Episode 20

1086 Words
Sobrang saya ko nung araw na magkasama kami ni Sir Axel. Yung polo pa nga niya na naiwan sa akin ay kaagad kong nilabhan. Nilagyan ko pa nga ng fabric conditioner para lang bumango na hindi naman namin madalas ginagawa tuwing naglalaba dahil dagdag gastos lang.  Kinabukasan ay excited pa akong pumasok ng trabaho dahil gustong-gusto ko na siyang makita. Kaya lang ay pasado alas dyes na ng gabi pero hindi pa din siya dumadating sa opisina. Nag-alala pa nga ako dahil baka nagkasakit siya dahil sa lakas ng ulan at pareho kaming basang-basa. Hanggang sa ilang sandali na lamang ay narito na siya. As always, gwapo pa din siya.  "Good morning po, sir." bati ko sa kanya habang nakangiti sa kanya.  "Good morning." walang buhay naman niyang tugon sa akin.  Naisip ko tuloy na baka wala lang siya sa mood.  "Sir, gusto mo po ng kape?" muli kong tanong sa kanya.  "No, thanks. By the way, tulungan mo si Ms. Garcia sa mga inauutos ko sa kanya." sabi niya sa akin. "Okay po, sir."  Kaagad naman akong tumalima at lumabas na.  Tumingin ako sa relo ko at mag-aalas dose na ng tanghali. Natatandaan ko na may lunch meeting pa siya sa isa niyang kliyente. Excited akl dahil muli ko nanaman siyang makakasama.  Kumatok muna ako sa opisina niya bago tuluyang pumasok. Kaagad ko siyang tiningnan kaso lang ay bigla siyang umiwas ng tingin.  Nilapitan ko siya. "Sir, may lunch meeting po kayo kay Mr. Chua. Aalis na po ba tayo?" tanong ko sa kanya. Hinarapan ko naman niya ako bigla. "No, ako na lang ang pupunta. Yung inuutos ko na tumulong ka kina Ms. Garcia, iyon na muna ang gawin mo." tugon niya sa akin sabay balik sa ginagawa niya.  "Ganun po ba? Okay po sir." malungkot kong tugon sabay labas na ng opisina.  Bigla akong napaisip. May nagawa ba akong mali sa kanya? Bakit parang galit siya sa akin.  Muli ay bumalik ako sa kinaroroonan nina Mam. Garcia.  Lumabas si sir Axel nh opisina. Malamang ay papunta na siya sa meeting niya. Ni hindi din niya magawang tumingin sa kinaroroonan namin at nilampasin lang kami na para bang hindi kami nakikita.  "Mukhang natauhan na din sa wakas si sir Axel." sabi ni Mam Garcia na para bang nag-iinsulto.  "Ano pong ibig niyong sabihin, Mam?" tanong ko sa kanya.  "Diba inaakit mo si Sir? Kaya nga may special treatment siya sa iyo. Well, mukhang hindi na ngayon. Tsaka wag kang umasa na makukuha mo si sir. May fiancè na siya at sobrang ganda pa. Kaya kung ako sa iyo, lumabayan mo si sir Axel." Hindi na ako tumugon pa sa sinabi niya. Hindi naman niya kailangang ipamukha sa akin na mlapit na siyang ikasal dahil alam ko naman iyon. Siguro ito na din ang magpapagising sa akin sa katotohanan na malabong magustuhan niya ako. Kailangan ko ng itigil itong pantasya ko sa kanya dahil malabong maging kami.  Sa kabilang banda ay kakaramdam pa din ako ng lungkot dahil parang iniiwasan niya nga talaga ako. Ito na nga lang ang kasiyahan ko, ang makasama siya kaso parang nagbago na ang lahat.  Lagi kong tinitingnan ang oras sa relo ko. Lampas ala una na ng tanghali, malamang ay patapos na siya sa meeting niya. Hanggang sa lumipas pa ang ilang oras pero wala pa din si sir. Hanggang sa nasabi na lamang ni Mam Garcia na bukas na daw babalik sa trabaho si sir. Natapos na kami sa trabaho at uwian na. Parang ngayon ko lang naramdaman na parang ang bagal ng oras. Kaninang nalaman ko na hindi na babalik si sir sa office ay parang gusto ko na ding umuwi dahil nawalan ako ng gana. Buti na lang at tapos na abg trabaho. Makikita ko naman siya muli bukas kaya okay lang.  Bumili ako ng bagong paper bag para paglagyan sa polo ni sir. Siyempre, nakakahiya namang isauli na nakaeco bag o plastic bag.  Kinabukasan, maaga ulit akong pumasok sa opisina. Hinihintay ko talaga si sir para maibigay ko ito sa kanya at makapagpasalamat. Kaya lang lumipas na ang ilang oras ay wala pa din siya.  Abala ako sa mga pinophoto copy  ko. Panay pa din ang tingin ko sa relo. Alas dyes na ng umaga pero wala pa din si sir. Hanggang sa narinig ko na lang na hindi daw darating si sir at mawawala ng isang linggo. Tumingin ako sa phone ko, hindi naman siya nagtext sa akin. Diba dapat sabihan niya ako na sekretarya niya? Bakit sa iba niya sinabi na magleleave siya ng isang linggo.  Muli ay nakaramdam na naman ako ng lungkot. Dinig ko pa na pinag-uusapan siya ng ilang mga empleyado. "Bakit kaya biglaang nawala si Sir!" "Baka pinuntahan niya yung fiancè niya sa Paris. Aalm mo na namiss niya." "Siguro nga. Napakaswerte talaga ni Mam Pamela no? Ang gwapo ni sir, ang hot tapo ang yaman pa. Mapapasana all ka nalang talaga." "Oo nga." Muli ay nakaramdam ako ng lungkot. Baka nga hindi lungkot kundi sakit. Alam ko naman na wala talaga akong pag-asa kay sir kaya lang bakit ganito ang nararamdaman ko? Alam ko hindi tama pero ano nga bang magagawa ko para mawala na itong paghanga ko sa kanya? Ayoko ng ganito. Ayokong umasa sa taong alam kong hinding-hindi magiging akin. Siguro panahon na talaga para ibaon ko na ang feelings ko para sa kanya kasi mas lalo lang ako masasaktan kapag pinatagal ko pa.  Lunch time na. Nakatitig lang ako sa phone ko at talagang umaasa ako na baka itext man lang niya ako. Nakatitig ako sa contact number niya. Pumasok sa loob ko na tawagan siya para kumustahan sana at itanong kung anong dahilan ng pagkwala niya ng isang linggo. Kaya lang naisip ko na baka ano pa osopin niya kapag ginawa ko iyon. Halos wala ako sa sarili ng mga oras na iyon. Hanggang sa hindi ko namalayan na naidial ko na pala ang numero niya.  "Naku patay. Bakit mo naman ginawa iyan, Isay? Ano na lang sasabihin ko kapag nagtanong siya kung bakit ako tumatawag sa kanya? Ay bahala na." sabi ko sa sarili ko.  Hindi ako gaano kumain dahil wala talaga akong gana. Hanggang sa bumalik na ako sa office. Muli kong tiningnan ang phone ko pero wala namang text o missed call si sir.  "Tumawag si sir.ngayon ngayon lang, kailangan natin tapusin ang pinapagawa niya sa atin within this day, kaya baka mag overtime tayo ngayon." Sabi ni Mam Garcia. Napaisip ako bigla. Kakatawag lang biya kay Mam Garcia pero yung missed call ko sa kanya ay binalewala lang niya.  May kirot sa puso ang aking nararamdaman. Bakit ba ako umaasa na tatawagan niya ako o itetext man lang para magpaalam. Wala namang kami at never magiging kami. Iyon ang katotohanan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD