Episode 19

1306 Words
Tatlong araw na kaming nasa Batangas. Hindi naman gaanong nakakainip dahil madalas naming libutin ang buong resort. Madalas din kaming maligo at nililibot ang isla sakay ang isang yate.  Masaya kami dahil kompleto kaming buong pamilya. Madalas nga ay nagkakayayahan kaming magpipinsan na mag-ihaw at kumain sa may dalampasigan. Kahit papaano naman ay naging cose na namin sina ate Sabrina at si Halia.  Madalas ko din tawagan si Pam at kinukumusta. At masaya ako dahil alam ko unti-unting bumabalik na ako sa pagiging ako. Hindi ko na gaanong naiisip pa si Isabella. Hindi ko din kasi pinansin yung missed call niya sa akin nung isang araw. Kung may concern din ako o gustong iutos ay kay Ms. Garcia ako nagtetext o tumatawag. Mas maigi na iyon dahil ayoko muna magkaroon ng komunikasyon sa kanya.  "Oy Allen, pinopormahan mo ba si Halia? Dude, pinsan natin iyan." pangangaral ko sa kambal ko. Paano ba naman kasi ay madalas ko napapansin na magkasama at magkausap sila.  "Judgemental ka masyado, bro. Nakikipagclose lang." dipensa naman niya. "Iba kasi mga titig mo sa kanya."  "Siyempre, nagagandahan lang ako sa kanya. Pero hindi ako ganoon ah." "Dapat lang." "Eh ikaw, kumusta na yang puso mo?" bigla niyang pag-iiba ng usapan. "What do you mean?" tanong ko sa kanya. "Yung sekretarya mo? Maganda ba siya?" kuryosidad niyang tanong. "Ikaw talaga puro babae nasa isipan mo."  "Siyempre, kung nagugustuhan mo siya ibig sabihin maganda siya. Ipakilala mo naman ako sa kanya." "Wag mong idamay ang inosenteng babae sa mga kalokohan mo."  "Ano itsura niya? Kasing ganda ba siya ng Pam mo?"  "Saka ko nalang siya ipapakilala kapag matino ka na." sagot ko sa kanya.  "Dude. Matino ako, sadyang gwapo lang tayo kaya lapitin ng tukso, siyempre palay na lumalapit, mag-iinarte pa ba ako?" tawang sabi niya.  "Basta kapag naging seryoso ka na sa pag-ibig, ako pa maglalakad sa babaeng magugustuhan mo. Gagawan ko pa ng paraan, magkatuluyan lang kayo. Ako pa gagastos ng kasal niyo." "Wow, supportive talaga ng kambal ko. Sige tatandaan ko iyan." sabi niya sabay akbay sa akin.  Panglimang araw na namin sa resort. Nung mga ilang araw na narito kami ay nakikita ko na bumubuti na ang pakiramdam ni tito Dice kaya lang ngayon ay parang muli siyang nanghina.  "Lolo okay lang po ba kayo?" tanong ng anak ni ate Sabrina. "Mahina na si lolo, apo." tugon naman ni tito. "Daddy, wag po kayong magsalita ng ganyan." naiiyak na tugon ni Halia.  "Konting panahon na lang anak, magkikita na kami ng mommy mo." mahinang tugon niya.  Sa totoo lang ay sinabihan na namin siya na dalhin na sa hospital kaya lang ay tumanggi siya.  "Daddy, wag po kayong magsabi ng ganyan!" patuloy sa pag-iyak si Halia habang hawak ang kamay ng kanyang tatay.  "Sasabihin ko din sa kanya kung gaano mo siya kamahal." dagdag pa niya. "Daddy..!"  Hanggang sa tuluyan na siyang napapikit at bumagsak na ang kanyang kamay. Halos lahat kami ay napasigaw. Ginigising namin siya ngunit hindi na siya nagigising. Hindi na din siya humihinga. Ngayon, ay alam namin na masaya na siya dahil sa wakas ay muli na silang magkakasama ng babaeng pinakamamahal niya. Dito na din namin siya binurol dahil iyon din ang gusto niya. Napakahalaga kasi ng lugar na ito para kay tito dahil dito umusbong ang pagmamahalan nilang dalawa.  Inuwi namin ang bangkay ni tito dahil balak naming itabi ang puntod niya sa kanyang pinakamamahal na si tita Hannah. Isinama na din namin pabalik sina Halia at ate Sabrina kasama ang anak niyang si Sean.  Nang matapos ang libing ni tito ay dumeretso na kami pauwi sa amin. Doon na din titira sina Halia at ate Sabrina. Pero si Allen ay muling umuwi sa kanyang condo.  Alas otso na ng gabi at tapos na din kami magdinner. Kasalukuyan kaming nasa sala at nanonood ng movie magpipinsan.  "Axel, bakit hindi mo kunin sa company si Halia. Nag-aral din siya ng business ad." sabi ni ate Alexa. "Naku, ate. Wag na po, tsaka kahit nakapagtapos po ako hindi ko din nagamit dahil inalagaan ko si daddy nung magkasakit siya." sagot ni Halia.  "Pwedi naman. May mga magtuturo naman sa iyo doon. Sayang naman kasi kung hindi mo gagamitin iyang natapos mo. I think magiging masaya din sa tito kapag pumayag ka. What do you think brother?" tingin niya sa akin.  "Well,  pwedi naman. I can give you a spot." "Salamat.".nahihiyang tugon niya sa akin. "Nasaan pala si Allen?" biglang tanong ni ate Sabrina. "Nasa condo niya."  "Bakit hindi siya dito nakatira?" kuryosidad nilang tanong. "Mahabang kwento.".tugon naman ni ate.  "Pero hindi pa siya nag-asawa?" muling tanong niya.  "Hindi pa. Wala pa nga siyang girlfriend e." sagot ko naman. "Eh ikaw?" balik na tanong ni ate Sabrina. "Meron iyan. Ldr nga lang. Pero malapit na ikasal." si ate Alexa ang sumagot. "Eh ikaw, bakit hindi ka pa nag-aasawa?" tanong naman niya bigla kay ate Alexa. "Pass muna ako diyan." sagot naman ni ate.  "Tama iyan, Alexa. Wag niyo akong gayahin, iniwan lang ako ng ama ni Sean. At wag niyo ng itanong ang dahilan dahil ayoko ng pag-usapan."  Madami pa kami napagkwentuhan hanggang sa hindi namin namalayan na maghahating-gabi na pala.  Bumalik ako sa kwarto ko. Nagshower muna ako bago tuluyang humiga sa kama. Kinabukasan, maaga akong nagising dahil isang linggo din ang pagkawala ko sa opisina. Malmng ay katambak na ang mga naiwan kong trabaho. Pagdating ko sa opisina ay maraming folders ang nakapatong sa table ko. Bago ako nakaupo ay napansin ko ang isang paper bag na nakapatong naman sa upuan ko. Kinuha ko iyon at binuksan. Yung polo ko iyon, naalala ko na ipinahiram ko iyon kay Isabella. Dahil doon ay muli ko siyang naalala. Maaga pa naman kaya sa palagay ko ay papunta palang siya ngayon dito. Sinimulan ko na ang pagbabasa sa mga folder. At ilang saglit lang ay napansin ko na bumukas ang pinto. Napatingin ako at si Isabella iyon. Kita ko pa sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya ako.  "Ssirr nandito na po pala kayo." sabi niya sa akin.  Tumango lamang ako sa kanya at muling ibinalik ang tuon ko sa aking ginagawa.  Tulad ng dati ay balak ko pa din siyang hindi pansinin, para talaga tuluyan ng mawala itong nararamdaman ko sa kanya.  "Gusto niyo po ng kape?"  "Sige." sagot ko sa kanya na hindi man lang siya nililingunan. Lumabas siya ng opisina at sinundan ko lamang siya ng tingin.  Maya-maya pa ay muli siyang pumasok at may dala ng kape. Inilapag niya iyon sa table ko pero wala pa din akong kibo.  "Sir, ilang araw na kayong tinatanong ni Mr. Chua." "Ako na ang bahala doon, thank you." sagot ko sa kanya.  Inabala ko na lang ang sarili ko sa ginagawa ko para hindi ako mag-isip ng kung ano-ano.  Maya-maya pa ay nagring ang phone ko.  Pam calling... "Hello babe." umpisa ko.  Napatingin sa gawi ko si Isabella. Umiwas ako ng tingin sa kanya.  Tumayo ako at lumabas ng opisina para kausapin siya sa labas.  "Hello babe. Kumusta ang libing no tito Dice? Sorry hindi ako nakauwi." "It's okay babe, I understand." "Malapit na akong umuwi, babe. I can't wait to see you." malambing niyang tugon sa akin.  "Me too. See you soon.".  "I love you."  "I love you too." sagot ko sa kanya.  Muli ay pumasok ako sa loob. Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya at naupo na sa ginagawa ko.  Maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang na lumapit siya sa kinaroroonan ko.  "Sir, may nagawa po ba akong mali?" bigla akong napatigil sa ginagawa ko at hinarapan siya.  "What do you mean?" seryoso kong tanong sa kanya.  "Para kasing iniiwasan niyo ako."  "Why? Ano ba dapat ang pakikitungo ko sa iyo? As far I know, empleyado kita, am I treating you wrong?"  Hindi siya makasagot. Hindi ko alam kung nakakaoffend ba ang sinabi kong iyon.  "Sorry po, sir. Lalabas lang po ako, kung may uutos po kayo nasa labas lang po ako." paalam niya sabay labas ng opisina. Napansin ko na may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.  Nasaktan ko ba siya sa sinabi ko? Parang naguilty ako bigla. Gusto ko siyang habulin at magpasorry pero pinigilan ko lang.  Mas okay na din siguro ang ganito. Para na din ito sa ikakabuti ng lahat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD