Episode 16

1192 Words
Ilang oras na din ang nilagi namin ni sir Axel sa park habang kumakain ng balot at nagkukwentuhan. Muling bumalik ang gaan ng loob ko sa kanya. Marami kaming napagkwentuhan at panay lang din ang tawa namin. Muli ding bumalik ang paghanga ko sa kanya. Masaya ako na kasama ko siya. Sana lang ay hindi kaagad matapos ang araw na ito na magkasama kami.  Minsan, nakakaramdam ako ng lungkot lalo pa kapag ikinukwento na niya ang tungkol sa kanila ni Pam. Doon ay mas lalo kong narerealize na sobrang mahal nga niya talaga ang babaeng iyon. Isa itong sampal sa akin sa katotohanan na hinding-hindi ako magugustuhan ni sir. Kaya kung ano mang pantasya ang nararamdaman ko para sa kanya ay nararapat lamang na tapusin ko na, dahil masasaktan lang ako kapag umasa pa ako.  Hindi namin napansin na umambon na pala. Hanggang sa bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan. Kaagad kaming tumayo at tumakbo pabalik sa sasakyan ni sir dahil wala kaming ibang masilungan. Nagulat pa nga ako dahil bigla niya akong hinila habang magkahawak ang aming mga kamay. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng mga sandaling iyon. Sabay kaming tumatakbo sa ulan habang magkahawak kamay.  Ilang minuto din ang inabot bago kami makarating sa kinaroroonan ng sasakyan at basa na din kami dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Kinakapkap ni sir yung susi para buksan ang pinto ng sasakyan.  "Wala yung susi ko sa bulsa. Nahulog ko pa yata sa kinauupuan natin doon kanina." sabi niya.  Mas lumakas pa ang buhos ng ulan at basang basa na kaming dalawa. Muli ay hinila niya ako habang hawak ang kamay ko. Tumakbo kami sa isang waiting shade.  Nakaramdam ako ng lamig dahil sa lakas ng hangin tapos basa pa ang suot kong damit. Pinagkrus ko ang magkabilang kamay ko para kahit papaano ay hindi ako lamigin.  "Ang lakas ng ulan." sabi ni sir.  Tumango lamang ako. "Nilalamig ka ba?" tanong niya sa akin.  "Medyo po." sagot ko naman.  Inalis ni sir ang suot niyang suit. Mas nagulat pa ako dahil inalis din niya ang suot niyang polo.  Kitang-kita ko ang ganda ng katawan niya. Nakakaakit ang mga abs niya kaya hindi ko mapigilang tumingin. Kaya lang nakaramdam ako ng hiya ng mapansin niya na nakatingin ako sa dibdib niya. Kaagad kong inalis ang tingin ko sa kanya.  "Kunin mo ito." sabi niya at humarap muli ako sa kanya. Inabot niya sa akin ang long sleeve na polo niya. "Ahh? Bakit po?" sagot ko.  "Di ba nilalamig ka? Hindi gaanong nabasa ang polo ko kaya pwedi mo muna itong ipangtapal sa katawan mo." "Kayo po? Hindi po ba kayo nilalamigan?" "Hindi. Sanay ako sa lamig. Sa totoo lang, natutulog pa akong hubad kahit nakabukas pa ang aircon." Bigla pa akong namula sa sinabi niya. Hindi na ako nagdalawang isip na kunin ang polo sa kanya. Pakiramdam ko nga ay kayakap ko lang siya dahil sa polong ito na nasa katawan ko. Naaamoy ko din ang bango ng pabango niya.  Sinuot niyang muli ang suit habang nakatingin siya sa patak ng ulan. Ang gwapong-gwapo talaga niya. Para siyang inosenteng bata na nakatingin sa bawat patak ng ulan.  Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Nagulat ako dahil napansin ako na nakatingin na din pala siya sa akin.  "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong niya sa akin.  "Ahh wala po, sir." nahihiya kong tugon.  Ilang minuto din ang itinagal ng malakas ng ulan. Hanggang sa bahagya na lamang ang patak ng ulan.  "Dito ka muna, babalik lang ako sa kinauupuan natin kanina, hahanapin ko yung susi ko para pwedi na tayong umalis." Tumango na lamang ako. At pinapanood ko na lamang siya habang papalayo.  Muli ay napatingin ako sa polo niya. Nakangiti ako habang inaamoy amoy ito. Nakakaadik namang amuyin ang polo niyang ito.  Ilang sandali lang ay muli na siyang bumalik at nakita na niya ang susi. At may kinakausap pa siya sa cellphone niya.  "Maghintay lang tayo ng kaunti dahil nagpabili ako ng mapapalitan nating damit." Gaya nga ng sabi niya. May dumating na may katandaang lalaki at may kasamang halos kaedaran ko lang yata na babae na kapwa may dala-dalang paper bags. Mukha pang maningning ang kislap ng mga mata ng babae kay sir Axel pero nang dumako ang tingin niya sa akin ay parang gusto niyang manakit sa mga tingin niya.  "Sir, narito na po iyong utos ninyo." sabi ng matandang lalaki. "Salamat po. Pasensiya na sa abala." sagot naman ni sir.  Nang umalis na ang dalawa ay saka siya humarap sa akin. "Oh, get change. Baka lagnatin ka." sabi niya sabay abot ng dalawang paper bag." "Ah? Dito po ako magpapalit?"  "Bakit? Ayaw mo?" halos matawa niyang sagot. "Ah, ehhh..." halos mautal kong sagot.  Muli ay tumawa siya ng malakas. "Siyempre hindi dito. Bubuksan ko yung kotse doon ka na magpalit. Pagkatapos mo doon na lamang ako magpapalit."  Lumakad siya papunta sa sasakyan at sinundan ko na lamang siya habang hawak ang paper bags.  Binuksan niya ang pinto sa may backseat.  "Oh sakay kana. Dito ka na magpalit."  Sumunod ako sa utos at sumakay na sa sasakyan.  Nanatili siya sa labas ng kotse. Napaisip pa nga ako kung nakikita niya ba ako mula sa labas. Baka makita niya ang katawan ko kapag nagpapalit ako.  Tiningnan ko ang laman ng paper bag. Sa unang paper bag ay may lamang isang dress. Kulay puti iyon at mukhang mamahalin din. Sa isang paper bag naman ay underwear naman ang laman. Mukhang size ko din naman ang mga naroon. Tumingin muna ako kay sir bago tuluyang inalis ang damit ko. Buti na lang ay abala ito sa kinakausap niya sa kanyang cellphone.  Sinimulan ko ng magpalit. Sinuot ko na ang underwears pati ang dress. Medyo nahirapan lang ako dahil hindi ako makagalaw na maayos.  Nung matapos akong makapagpalit. Inilagay ko na lamang sa paper bg ang mga basa kong damit. Inaayos ko na din muna ang buhok ko bago ako tuluyang bumaba sa kotse.  "Tapos na po ako." Sabi ko sa kanya.  "Okay, I call you later." sabi niya sa kausap niya sa cellphone.  "Sige. Ako na magpapalit." Sumakay siya sa backseat.  Ilang sandali lang ay bumaba na din siya sa kotse.  Nakasimpleng tshirt lang siya at shorts. Sa totoo lang mas gumwapo pa siya sa paningin ko kahit simple lang ang suot niya.  "Why?" tanong niya sa akin. "Hindi ko ba bagay ang suot ko?"  "Hindi naman po. Bagay naman po. Ngayon ko lang po kasi kayo nakitang ganyan ang suot." "Masasanay ka din." sabi niya.  "Po?"  "Basta. Tara na, sakay ka na at uuwi na tayo." Kasalukuyan na kaming nagbabyahe.  "Sir, lalabhan ko na lang po itong polo niyo, pati na din po itong suot ko bago ko ibalik sa inyo. " "Yung polo ko nalang ang ibalik mo. Yang suot mo, hindi na. Mukha ba akong nagsusuot ng dress?"  "Ang ibig niyo pong sabihin, sa akin na ito? Pwedi niyo naman pong ibigay kay Mam Alexa po, okaya kay Mam Pam." "Marami ng damit si Ate Alexa, at si Pam, hindi naman ganyan ang mga type niyang suotin." "Ganoon po ba? Salamat po kung ganoon." Inihatid niya ako sa bahay.  Nang gabing iyon ay hindi ako kaagad dinatnan ng antok. Patuloy kong inaalala ang mga nangyari kanina habang kasama si sir. Sana lang ay parating ganoon. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ako mananaginip ng gising? Kung panaginip lang lahat ng ito, parang ayoko ng gumising. Kasi baka paggising ko ay sampalin ako ng katotohanan na may Pam ng nagmamay-ari ng puso niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD