaw ang sadya ko, Belle. Can we talk for awhile? Mukhang lunch break mo din naman."
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"Kahit 5 minutes lang, may importantr lang akong sasabihin sa iyo."
"My secretary is not available right now!" nagulat ako dahil nasa may pinto na pala si Sir Axel.
"Ms. Isabella, get inside dahil may iuutos pa ako sa iyo."
Wala na akong nagawa kundi pumasok na sa opisina niya.
Padabog na isinara ni sir ang pintuan. Kanina lang ang saya saya niyang kausap ang girlfriwnd niya tapos ngayon hindi mo nanaman maipinta ang mukha niya.
Umupo siya sa at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
"Sir, ano pong ipag-uutos niyo?"
"Just sir there, sasabihan din kita."
"Sir, kung mamaya pa, pwedi bang maglunch muna ako?" pakiusap ko sa kanya.
Bumukas ang pinto ng opisina ni Sir at pumasok si Josh.
"Mr. Alcantara, kakausapin ko lang ang sekretarya mo, dahil may gusto lang akong sabihin sa kanya."
"If hindi related sa business, wag mo ng ituloy. At kung may gusto ka talagang sabihin sa kanya, sabihin mo na dito."
"Its a private matter, Mr. Alcantara."
"Sir, kakausapin ko nalang siya during my lunch time." sabi ko at kita ko ang galit sa mukha niya.
"Iyon naman pala lunch time na. So can I lend your secretary for awhile?"
Hindi na niya hinintay na sumagot si Sir Axel dahil bigla na lamang niya kinuha ang kamay ko at nagsimula ng maglakad pero bago pa mabuksan ni Josh ang pinto ay nagulat ako dahil hinawakan din ako ni sir Axel sa kabilang kamay ko.
"Let her go." sabi ni sir Axel.
"Ayoko." sabi naman ni Josh.
"Baka nakakalimutan mo na nasa loob ka ng opisina ko, baka gusto mong ipakaladkad pa kita sa mga security guard dahil nanggugulo ka."
"Come on, Mr. Alcantara. She's just your secretary, bakit ganyan ka umasta?"
"And you? She is your ex, right? Ano pa bang pag-uusapan niyo? Ah.. para ipamukha sa kanya ang panloloko mo?"
"How did you know that?"
Lakas loob kong inalis ang magkabilang kamay ko na hawak nila.
"Tama na po, please."
Hinarapan ko si Sir Axel.
"Sir, payagan niyo na po akong kausapin siya, please. May gusto din po akong sabihin sa kanya. Babalik din po ako kaagad."
"See, she wants to talk to me."
"Fine! Go!" pasigaw niyang tugon at muling umupo at humarap sa mga ginagawa niya.
Sabay kaming lumabas ng pinto ni Josh.
Naghanap kami ng lugar kung saan pweding mag-usap.
"Ano bang sasabihin mo?" pagsisimula ko.
"I just want to say sorry, Belle."
"Kung iyan lang naman ang sasabihin mo, okay pinapatawad na kita."
"Belle, ayaw mo bang marinig ang explanations ko?"
"Para saan pa? Wala namang magbabago kahit magexplain ka pa."
"I know. Pero ayoko lang na kamuhian mo ako, thats why I want to tell you the whole truth. Elise and I where getting married hindi dahil mahal namin ang isa't isa. It's a fix married. Ikaw talaga ang mahal ko, at gusto kong malaman kung talagang mahal mo ba ako. Dahil kung mahal mo din talaga ako, gagawa ako ng paraan para tayo ang makasal."
"Minahal kita, Josh. Pero wag nalang nating gawing komplikado ang lahat. Pakasalan mo siya."
"So hindi mo na ako mahal? Why? Because of that man?"
"No. Wag kang magdamay ng iba. It's all because of you. That moment na nalaman ko na ayaw mo talaga akong ipakilala sa mga magulang mo, I just realize na hindi mo talaga ako mahal. How can you say na ipaglalaban mo ako sa mga magulang mo kung sa umpisa pa lang ay tinago mo na ako? Sana noon mo pa iyan ginawa, dahil ngayon huli na ang lahat para sa ating dalawa, Josh. Maigi na din na nagkausap tayo para magkaroon tayo ng pormal na paghihiwalay. Just be happy, Josh. At mukhang mahal ka din naman ng Elise na iyon. Kaya sana, wag mo na akong kausapin at puntahan pa dito."
Napayuko lang siya habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Sa totoo lang masakit ito para sa akin. Minahal ko siya. Kaya lang wala ng dahilan para ipaglaban pa namin ang pagmamahalan namin dahil maapit na siyang ikasal sa iba.
"I understand. Kasalanan ko kaya ganito ang nangyari. I hope na maging masaya ka at makahanap ka ng lalaking kaya kang ipagmalaki sa iba. Mamimiss kita, Belle. Can I ask one last favor?"
Tumango lang ako.
"Can I hug you for the last time?"
Muli ay tumango ako. Nilapitan niya ako at niyakap. "Hindi ako nagsisisi na naging tayo, Belle. Being with you is the happiest day of my life."
Muli ay pumasok ako sa opisina ni sir. Hindi na ako nakapaglunch dahil ala-una na ng hapon.
At katulad ng inaasahan ko. Galit na mukha ang salubong sa akin ni Sir Axel.
"Sir, kumain na po kayo, oras na." sabi ko.
Hindi siya kumibo.
Tumayo siya at bigla akong natakot sa ekspresyon ng mukha niya.
"How can you serve me for 10 years kung isang linggo ka palang sa akin ay hindi mo na sinusunod ang mga utos ko!" halos pasigaw niyang tugon sa akin.
"Ah? Anong ibig mong sabihin, sir?"
Napatawa siya ng bahagya. "Don't tell me nakalimutan mo na ang sinabi mo noon na magtatrabaho ka sa akin ng sampung taon para mabayaran mo ang pagkawala ng singsing ko?"
"Pero paano yung sekretarya mo?"
"I fired her."
"Anoo?"
"So from now on. Lahat ng sasabihin ko, susundin mo! Pagsilbihan mo ang kompanya ko at pagsilbihan mo ako, that's may be include my personal lust."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. High school lang ang natapos ko pero alam ko ang ibig sabihin ng mga sinabi niya. Ano iyon? Gagawin niya ba akong parausan? Bakit bigla ay nakaramdam ako ng takot sa kanya. Para siyang halimaw ng mga oras na iyon.
Hindi na siya ang lalaking lubos kong hinangahan at pinangarapan.