Axel's POV
Pasado alas-onse na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Nagshower muna ako bago tuluyang dumapa sa kama ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sa kabilang banda, hindi ko pa din maiwasang isipin ang mga pangyayari kanina. May kakaiba talaga akong nararamdaman tuwing magkasama kaming dalawa ni Isabella. Inaamin ko, maraming nagbago simula ng makilala ko siya. Dati ay panay lang si Pam ang nasa isip ko. Oras-oras din kung tawagin ko siya dahil lagi ko siyang namimiss pero ngayon halos hindi ko na siya naiisip at hindi na din ako nakakatawag pa sa kanya.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Am I falling in love to Isabella? Hindi! Impossible. Marahil ay nagiging ganito lang ako dahil madalas ko siyang kasama. Marahil ay mawawala din ito kaagad. Hindi maaaring magkagusto ako sa kanya ng ganun-ganon na lamang, dahil si Pam lang ang mahal ko at wala ng iba.
Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Pam.
Nakailang ring lang ito at kaagad na niya itong sinagot.
"Hello." halos magulantang ako dahil lalaki ang sumagot sa kabilang linya.
"Who's this?!" sagot ko sa kabilang linya.
"Babe." sagot sa kabilang linya.
"Sino iyong sumagot ng phone mo?" tanong ko sa kanya.
"Ahhh kasama ko din siyang model babe. Anong oras na diyan? Bakit gising ka pa?"
"Patulog pa lang ako."
"Mukhang busy ka, babe. Ngayon ka lang ulit tumawag sa akin."
"Marami lang ginagawa sa office, babe."
"Okay. I miss you and I love you."
"Okay, see you soon."
Yun lang ang sinabi ko at ibinaba ko na ang phone ko.
Bigla ko na lang naramdaman na parang wala na akong excitement tuwing kausap ko siya. Dati naman ay kahit pagod na pagod ako sa trabaho ay pipilitin kong magpuyat magkausap lang kami. Pero bakit parang may nagbago? Nung sinabihan niya ako na miss na niya ako at mahal niya ako, bakit parang wala na lang sa akin? Nagbago na ba talaga ako dahil sa babaeng kailan ko lang nakilala? Am I really fall for another girl? Gulong-gulo na ang isipan ko.
Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong tumayo at kumuha ng wine. Tuwing kasing balisa ang pag-iisip ko ay iinom lang ako ng alak ay giginhawa na ang pakiramdam ko.
Kung totoo man na nagkakagusto na ako sa babaeng iyon, dapat ngayon pa lang ay pigilan ko na. Mali itong nararamdaman ko. Hindi ako maaaring magkagusto sa kanya dahil planado na ang future ko kasama si Pam. Si Pam ang pinangarap ko na makakasama ko sa habang-buhay, hindi iyon mababago ng kung sino man. Tama. Kaya lang ako ganito ay dahil siya ang madalas kong kasama. The moment na hindi ko na siya makikita o papansinin ay mawawala na itong nararamdaman ko sa kanya. Maybe I should distant myself to her at sa ganoong paraan ay mawawala na lamang ito bigla.
Kinabukasan, late na ako pumasok sa opisina dahil na din sa sakit ng pakiramdam ko kagabi tapos ay uminom pa ako. Tulad ng inaasahan ko ay nasa loob na ng opisina ko si Isabella.
"Good morning po, sir." bati niya sa akin sabay ngiti.
"Good morning." walang buhay kong tugon sa kanya.
"Sir, gusto mo po ng kape?" tanong niya sa akin.
"No, thanks. By the way, tulungan mo si Ms. Garcia sa mga inauutos ko sa kanya."
"Okay po, sir." kaagd naman niyang tugon at lumabas na.
Tulad ng naisip ko kagabi, iiwasan ko na siya dahil ayokong lumago pa lalo itong nraramdaman ko sa kanya. Maigi nga na hindi ko na muna siya nakikita para hindi na siya gumambala sa isipan ko.
Lunch time na at alam ko ay may lunch meeting ako sa isa kong malaking kliyente.
May kumatok sa pinto at pumasok si Isabella. Kaagad akong nag-iwas ng tingin.
Nilapitan niya ako. "Sir, may lunch meeting po kayo kay Mr. Chua. Aalis na po ba tayo?" tanong niya sa akin.
Hinarapan ko siya.
"No, ako na lang ang pupunta. Yung inuutos ko na tumulong ka kina Ms. Garcia, iyon na muna ang gawin mo." sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.
"Ganun po ba? Okay po sir." malungkot niyang tugon sabay labas ng opisina ko.
Lumabas ako ng opisina ko at nakatingin lang sila sa akin, including her. Ito ang tama na dapat kong gawin. Ayokong magkasala sa girlfriend ko.
Nagpatuloy ako ng paglakad nang hindi na tumitingin sa kanila.
Pumunta ako sa lunch meeting ko, pero parang lumilipad naman ang isipan ko.
"Are you okay, Mr. Alcantara? Maybe we should pause our meeting, mukhang wala ka sa mood."
"I'm sorry, Mr. Chua. Siguro nga. Ireschedule na lang natin ang meeting."
"Sure."
Pagkatapos ng meeting namin ay hindi ako dumeretso sa opisina kundi dumeretso ako sa condo ng kambal kong si Allen.
Si Ms. Garcia na din ang tinext ko instead of her na bukas na ako babalik ng office.
"Anong nakain mo at narito ka?" tanong sa akin ng kambal ko.
"Namiss kita."
"Wag mo akong lokohin. Kilala kita, may problema ka no? Si Pam na naman ba iyan?"
"Hindi, iba. " sagot ko.
"What do you mean, iba? Ibang babae ba ang ibig mong sabihin?"
Tumango lang ako.
"Loko ka. Akala ko ba si Pam lang ang one and only girl of your life. So ano? Natauhan ka na ba kaya mo siya iniwan?"
"No. Pam and I are still together."
"So anong ibig mong sabihin?"
"May nakilala akong babae na nagpapagulo ng isip at damdamin ko "
"What? Dude! Congrats! Normal na tao ka na." natatawang tugon niya.
"Sira."
"Oo nga. Yung mga lalaking loyal sa isa, hindi normal na lalaki iyan, dahil ang tunay na lalaki, dapat maraming babaeng napapasaya, like me. Hehehe." dagdag pa niya.
"I'm serious."
"Bakit hindi ba ako seryoso sa sinasabi ko?" tugon niya.
"Hindi ka pa kasi naiinlove kaya ganyan pananaw mo."
"Talagang hindi dahil ayokong mainlove. So ano ba kasi nangyari?"
"She's my secretary. Tuwing nakikita ko siya, masaya ako. Pakiramdam ko may nararamdaman na ako sa kanya. Kaya, iniiwasan ko na siya."
"Tanga, bakit hindi mo nalang i-fired kaysa iyang iniiwasan mo. Unless, inlove na inlove ka na talaga sa kanya "
"I can't fired her dahil may utang pa siyang kailangang bayaran. At isa pa kailangan niya ang trabaho dahil sa kanya umaasa ang pamilya niya."
"So bakit ka pa nandito kung hindi mo naman pakikinggan ang payo ko? Kung gusto mo talaga siyang iwasan, pwedi mo naman siya idala sa ibang department. Makakapagtrabaho naman siya don at hindi mo na siya makikita talaga, unless gusto mo talaga siya nakikita, ayaw mo lang aminin."
"Hindi ko alam."
"Sumama ka na lang kaya bukas."
"Saan?"
"Nainlove lang makakalimutin na?"
"Ano nga?"
"Sa Batangas. Di ba request ni dad na dalawin si tito Dice. Stay ka doon kahit one week lang. Siguro naman sapat na ang one week para matigil iyang pantasya mo sa sekretarya mo, pero kung hindi nawala feelings mo, good luck na lang sa iyo."
Napag-isipan ko ang sinabi ng kapatid ko. Mukhang magandang ideya din naman iyon. Sana lang ay maging effective dahil gusto ko ng matigil ang lahat ng ito. Sana lang pagbalik ko ay wala na akong kahit anong nararamdaman pa sa kanya.
Marami pa kaming napagkwentuhan ni Allen habang umiinom. Para pa rin kaming mga bata kung mag-asaran. Masaya ako dahil close pa din kaming dalawa kahit marami na ang nangyari.
Umiwi ako sa bahay ng alas sais ng gabi at sakto din ay nagdidinner na sila.
"Kuya nandito ka na pala. Tara kain na tayo." sabi ng bunso naming kapatid na si Allaina.
Kaagad naman akong tumalima at naupo na sa mesa kasama sina mom, dad at si ate Alexa.
"Anong oras po ang alis bukas papuntang Batangas?" tanong ko.
"Oh, akala ko hindi ka makakasabay sa amin?" tanong ni dad.
"Okay na po dad. Pinagkatiwala ko po muna sa iba yung mga naiwang trabaho tsaka isa pa wala pa namang gaanong ginagawa dahil pag-uusapan muna namin ni Mr. Chua yung gagawing project."
"Good to hear. Basta wag mong pakakawalan si Mr. Chua. This will be a big project kaya wag mo siyang biguhin tsaka ikaw talaga ang pinagkkatiwalaan non."
"Yes, dad."
"Kain na tayo, kanina pa ako nagugutom." sabat ni Allaina.
"Kaya ka lumolobo e." asar ko naman sa kanya.
"Okay lang mataba, kuya. Atleast maganda." tugon naman niya sa akin.
"Magdiet ka na. Paano ka magugustuhan ng crush mo niyan." muli kong asar sa kanya na para bang nawala bigla sa mood.
"Oh joke lang iyon. Ikaw na nagsabi kahit mataba basta maganda."
"Tama na iyan. Ikaw lagi mo nalang inaasar kapatid mo. What about Allen?" sabat ni mom.
"Galing po ako sa condi niya kanina. Susunduin ko nalang po siya doon ng maaga bukas."
"Dapat sinabay mo na dito para naman dito na lang din siya natulog."
"Hindi pa daw po siya nakapag-impake. Hayaan mo na mom, makikita mo din siya bukas."
Masaya naminh tinapos ang dinner namin. Sayang lang wala si Allen. Mas masaya sana kami kung kumpleto naming pinagsasaluhan ang pagkain. Basta, darating din ang araw ay kukumbinsihin ko siyang muling tumira sa bahay para magkakasama kaming lahat.