Episode 15

1326 Words
Axel's POV Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainis nang makita ko na pumunta dito ang ex boyfriend ni Isabella. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ganon na lamang ang nararamdaman ko. Naiinis ako at ayoko na may ibang lalaking malapit o kumakausap sa kanya. Para na nga akong baliw at hindi ko na maintindihan ang sarili ko.  Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa akin. Masaya ako kapag nasa tabi ko siya. Alam ko mali ito dahil meron ng Pam sa buhay ko. Nung tumawag sa akin si Pam ay sinadya ko na iloudspeaker iyon para marinig niya kung gaano kami kasweet na dalawa. Ewan ko kung bakit pumasok sa isipan ko na gawin iyon.  Nung araw na pumunta ang ex boyfriend niya ay nagdahilan ako na may trabaho pa siya at hindi niya pweding kausapin si Isabella. Alam ko para akong tanga na pinagkakait ang isang bagay na hindi ko naman pag-aari, at isa pa ayokong makausap niya ang lalaking iyon dahil natatakot ako na baka magbalikan pa sila. Eh ano naman sa akin kung magkabalikan sila? Kung ano man ang dahilan ko, hindi ko din alam, basta ang alam ko lang ay ayokong magkausap sila.  Tinangka ko siyang pigilan ng balakan niyang isama si Isabella sa labas.  "Let her go." lakas loob kong sabi habang hinahawakan siya sa kabilang kamay niya.  "Ayoko." sabi naman ng ex niya.  "Baka nakakalimutan mo na nasa loob ka ng opisina ko, baka gusto mong ipakaladkad pa kita sa mga security guard dahil nanggugulo ka." matapang kong tugon. "Come on, Mr. Alcantara. She's just your secretary, bakit ganyan ka umasta?" "And you? She is your ex, right? Ano pa bang pag-uusapan niyo? Ah.. para ipamukha sa kanya ang panloloko mo?" Halos mapuno na ang pagkainis ko sa kanya kaya nasabi ko iyon.  "How did you know that?" gulat niyang tugon dahil hindi niya siguro ineexpect na may alam ako tungkol sa kanilang dalawa. Pareho naman kaming napaalis ng pagkakahawak sa kanya dahil sa pwersa na iginawad niya para matanggal ang pagkakahawak namin sa kanya.  "Tama na po, please." tugon niya.  Bigla niya akong hinarapan na para bang naiiyak na.  "Sir, payagan niyo na po akong kausapin siya, please. May gusto din po akong sabihin sa kanya. Babalik din po ako kaagad." Ng mga oras na iyon ay para akong nanghina, he chose him over me. Parang ngayon ko lang naramdaman na hindi ako pinili. Bakit parang ang sakit lang.  "See, she wants to talk to me." mayabang na tugon naman niya.  "Fine! Go!" pasigaw kong tugon at muling umupo at humarap sa mga ginagawa ko.  Sabay silang lumabas ng opisina ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko at sinuntok ko ang table.  Kinalma ko ang sarili ko.  "Why am I acting like this?" naitanong ko sa sarili ko. Hindi ako pweding magkaganito dahil lang sa babaeng iyon. Malayong-malayo siya kay Pam.  "Why am I acting so stupid?" Oo, stupid ako. To the point na I fired my real secretary para lang siya na ang punalit sa kanya. What's the reason? Para makasama siya. Is that make sense? Of course not! Lumabas ako ng opisina ko. I saw them two hugging each other. So, nagkabalikan na ba sila?  Bumalik ako sa opisina ko, hindi pa din maalis ang galit ko sa nakita ko.  Ilang sandali lang ay pumasok na siyang muli sa opisina.  "Sir, kumain na po kayo, oras na." tanong niya sa akin na para bang wala lang nangyari. Hindi ko siya sinagot dahil may namumuho pa ding galit sa akin.  Tumayo ako at nilapitan ko siya.  "How can you serve me for 10 years kung isang linggo ka palang sa akin ay hindi mo na sinusunod ang mga utos ko!" galit kong tugon sa kanya.  "Ah? Anong ibig mong sabihin, sir?"  Napatawa pa ako sa naging tugon niya. "Don't tell me nakalimutan mo na ang sinabi mo noon na magtatrabaho ka sa akin ng sampung taon para mabayaran mo ang pagkawala ng singsing ko?" "Pero paano yung sekretarya mo?" "I fired her." "Anoo?" "So from now on. Lahat ng sasabihin ko, susundin mo! Pagsilbihan mo ang kompanya ko at pagsilbihan mo ako, that's may be include my personal lust." Alam ko nagulat siya sa sinabi ko. Ewan ko kung bakit nasabi ko din sa kanya ang bagay na iyon. Marahil ay sa sobrang galit ko lang sa kanya.  Hindi na ako muling kumibo hanggang sa matapos na ang office hours. Nauna akong lumabas sa opisina at kasunod siya. Sa nakikita ko sa kanya, parang ilag siya sa akin. Marahil ay natatakot na siya sa akin dahil sa nasabi ko sa kanya kanina.  "Let's eat dinner." sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus ay tumango lamang siya.  Nasa loob na kami ng kotse pero wala pa tin siyang kibo. Hinayahan ko nalamang at dumeretso na lamang sa isang restaurant para doon kami kumain.  "What do you want?" tanong ko.  "Kahit ano, sir. okay lang." Nagorder na lamang ako ng kahit ano. Kumakain na kami pero tahimik pa rin siya.  "I'm sorry," bigla kong nasabi sa kanya.  Napatitig siya sa akin pero hindi pa din siya nagsasalita.  "Kalimutan mo na ang nasabi ko sa iyo kanina, I didn't mean that."  "It's okay sir."  Pagkatapos naming magdinner ay wala pa din siyang kibo.  "Saan banda ang bahay niyo? Hahatid na kita."  "Okay lang po sir. Ihatid niyo nalang po ako sa bus station." "Ako ang boss mo, kaya ako ang masusunod." Wala na siyang nagawa kundi pumayag na. Sinabi niya ang address ng bago nilang bahay.  Kinabukasan ay naging busy dahil sa dami ng dapat tapusin. Buong araw lang ako nakatutok sa aking laptop at sa mga dapat pirmahan.  Nang matapos ang office hours ay muli kong niyaya si Isabella na magdinner. Hindi naman siya pumutol.  Muli ay kumain kami sa isang restaurant. Medyo ilag pa rin siya sa akin pero kahit papaano ay kinakausap na niya ako. "Galit ka pa ba sa akin?" tanong ko sa kanya. "Ah? Bakit naman po ako magagalit sa inyo, sir?"  "Sa nasabi ko, last time." "Okay lang po iyon."  "Really? Pwedi bang samahan mo ako after this?"  "Saan po?" tanong niya.  "Sa park."  "Oh? Bakit po?" "I want to try balot." "Akala ko po hindi kayo kumakain ng ganoon?" "Kaya nga I want to try." "Sige po." Pagkatapos naming magdinner ay muli kaming bumalik sa park kung saan kami pumunta nung unang beses ko siyang niyayang magdinner.  Gaya ng sinabi ko ay bumili kami ng balot.  "Pabili po ng apat na balot." sabi ko.  Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa.  "Ako na po magbabayad, sir. Baka buo na naman ang pera niyo." sabi pa niya sa akin.  Hindi na ako tumutol pa.  Naupo kami para kainin ang binili naming balot.  "Ano pong ginagawa niyo, sir?" tanong niya sa akin.  "Tinatanggal ko iyong sisiw. Hindi ko makakain."  "Ang sarap kaya niyan. Akin na lang, wag mo pong itapon."  "Seriously?"  "Opo, sir."  "Di ba sabi ko wag mo akong tawaging sir pag tayo lang magkasama?" "Ah kasi po boss kita." "And drop also "po" nagmumukha akong matanda." Tumango na lamang siya.  "I remember nung una tayong magkasama dito, marami tayong napagkwentuhan tungkol sa mga personal nating buhay. So kumusta na kayo ni Mr. Perez. Kayo na ba ulit?" kuryosidad kong tanong. Napatingin siya sa akin bago sumagot. " Hindi po. Nag-usap kami para sa formal breakup at closure sa pagitan naming dalawa." Biglang nagkaroon ako ng sigla. So hindi pala sila nagkabalikan gaya ng akala ko.  "Why?"  "May fiancè na po siya at wala akong balak na nanggulo."  "Pero kung mahal mo pa naman siya, bakit hindi mo ipaglaban?" "Hindi na po, sir. I know my place. At ayokong guluhin sila. Tsaka tanggap ko na po na hindi talaga kami para sa isa't isa. Tsaka kung may mamahalin man ako, gusto ko yung lalaking kaya akong ipagmalaki sa iba. Tsaka yung ako lang yung ng-iisang babae sa buhay niya." Marami pa kaming napagkwentuhang dalawa. Pakiramdam ko ay close ns close na kaming dalawa. May kakaiba din akong nadarama ng mga oras na iyon. Sa totoo lang gusto ko siyang yakapin para icomfort siya sa mga pinagdadaanan niya sa buhay, kaya lang natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag niyakp ko siya ay ayaw ko na siyang bitawan pa.  Nung oras na iyon, napaisip ako. Tama pa kaya itong nangyayari ngayon? Bakit parang mas lumalalim ang pagkagusto ko na makasama siya parati? Kailangan ko ng itigil ang kahibangan na ito dahil ayokong magkasala kay Pam. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD