Maaga kong sinundo si Alllen sa condo niyo. Nakapag-almusal pa kami ng sabay-sabay. Alas nuebe na ng umaga na kami nakaalis sa bahay. Nakasakay kami sa van at si Allen ang nagmamaneho. Bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakapagpaalam sa opisina na mawawala ako ng isang linggo. Si Ms. Garcia muli ang tinext ko para sabihin na wala ako until next week.
Masaya ang naging byahe namin magpapamilya patungo sa Batangas.
"Allaina, nagbaon ka ba ng plastic?" asar na tanong ni Allen.
"Bakit?" patay malisyang tugon ng bunso naming kapatid.
"Baka magsuka ka na naman." nagtawanan kaming lahat.
"Dad, mom. Bawalan niyo nga po si kuya. Ako na naman inaasar." Sabi niya sabay yakap kay mom.
"Kambal nga kayo ni kuya. Parehong bully." muli pa niyang tugon.
"Siyempre. Sabay naming napag-aralan ng kuya Axel mo iyan."
Panay ang asaran at tawanan naming magpapamilya.
Magtatanghalian na nang makarating na kami sa wakas sa resort namin sa Batangas.
Napakaganda ng tanawin. Bata pa kami ng huli kaming pumarito. Ang sarap ng simoy ng hangin at ang ganda ng paligid. Pati ang dagat ay napakasarap titigan.
"Alexa!" sigaw ng isang babae.
Sa pagkakaalam ko siya si Ate Sabrina, panganay ni tito Dice. Kasunod niya ang isa pang babae na halos kaedad namin na si Halia, pangalawang anak ni tito. Hindi namin sila ganoon kaclose dahil bihira din kaming punapasyal dito at hindi din naman sila pumapasyal sa Maynila. Mas gusto kasi ni tito dito na manirahan. Minsan na din kasi naikwento nina mom at dad ang pinagdaanan ni tito pagdating sa pag-ibig. Si ate Sab ay anak niya sa isang babaeng nagtatrabaho sa isang club na aksidente niyang nabuntis. That time daw ay frustrated si tito dahil iniwan siya ng babaeng mahal niya. Then, there is a girl na kababata niya na muli niyang nakita, they fell in love kaso lang ay galing pala sa operasyon at hindi pweding magbuntis dahil ikakamatay niya. Nagdesisyon si tito na wag ng ituloy ang pagbubuntis niyo dahil ayaw niyang magtake risk ito. Pero pinagpatuloy pa rin niya ang pagbubuntis. Sabi pa daw ng doctor may posibilidad na pareho silang mamamatay. Luckily, nakaligtas ang anak nila but not Tita Hannah. Yung wedding dress na dapat ay isusuot niya sa araw ng kasal nila ni tito ay naisuot niya sa araw ng burol niya.
That wss the most tragic story I ever heard. Naaawa ako para kay tito. Dahil din siguro sa kalungkutan kaya unti-unting humina ang katawan niya. I admired tito dahil sa wagas niyang pag-ibig kay tita Hannah. Iba talaga kapag alam mong ibinigay mo lahat ang pagmamahal mo kasi baka dumting iyong araw na mawala na pala siya sa iyo tapos hindi mo naparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal, iyon ang mas masakit. Kaya kung may mahal ka, iparamdam mo na kaagad sa kanya ang tunay mong nararamdaman.
May lumabas din na isang batang lalaki na sa palagay ko ay nasa limang taong gulang, anak siya ni ate Sabrina.
Nagmano so ate Sabrina, Halia at ang bata kina mom and dad.
"Tito papa, tito mama." sabi ni ate Sab.
"Grabe, Sab. Ang tagal na nating hindi nagkita. Namiss ka namin." sabi ni mom sabay yakap sa kanya.
"Namiss ko din po kayo. Ah si Sean nga po pala, anak ko po siya."
"Aba may apo na pala kami sa iyo. Ang gwapong bata mana kay lolo." sabi ni dad.
"Anak bumati ka sa kanila. Siya ang lolo Xander mo, kapatid siya ng lolo Dice mo tapos heto si lola Gab mo, heto naman mga tito at tita mo."
"Magandang tanghali po." sabi niya sabay mano sa amin.
Nakatingin pa nga siya sa aming dalawa ni Allen.
"Bakit po magkamukha kayo?" tanong pa niya sa amin.
"Kambal kami, pogi. Sa totoo lang triplets tayo, dahil kasinggwapo mo kami nung bata pa kami, kaya alam mo na ang itsura mo paglaki mo." birong tugon ni Allen.
"Siyanga po pala, si Halia po."
"Hello po. Bati niya sa amin."
Napatitig ako sa kanya dahil magandang babae siya. Sabi nina mom magkamukha daw sila ng namayapa niyang ina. So, ibig sabihin ganito ang mukha ng mahal ni tito.
"Hello Halia. Napakagandang bata mo naman. Dalagang-dalaga ka na. Halos kasing edad mo lang hetong kambal mong pinsan."
Napangiti naman niya sa amin.
"Salamat po. Tara po pasok na po tayo sa loob, hinihintay na po tayo ni daddy."
Kaagad naman kaming tumalima at pumasok na sa loob. Nadatnan naming nakahiga si tito Dice. Namayat na siya at halatang mahina na ang katawan. Talagang nakakapaghina talaga ang kalungkutan kaya dapat ay lagi nating sikapin na maging masaya, kaya dapat kung saan tayo masaya ay doon tayo.
"Kuya!" sabi ni dad sabay yakap sa kapatid.
"Xander, Gab. Narito kayo." mahinang tugon niya.
"Oo, kasama namin mga pamangkin mo. Magpalakas ka, para makapagbonding tayong lahat na magpapamilya."
Halos maiyak ako sa tagpong iyon. Masasabi ko na magkasundong-magkasundo silang dalawa.
Lumabas muna ako sandali at binalak kong pumunta malapit sa dagat para naman kalanghap ng sariwang hangin. Ang sarap din kasing titigan ang mga alon.
Kinuha ko ang phone ko at may nakita akong missed calls. Binuksan ko iyon at nakita ko na galing iyon kay Isabella. Muli ay bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit kaya siya tumatawag?
Tatawagan ko na sana siya kaya lang ay bigla kong naisip ang sinabi ko na iiwasan ko na siya. Dahil doon, mas pinili ko na lang na iignore ang missed call niyang iyon.
"Kuya, tara na daw kakain na tayo sabi ni mom." tawag sa akin ni Allaina.
"Sabi ni mom, o sabi mo? Baka gutom ka nanaman." asar kong sabi sa kanya.
"Bahala ka diyan!" naiinis niyang tugon.
Hinabol ko siya. "Heto naman, kaagad nagtatampo. Sorry na." sabi ko sa kanya sabay akbay.
Masaya naming pinagsalihan ang tanghalian. Puro mga seafood ang nakahapag at lahat ay masasarap dahil na din sa sariwa ang mga ito.
Umakyat ako sa taas para kumuha ng kwarto. Biglang naakit ang tingin ko sa isang kwarto kaya binuksan ko iyon. Bumungad sa akin ang isang malaking picture frame na nakasabit sa pader. Picture iyon ni tito at ni tita Hannah. Malaki pa ang tiyan doon ni tita Hannah kapwa sila nakasuot ng puti at may hawak na bulaklak si tita. Ang akala ko ba hindi sila ikinasal? Bigla kong natanong sa sarili ko.
"Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako sa boses. Si Halia iyon. Kamukhang-kamukha nga niya si tita Hannah.
"Sorry. Nacurious lang ako sa loob. Kwarto pala ito nina tito. "
"Okay lang. Matagal ng hindi nagagamit ang kwarto na iyan. "
"Ahh bakit?"
"Ayaw na pumasok ni daddy dito kasi naaalala lang niya si mommy."
"Kamukha mo nga talaga ang mommy mo." sabi ko habang nakatitig sa picture frame.
"Oo nga. Wedding picture nila iyan."
"Ang akala k--" hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin ko.
"Hindi sila kinasal talaga. Si mommy ang nagrequest na magkaroon na sila ng wedding picture kasi daw baka hindi na niya magawa sa mga susunod na araw."
Bigla akong nalungkot sa sinabi niya.
"Nakakalungkot ang love story ng mga magulang mo, no?"
"Oo nga. Naaawa ako kay daddy. Walang araw na hindi niya naiisip si mommy."
"Ganun talaga kapag nagmamahal, never siyang mawawala sa isipan mo."
"Wow. Kung makapagsalita ka parang naranasan mo ng mainlove."
"Kinda" tugon ko.
"Masaya ako para sa iyo."
"Thank you."